ALTHEA POV Hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Arianne. Malapad ang kanyang pagkakangiti at niyakap ako. Napakasweet talaga nitong prinsesa ko. Namana niya sa kanyang ama ang ugaling to. "Mommy, may tanong po ako." Aniya. Pagkatapos n'yang tapusin ang yakapan namin. "Ano 'yun anak?" May dinukot siya sa bulsa niya na papel at ipinakita sa akin. "Mommy, sino po tong kasama mo sa picture?" Takang tanong niya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng ipakita niya sa akin ang litratong hawak. Pa-paanong may picture namin ni sean si arianne? "Saan mo nakuha to?" Tanong ko at hinablot sa kanya ang hawak na picture. "Mommy, nagclean ka po sa room ko. May nakita po akong box na maliit tapos maraming mga pictures dun na may iba kang kasamang lalaki at hindi si daddy. Sino po ba