SARAH POV "Eto uminom ka muna." Inabot ko ang hawak na basong tubig ni Hannah. Tumuloy agad ako dito ng magising ako mag-isa. Nang gigigil siya sa inis at galit sa asawa ko dahil sa ginawa nito. Sinabi ko naman kay Hannah na nagpaalam naman sa akin si Sean. Ayaw n'yang makinig sa akin. Meron pa nga s'yang pangako sa sarili na kapag nakita niya ito ay babalatan niya ng buhay.. "Tama na.. itigil mo na to Sarah. Hindi nakakabuti para sayo ang ipagpatuloy pa ang meron kayo. Sumuko ka na Sarah." Halos pagmamakaawang aniya. Pinahid ko ang luha sa pisngi. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak na lang ng dahil sa kanila. "Kasalanan ko to Hannah." Naisatinig ko pa iyon sa kabila ng paghikbi. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ito ang kailangan ko ngayun. Mabuti na lang at meron akong kaibi