CHAPTER 3

1216 Words
SEAN POV PINAGBABASAG KO ANG LAHAT NG MAHAWAKAN KO. Nagdidilim ang paningin ko. Pagkarating ko sa bahay walang Sarah ang nadatnan ko. Nakaramdam ako ng takot na baka sumama siya sa lalaki niya. Tama nga ang hinala ko, walang kahit isang damit niya ang nasa closet namin. Nakabukas pa iyon ng madatnan ko. Ilang beses kong tinawagan si Sarah pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Nang hihinang naupo ako sa gilid ng kama. Nagsiunahang bumagsak ang luha sa mata ko. Pano ako nagawang lokohin ni Sarah? Akala ko pa naman iba siya. Minahal ko si Sarah pero nagawa pa din niya ako ipagpalit sa iba. Binigay ko ang lahat sa kanya pero ito lang ang isusukli niya sa akin. Sa sobrang sakit ng ginawa niya. Nakuha kong gantihan siya at makipagsiping sa ibang babae. Tinungga ko ang hawak na alak. Magpapakalango ako sa alak hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit. Kinaumagahan nagising akong may katabi na. Sinapo ko ang ulo dahil sa pagkirot niyon. Napangiti ako habang nakatingin sa hubad na likod ng asawa ko. Baka umuwi siya kagabi at nauwi kami sa ganito. Gumalaw siya at nagpalit ng puwesto. Ngayun ay nakaharap na siya sa akin. Nagulat ako ng hindi ang asawa ko ang kasama ko sa kama. Si Ella ang bestfriend ng kapatid ng asawa ko. Nagmulat ng mata ang babae at matamis akong ningitian. What the fuck! Anong ginawa ko? SARAH POV "Iha kumain ka na muna." Inilapag ni Mrs. Salazar ang food tray sa bed side table. Ngumiti ako ng pilit at bumangon sa kama. Inayos ko ang pagkakaupo. Inilagay niya sa harap ko ang pagkain. Magana akong kumain habang nakatingin sa akin si Mrs.salazar. Napakabait n'yang tao. Sila ng pamilya niya. Tinanggap nila agad ako kahit na hindi nila ako lubos na kilala. Nang una kong makita si Tita Jamaila nakatulala lang siya. Wala sa sarili at tila walang pakialam sa paligid niya. Nasabi sa akin ni jason na may dinaramdam ang ina kaya ganun. Nang mapatingin siya sa akin biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Magmula ng araw na iyon lagi niya na ako kinakausap o kaya pinagsisilbihan na hindi ko magawang tanggihan. Sobrang bait niya sa akin. Nakikita ko sa kanya ang mommy ko. Namimiss ko na sila. Kung pwede nga lang bisitahin ko sila pero alam ko namang malalaman nila ang nangyare sa akin. Ayokong maging masama ang tingin nila sa asawa ko. Umpisa palang binalaan na ako ni mom na wag maniwala kay Sean dahil baka saktan lang ako ng lalaki. Hindi ko sinunod ang gusto ni Mommy. Sobra akong nahihiya kay mommy kapag nalaman niya ang nangyare sa akin. Titiisin ko muna ang pagkamiss sa kanila para makalimot muna ako sandali. Nang matapos akong kumain inilapag ko sa bed side table ang ginamit ko. Ngumiti ako kay tita jamaila. Hinaplos niya ang pisngi ko. Naluluhang nakatitig siya sa akin. "Nakikita ko sayo ang anak ko." Aniya. Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto na tinutuluyan ko. Hinihingal na jason ang pumasok. Iginaway-way niya ang hawak. Gulat na napatitig ako sa kanya. "Ready na ang passport mo. Pwede na tayong umalis." Yumuko ako. Gusto kong maiyak. Parang gusto kong bumalik sa piling ng asawa ko para makasama pa siya. Alam kong kulang ang taon ng pinagsamahan namin para maikubli ko ang pagkamiss sa kanya. Bakit kasi sa akin pa nangyare ito? Tumango ako kay Jason. Mataman na nakatitig sa akin ang lalaki. Tila sinusuri ang itsura ko. "Mom what are you doing here?" Tanong niya sa ina. Ngumiti lang ang ginang sa kanya. "Nalaman ko kasi na hindi pa kumakain ng lunch si Sarah kaya dinalhan ko." Sagot niya sa tanong ng anak. "Okay ka na ba mom?" Naguguluhang nagpa-palit-palit ako ng tingin sa kanila. Natawa ng bahagya si tita. "Oo naman anak.." tumayo ang ginang at niyakap ang anak. "Salamat sa walang sawang pag-aalaga sa akin anak. Mahal na mahal kita." Parang may humaplos sa puso ko dahil sa nasaksihan. Masaya akong makita ang ganitong bagay. Di ko maiwasang hindi alalahanin ang tumayong ina sa akin. Umalis na si tita kaya kami na lang ni jason ang natira. "Alam kong hindi ka pa handa. Sabihin mo lang Sarah kung ayaw mo. Pwede ka namang bumalik sa asawa mo kahit ano mang oras mo gustuhin. Ang akin lang sana mahalin mo muna ang sarili mo bago mo ibigay iyon ng buong-buo sa asawa mong nanakit sayo." Naluluhang tumitig ako sa kanya. "Hindi magbabago ang isip ko Jason. Sasama ako sayo." "That's good to hear. Ayusin mo na ang gamit mo. mamayang alas tres ang alis natin." Umalis na siya sa kuwarto ko pero bago iyon pinigilan ko siya. "Pwede bang dumaan muna tayo sa bahay ng asawa ko bago tayo pumunta ng airport?" Tanong ko. Marahan s'yang tumango at tuluyan ng umalis. Miss na miss ko na si Sean. Babalik ako para sa kanya at sana sa pagbabalik ko nakalimutan niya na ang nangyare. Biktima lang ako dito. Ang sakit lang na hindi ako kayang paniwalaan ng asawa ko. Tama ba itong disisyon ko? Matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Isa-isa ko iyon inilabas sa kuwarto. Hindi lang kami ni Jason ang aalis ng bansa. Kasama namin ang magulang niya. Nauna ng umalis sa mansyon ang magulang ni Jason kami na lang ang naiwan. Hinihintay ko sa kotse si Jason. Nakakunot ang noo nito ng lumabas sa mansyon. Pumasok na kami sa loob ng kotse. "Wala ka bang naiwan?" Tanong niya. Tumango ako sa tanong niya. Umalis na kami sa mansyon. Katulad ng hiling ko dumaan nga kami sa bahay namin ni Sean. Nagulat ako ng makitang nasa labas lang ng bahay si Sean. Nakangiti ito sa kaharap na babae. Nawala ang pagkakangiti ko dahil sa nasaksihan. Hinalikan ni Sean si Ella sa labi at pinagbuksan ito ng pinto ng sasakyan. Hindi ko namalayang naglandas ang luha sa mata ko. Hindi na ba ako mahal ni Sean? Ang sakit.. sobrang sakit na halos hindi ko na ata kaya. Bakit parang wala lang sa kanya ang pagkawala ko? Nagawa pa nitong maging masaya sa iba. "Umalis na tayo." Malamig na ani ko. "Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Dapat hindi na tayo pumunta pa dito." Muli akong sumulyap sa bahay namin. Dumaan ang kotse nila sa amin. Nakangiti ang asawa ko kay Ella nakita ko pa iyon bago sila umalis ng tuluyan. Inabutan ako ng panyo ni Jason. Seryoso itong nakatingin sa akin. Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang luha sa mukha ko. Hindi dapat ako nasasaktan. Alam kong ginagawa lang iyon ni Sean dahil sinaktan ko siya. Sa pagbabalik ko kukunin ko ang nararapat na sa akin. Wala akong pakialam kung marami s'yang babae. Ang mahalaga sa akin bumalik ang lalaking mahal ko. Handa akong tanggapin siya sa buhay ko dahil mahal ko siya. Sobrang katangahan man sa iba pero ito ako. Mahal ko si Sean at walang makakapagbabago 'nun. Ang hirap bitawan ang lalaking minahal mo ng lubos. Humarap kami sa altar at nangako sa isa't-isa na kahit anong mangyari kami parin at walang dapat na makakasira sa amin. Alam kong pag-subok lang ito sa amin ni Lord. Walang mag-asawang hindi dumaan sa mga Problema. Ang tanging hiling ko lang ay sana dumating ang araw na magkakasama kami ulit ni Sean.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD