Sarah POV humarang ako sa dinadaanan ni Sean. Masama ang tingin nito sa akin. Hindi ko iyon ininda sa halip nagsalita ako. "Sean, pwede bang tigilan mo na ang saktan ako. Tatlong linggo na lang natitirang araw ko bilang asawa mo. Sana pagbigyan mo ako. Gusto kong maging masaya, pwede ba na kalimutan mo muna ang galit mo sa akin? Please." Pakiusap ko. Napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa kaba. Nilagpasan niya lang ako at umalis na sa bahay. Nanatili akong nakatayo. Tumingala ako para pigilan ang luha. Dalawang linggo na ako sa bahay na ito. Walang ibang pinagkaiba. Isa akong martyr na asawa sa umaga at parausan sa gabi. Bagama't nasasaktan sa pinapakita sa akin ni Sean, naniniwala pa rin ako na magbabago siya. Nagpunta ako sa kuwarto ko at nagkulong. Wala akong ganang kum