SARAH POV "Mabuti naman at nakabalik ka na. Hindi na dumadalaw sa amin si Sean magmula ng umalis ka Sarah. Tapos ngayun malalaman ko na bumalik ka na at hindi man lang pinaalam sa amin ni Sean na nandito ka na. Nakakatampo talaga yang asawa mo." Nakapout na sabi ni mom. Natawa ako ng bahagya. "Mommy. Kilala niyo naman si Sean. Kapag wala ako sa tabi niya hindi siya aalis kung hindi ako kasama. Pagpasensyahan niyo lang. Masyado s'yang busy para bisitahin kayo." Palusot ko na lang. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang naganap sa amin ng anak niya. Alam kong hindi papayag si mommy na maghiwalay kami ng anak niya. She will do everything, magawa niya lang ang gusto. Pano pa kaya kung malaman niya na si Ella ang kabit ng asawa ko. Malamang gagawa ng paraan si mommy para paglayuin silang da