CHAPTER 1

1312 Words
SARAH POV Naalimpungatan ako ng may magbukas ng ilaw ng kuwarto naming mag-asawa. Bumangon ako kahit na nakapikit. Medyo masakit ang ulo ko dahil sa pag-inom kagabi. Kasama ko si Liam kagabi dahil broken hearted ito ayon sa kuwento niya. Nag-aya s'yang uminom kami dito sa bahay. Pumayag ako kahit na hindi ko naman hilig ang maglasing. Lalo na may problema din akong dinadala kaya agad akong napapayag. Bigla akong nalasing ng isang beses palang akong nagshot. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Napatingin ako sa pinto. Nanlaki ang mata ko ng makitang nandun ang asawa kong si Sean. Napako ang tingin ko sa katawan ng lalaking katabi ko sa kama. Tumayo ako at mabilis na lumapit kay Sean. Napaatras pa siya at nanlilisik ang mata sa akin. Bumangon si Liam ng makita niya ang asawa ko. "Sean let me explain." Ani ko. Kahit kinakabahan ay ginawa kong mahinahon ang boses ko. Malamig ang tingin na pinupukol nito sa akin. Nasasaktan ako sa kaalamang ganito sa akin si Sean. "May nangyare ba sa inyo?" Tanong niya. Mabilis akong umiling bilang sagot. "Hindi, walang nangyare-" Liam cut me off. "Don't listen to her. Aminin mo sa kanya Sarah na may nangyare satin. How you shout my name-" "SHUT UP.." Sigaw ko sa kanya. Pano n'yang nagagawang sabihin to mismo sa harap ng asawa ko. Alam ko sa sarili ko na walang nangyare sa amin. Humakbang ako palapit kay Sean at agad s'yang nahawakan pero piniksi niya ang kamay ko at malakas akong itinulak. Ang namumuong luha sa mga mata ko kanina ay kumawala na. "Sean, wag kang maniwala sa kanya. Mahal na mahal kita at hindi ko magagawang saktan ka." Napailing si Sean at bahagyang natawa. Patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata ko. "Akala ko iba ka. Pero sa nakikita ko ngayun at sa sinasabi ng lalaki mo tingin mo paniniwalaan pa kita? HINDI." Gumapang ako palapit kay Sean at yumakap sa binti niya. "Sean, please sakin ka maniwala... ako ang nagsasabi ng totoo. Walang nangyare samin sean." Umiiyak na saad ko. Tinatanggal niya ang mga kamay ko sa binti niya hanggang sa nagawa nga niya. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. Lumapit ako kay liam at sinampal siya. "How dare you!." Nanlilisik na saad ko. "Bawiin mo ang sinabi mo. Alam mong walang nangyare satin." Galit na sigaw ko sa kaniya. Tumingin si Liam kay Sean. Hanggang sa tila nawalan ako ng hininga dahil sa huling sinabi ni Liam. "Believe it or not may nangyare sa amin ni Sarah. Ayaw n'yang sabihin sa'yo ang tinatago naming relasyon dahil habol niya ang yaman mo." Di makapaniwalang tumingin sa gawi ko si Sean. Mapait itong napangiti at umalis sa kuwarto. Nanlalambot ang tuhod na napaupo ako sa sahig. Lumabas din ng kuwarto si Liam. Nablangko ang isip ko. Hinayaan kong dumaloy ang mga masaganang luha sa mata ko. Bakit kailangan mangyare ang lahat ng ito? Ano bang nagawa ko para maranasan ang sakit na ito? Hinintay kong bumalik si Sean hanggang sa maghapon. Nagsimula na akong kabahan nang hindi pa din siya bumabalik ng pagdating ng gabi. Di ko mapigilan ang maluha. Ngayun palang nasasaktan na ako kapag naiisip ko na baka iiwan na ako ni Sean. Di ko kayang mawala siya sa akin. Mahal na mahal ko ang asawa ko. Naisip ko na tawagan ang mga kaibigan niya pero ang iisang sagot nila sa akin ay hindi nila ito kasama. Biglang may nagdoorbell kaya agad akong pumunta sa labas. Nagmamadaling binuksan ko ang gate sa pag-aakalang si Sean iyon pero nagkamali ako. Nasa harapan ko ang kaibigan ni ate na si ella. Nakangiti siya sa akin at may inabot na envelope. Nanigas ako sa kinatatayuan at nanginginig ang kamay na kinuha mula sa kanya ang envelope.. Nagsimula ng tumulo ang luha ko ng makita ang nasa loob na hawak ko. Mga litrato... Mga litrato ng asawa ko na nakikipagtalik sa ibang babae. Napatingin ako kay Ella na may panunuyang tingin mula sa akin. "Stay away from Sean because from now on his mine." Yun ang huling sinabi niya bago ako iwan mag-isa. Napatakip ako sa bibig at hindi na napigilan mapa-hagulhol. Ilang minuto ang tinagal ko sa labas bago ko maisipang pumasok na sa loob. Nahiga ako sa sofa at nakatingin sa kawalan. Napapikit ako at tuluyan ng nilamon ng dilim. Nagising ako ng may biglang may padabog na nagsara ng pinto. Bumangon ako at nakita si Sean na matalim ang tingin sa akin. Nag-uulap muli ang aking paningin. Mabilis akong lumapit sa kanya pero hindi ko inaasahan ang pananakit niya sa akin. Ang hapdi ng pisngi ko. Tahimik lang akong lumuluha. Nasa sahig ako at pilit na itinatayo ang sarili. Mapait akong ngumiti at lumapit sa kanya. Hinawi niya ang kamay ko ng akma ko s'yang hahawakan. Nasasaktan ako dahil sa trato niya sa akin pero titiisin ko. "Sean.. makinig ka sa akin.. sakin ka maniwala, wala akong ginagawang masama. Sa tingin mo ba magagawa kong saktan ka? Hindi ko makuhang pagtaksilan ka dahil ikaw lang ang ma-mahal ko." Lumuluhang saad ko. Nanatiling tikom ang kanyang bibig. "Yung lalaki mo mismo ang nagsabi na matagal nang may relasyon kayo. Sa tingin mo rin ba paniniwalaan pa kita?" Mariin akong napapikit. "Ako na ang nagsasabi sayo Sean wala kaming relasyon." Peke itong natawa. "Sinira mo ang tiwala ko sayo Sarah.. mabuti pang maghiwalay na tayo." Nanlalambot ang tuhod ko at anytime pwede akong bumagsak sa sahig. Patuloy sa pagbuhos ang luha ko. Napakuyom ako ng kamao. Gusto kong ipakita sa kanya ang litrato ng mga kababuyan niya. Gusto kong ipalandakan sa pagmumukha niya na siya ang nagloko at hindi ako. Hindi ko napansin ang pag-alis niya sa harap ko. Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto. Hirap na ako sa paghinga. Hanggang kailan ko ba mararanasan ang sakit na ito? Ayokong sukuan si Sean. Mahal ko siya at siya lang ang lalaking mamahalin ko. Napatingin ako sa hita ko ng nay makita akong dugo. Nagsimula na akong mataranta ng biglang manakit ang puson ko. "SEAN! SEAN TULUNGAN MO KO!" Walang bumalik na Sean. Nanlalabo ang aking paningin hanggang sa lamunin ako ng dilim. SOMEONE POV. Pumasok ako sa loob ng kuwarto ng aking ina. Nakita kong nakatingin lang ito sa malayo habang ang nurse niya ay inaayos ang mga gamot na bagong bili. Pinalabas ko muna ang nurse. Tumabi ako ng upo kay mama sa gilid ng bed. Nanatili itong nakatingin sa malayo habang walang imik. "Ma, wag kang mag-alala malapit na nating makita ang kapatid ko." Mahinag saad ko. "Mama, sana bumalik ka na sa dati. Kapag nalaman ng kapatid ko na nagkakaganito ka magagalit 'yun sayo." Nawala ang kapatid ko nang tumuntong siya ng limang taon. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mawala ang kapatid ko. Kakambal ko siya pero nang mawala siya sa pamilya namin ay nawalan ng sigla ang buhay ko. Siya lang ang tanging nagpapasaya sa akin. Mahal na mahal siya ng pamilya namin pero sa kasamaang palad. Kinuha siya ng yaya namin at ibinenta. katulad ng sabi nito sa amin ng mahuli siya ng pulis. Until now wala pa ring lead kung nasaan na ang kapatid ko. Sobra kaming nag-aalala sa kanya. Namimiss ko na ang kakambal ko. Pumasok sa loob ang nurse at sinabing kailangan niya ng patulugin si mommy. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago hinugot ang phone sa bulsa na suot ko. "Sir, good news nahanap na namin ang kapatid mo." Bungad ng private investigator ni dad. Nabuhayan ang loob ko ng dahil sa sinabi niya. "Where is she?" Lakad-takbo ang ginawa ko. Nakalabas na ako ng bahay at nagpunta sa garahe kung saan ang kotse ko. Sinabi niya sa akin ang nalaman niya. Hindi na ako makapaghinaty na makasama ang kakambal ko. Ang matagal na naming hinahanap na kapatid ko. Malapit na namin makasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD