After four years ALTHEA POV "JACOB MAZEN!" halos tumalon ang puso ko sa sobrang kabang nararamdaman ko. Pano ba naman kasi, ang pinakamakulit kong anak na lalaki ay tumatakbo sa gilid ng pool kahit kailan talaga ang batang ito oh. Sinabihan ko sila bago ako pumayag na maligo sila sa swimming pool na walang tatakbo sa gilid ng pool at baka nadisgrasya sila. "Hey relax di naman mapapaano yang bata. hayaan mo s'yang mag-enjoy" sinamaan ko ng tingin ang nagsalita sa tabi ko. "Ang sa akin lang baka madisgrasya siya at ayokong mangyare 'yun. Mas mabuti na yung safe sila. ayokong may mangyaring masama sa anak ko." Sagot ko. Tahimik lang akong nakamasid sa kanilang dalawa. Hindi ako magsasawang pakatitigan, alagaan at mahalin ang mga anak ko. Blessings sila na binigay sa akin ni lord and i'm