PROLOGUE

859 Words
"Saan ang lakad mo sean?" Napahinto si Sean sa paglalakad malapit sa pinto ng tanongin ko siya. Kanina lang habang inaayos ko ang agahan namin ay nakarinig ako ng tunog ng sapatos na pababa ng hagdan. Hindi niya ako nilingon at muli ay pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang makarating siya sa harap ng pinto. Bago niya pihitin pabukas ang pinto ng magsalita ako. "Pupuntahan mo na naman ba siya?" Nag-simula ng manubig ang gilid ng mata ko. I know that my husband have a mistress ang pinakamasakit doon ay ang kaibigan pa ng Ate ko. Matagal ko ng alam ang tungkol sa relasyon nila. Nagbulag-bulagan ako dahil mahal ko ang asawa ko pero sobra na. Pagod na ako. "I think tigilan na natin to." Humarap siya agad sa akin at walang ni isang salita ang namutawi mula sa kanya. "Matagal ko ng alam sean na may relasyon kayo ni ella monteverde. Ma-mahal kasi kita at ayokong mawala ka sa akin kahit na maraming nagsasabi sakin itigil na. Na tama na kasi tao ako na dapat minamahal at hindi sinasaktan. Sean hindi ako nakinig sa kanila kaya pinaabot ko hanggang isang taon at isang buwan pero walang nagbago. Siya pa rin at ako? Hindi na ako ang mahal mo." "Asawa mo na lang ako sa papel pero sa puso mo hi- hindi na ako." Nagsimula ng maglandas ang luha sa mga mata ko. Hindi maiwasang hindi pumiyok sa mga salitang binitawan ko sa kanya. Umalis ako sa kinatatayuan ko at pumunta sa living room kung saan ang envelope na kahapon ko lang nakuha mula sa attorney ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa envelop. Ayoko na, tama na ang isang taon na nagpaloko at nagpakatanga ako sa kanya. Binalikan ko nga siya pero wala pa ring nagbago sa isang buwan na nakasama ko siya. Mahirap pero kailangan kong kayanin siguro panahon na para hanapin ko ang sarili ko. Hindi ako ito, ayoko ng maging asawa niya na laging umuunawa sa kaniya sa kabila ng lahat ng pasakit na binigay niya sa akin. Umalis na ako sa living room at naglakad papunta sa kanya na nanatiling nakatayo malapit sa pinto. Ngumiti ako sa kanya ng pilit at hindi na nag-abala pang punasan ang luha sa mga mata ko. "Here, take this alam kong matutuwa ka sa makikita mo." Nag-alangan pa s'yang abutin ang hawak kong envelope pero sa huli ay kinuha niya rin iyon sa akin. "Nagpatulong ako sa attorney ko na ihanda ang mga kakailanganin para sa annulment papers para sa paghihiwalay natin." Wala s'yang kibo at nanatiling nakatitig sa hawak n'yang annulment papers. "Napapagod na ako sean pwede bang pagpahingahin mo na ako? Dapat nga matagal ko ng ginawa to pero naniwala kasi ako na may chance pa ang marriage na to pero wala. Pinaniwalaan ko ang sarili ko na sa huli ay ako pa rin. Hindi ko lubos maisip na kung bakit umabot tayo sa ganito. Dahil ba kay Ella na s'yang sumalo sayo ng iwan kita? dahil ba sa isang pagkakamali na hindi mo makalimutan? Naging biktima din ako Sean pero bakit hindi mo iyon maintindihan.. Naging bulag-bulagan ka. Wala kang tiwala sa akin at Naiintindihan ko iyon." Pilit kong pinapasigla ang boses ko para itago na rin ang sakit na nararamdaman ko. Magkakaanak na siya... Pero hindi sa akin kundi sa kabit niya. "Always remember that I love you at sana maging mabuti kang ama sa magiging anak niyo" Tanggap ko na ang lahat. Ang hinihintay ko na lang ay tyempo para makausap siya para tuluyan nang makaalis sa lugar na ito. "Sarah..." Napatingala ako para pigilan ang luhang gustong kumawala. "Sige na Sean. Umalis ka na baka hinihintay ka na niya." Tumalikod na ako sa kanya at hindi na nag-abalang lingunin siya. Nakarinig naman ako ng pagsara ng pinto hudyat para tuluyan ng kumawala ang luha na gusto ko ng pakawalan. Umakyat ako sa hagdan para puntahan ang kwarto naming mag-asawa. Napaupo ako sa kama at napahagulgol ng iyak. Itinapat ko sa dibdib ang kaliwang kamay kung saan ang puso ko. Sa pamamagitan man lang nito ay maibsan ng kaonti ang sakit na nararamdaman ko. Napahawak ako sa impit kong tyan at mahinang natawa. Nakakatawang isipin na kung kailan hiwalay na kami tyaka pa dumating ang matagal na naming gusto ni Sean. I'm really sorry anak dahil naging duwag ang mommy. Hindi ko naisalba ang pamilyang ito pero don't worry nandito ako hinding-hindi kita pababayaan. Di ako makakapayag na may mawala muli sa akin. Sana sa disisyon kong ito ay maganda ang kalalabasan ng lahat. Pipilitin kong maging masaya sa bago kong buhay. At siguro sa tamang panahon mahahanap ko din ang kapatawaran para sa kanila. Sa ngayun tayo lang ang magkasama. Pipilitin kong maging masaya para sayo anak. Lalayo tayo kung kinakailangan. Sobra na kasi ang sakit. Nagpakatanga ako sa ama mo pero hindi na ulit bumalik ang pagmamahal niya sa akin. Umaasa pa naman ako na maibabalik pa namin ang dating kami. Yung relasyong masaya at may tiwala sa isa't-isa. Nagbago na lang bigla ang lahat sa amin. Kahit ganun, pipilitin kong maging masaya para sa atin. Palalakihin kita kahit ako lang mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD