SEAN POV "Sinabi ni Sarah talaga 'yun?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ella. Marahan akong tumangon. Ngumisi siya kasabay ng paghalik sa akin. "Eto na ang pagkakataon mo para saktan si Sarah. I know she still in love with you so gusto kong pagbigyan mo siya." Aniya na nakangiti. "Bakit pa? Hindi ko na siya mahal tyaka sa tuwing nakikita ko siya hindi ko kayang pakitunguhan siya ng maayos." Umiling si Ella. "Sean, kung mahuhulog si Sarah ulit sayo. makakaganti ka na sa kanya kapag iiwan mo na siya. Sobra s'yang masasaktan at dahil dun hindi na niya tayo guguluhin." Saglit akong napaisip. May punto si Ella.. kulang pa ang sakit na pinaranas ko sa kanya. "Pano tayo?" Tanong ko. Kinawit niya ang magkabilang kamay sa leeg ko. "Hindi na muna tayo magkikita tyaka na kapag tapos na ang u