Sarah POV
Hindi ko kayang imulat ang mga mata. Nagtutulog-tulugan ako. Hindi ko kayang bumangon at harapin ang mga problema.
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang bumangon.
Nakangiting mukha ng nurse ang nabungaran ko. Ngumiti ako ng pilit.
"Pasensya na po ma'am. Kailangan kang makausap ni doktora." Aniya. Tumingin ako sa tabi niya.
Seryosong nakatingin sa akin ang doktora. Nakikita ko sa mga mata niya ang awa.
"Nakunan ka misis." Tumango ako at mahinang natawa.
Para akong baliw, Yung tipong halos tawanan ko na lang itong sakit na daladala ko. Wala na ang pinagbubuntis ko. Gusto kong sumigaw at magwala pero pagod na pagod na ang buong katawan at isip ko sa dami ng nangyari sa akin.
Saglit kaming nakapag-usap ng doktora at pinayagan ako nitong makauwi na dahil na rin sa pakiusap ko.
Akala ko binalikan ako ng asawa ko. Kung sana bumalik siya sana nailigtas pa ang baby ko. Tanging sarili ko lang ang nagdala dito sa hospital para lang mailigtas ang batang dinadala ko.
Wala sa sariling naglakad ako hanggang makarating ako sa bahay naming mag-asawa.
Naabutan kong maraming nagkalat na damit sa sala. Hindi na ako nagulat na makitang may babaeng nakapatong sa asawa ko at pareho silang walang saplot.
Pumunta ako sa kitchen at doon inumpisahan ang pagluluto ng agahan.
Nang matapos ako sa pagluto. Umalis na ako sa kitchen. Naabutan ko pa si sean na masama ang tingin sa akin. Nang akmang tatalikuran ko siya agad n'yang hinaklit ang braso ko.
Nagulat ako sa sunod n'yang ginawa. Mahigpit niya akong sinakal. Nanlilisik ang mga mata niya.
Naluha ako habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na nasa leeg ko.
Nahihirapan na akong huminga ng maayos. Eto na ata ang katapusan ko.
Unting-unting bumigat ang talukap ng mata ko. Bago pa ako tuluyang mawalan ng hininga binitawan din niya ako.
Bumagsak ako sa sahig at habol ang paghinga. Tumingala ako para matitigan si Sean.
"May gana ka pa talagang bumalik dito pagkatapos mong makipagkita sa kabit mo!" Sigaw niya sa akin. Kahit na nanghihina pinilit kong ibangon ang sarili.
Wala akong lakas para harapin siya. Gusto kong ipahinga ang sarili dahil na rin sa nakunan ako. Hinang-hina ako. Pagod na pagod na ang isip ko.
Humakbang ako hanggang sa makalakad ako. Pinupunasan ko ang luha.
"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ni Sean sa akin. Hindi ko na siya nilingon pa.
Umakyat ako sa ikalawang palapag nitong bahay namin. Nang makarating ako, nakita ko sa paanan ng hagdan na nakikipaghalikan ang asawa ko sa babaeng dala niya. Iniwas ko ang paningin sa kanila. Pinuntahan ko ang kuwarto namin at kinuha ang maleta ko.
Ayoko mang iwan si Sean pero kailangan kong ayusin ang sarili. Galit sa akin ang asawa ko. Hindi siya naniniwala sa akin kahit ano pa ang sabihin ko.
Gusto kong lumayo, gusto kong takasan ang problema kahit ngayun lang. Masyado pa akong mahina para muling harapin ang galit ng asawa ko. Hindi ko na alam kung pano ko mapapaniwala ang asawa ko. Pareho lang kaming biktima pero napapagod din akong ipaintindi sa kaniya ang lahat. Masyadong sarado ang isip ng asawa ko para pakinggan ako.
Narinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan niya. Mabilis akong kumuha ng mga gamit ko at inayos.
Siguradong umalis si sean. Eto na ang tamang oras para umalis.
Wala akong nakitang Sean sa buong bahay kahit sa labas ng bahay.
Pumara ako ng taxi at sinabi ang pupuntahan ko. Napasilip ako sa bintana at tinanaw ang bahay namin.
Pinahid ko ang luhang lumandas sa mata ko. Babalik ako at sa pagbabalik ko sana magkaayos na kami ni Sean.
Bumaba ako sa park kung saan ako nakita ng mga sisters na s'yang kumupkop sa akin. Lumaki ako sa orphange kasama kong lumaki ang kaibigan kong si Hannah.
Wala akong matandaan sa nakaraan ko. Tatlong taon lang ako ng mawalay sa pamilya ko.
Lagi akong pumupunta dito sa tuwing nalulungkot ako.
May mga paang huminto sa harap ko. Inangat ko ang mukha makita ang taong iyon.
Napanganga ako sa nakita. Matangkad na lalaki. Matangos ang ilong, mapula ang labi. Ngumiti siya at inilahad ang kamay sa akin.
"Hold my hand. Ako ang bahala sayo. Tatanggalin ko ang lungkot sa maganda mong mukha." Aniya na nakangiti.
Wala sa sariling inabot ko ang kamay niya. Hinila niya ako patayo.
"Who are you?" I asked him.
"I'm your savior." Kumunot ang noo ko.
"Sabihin mo sa akin ang pangalan mo." Naiinis na ani ko. He let out a soft chuckled.
He reminds me of someone..
"I'm Jason Salazar.. may gusto akong ialok sayo."
"Ano?.." Napataas ang isang kilay ko.
"Sumama ka sa akin. Tutulungan kitang kalimutan ang taong nanakit sayo." Aniya. Natawa ako sa sinabi niya.
Imposible kasi na makakalimutan ko na lang ang taong Nanakit at sobra kong minahal.
"Hindi kita lubos na kilala so pano ako sasama sayo? Pano kung masamang tao ka pala." Siya naman ang natawa.
"Mukha ba akong masamang tao? Don't worry wala akong gagawing masama sayo. Sumama ka lang sa akin. Sisiguraduhin kong magiging maayos ang buhay mo habang kasama mo ako." Tumango ako at ngumiti sa kanya.
Walang masamang maniwala sa kanya tyaka mukha naman s'yang sincere sa sinasabi niya.
Ngayun palang kami nagkita at magaan na agad ang loob ko sa kaniya. Yung feeling na safe ako pag siya ang kasama ko. Ang weird ng ganitong pakiramdam pero may part sa akin na paniwalaan ang lalaking nasa harapan ko ngayun.
"Sige, sasama ako sayo sa isang kundisyon."
"Ano? Tell me.."
Huminga ako ng malalim..
"Maninirahan ako kasama mo hanggang one year. Pagkatapos nun babalik ako sa asawa ko." Kumunot ang noo niya.
"Bakit ka pa babalik sa taong nanakit sayo?" Hindi makapaniwalang Tanong niya.
"Dahil mahal ko siya. Gusto kong maghilom ang sugat sa puso naming dalawa bago kami muling magsama."
Hindi makapaniwalang tumitig siya sa akin.
"Hindi kita maintindihan. Umiiyak ka sa taong sinaktan ka pero nagawa mo pa din s'yang mahalin."
"Mahal ko siya kahit ano pang-mangyare. Tatanggapin ko lahat ng pagkakamali niya basta mahalin niya lang ulit ako."
Ngumisi siya at umiling.
"Pano kung sa pagbabalik mo magmahal siya ng iba. Anong gagawin mo?"
Tumingin ako sa kalangitan. Pinagpapawisan na ako dahil sa sobrang init.
"Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin kahit na may iba na s'yang mahal. Mananatili pa din sa kanya ang puso ko dahil 'yun ang ipinangako ko ng maikasal ako sa kanya." Sagot ko.
"Hindi na ako magmamahal pa ng iba." Dagdag ko pa.
Jason POV
Nakita ko ang isang babaeng nakatulala sa bench dito sa park. Sa katunayan nga wala akong balak na lapitan siya pero may nagsasabi sa isip ko na puntahan siya.
Alam kong malungkot siya. I don't want to see her crying. Minabuti kong alukin siya na magstay sa akin dahil mukhang lumayas siya sa kanila. May maleta kasing nasa gilid niya.
At sa tingin ko wala s'yang tutuluyan. Eto ang unang pagkakataon na may inalok akong babae na makakasama ko sa bahay. Kahit hindi ko alam ang buong buhay niya, alam kong kailangan niya ng taong iintindi sa kanya.
Nang makita ko siya kanina. Nabuo sa isip ko na gusto ko s'yang tulungan. Na kailangan niya ng taong magpapahalaga sa kanya.
"Let's go.. hinihintay na ako ng dad ko." Ani ko.
Ako na ang nagdala ng maleta niya.
Umalis na kami sa park at dinala siya sa bahay ng parents ko.
Balak kong dalhin ang babae sa ibang bansa para makasimula ulit ng panibagong buhay.