SAVANNA’S POV WALANG araw na hindi ko nakikita si Aldrich dito sa Bristo de Manila. Lagi niya akong binabantayan at binibilang ang mga nalalabing araw ko. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang cellphone ko at tanaw ko ang mensahe ni Aldrich. From: Aldrich Five days left and you’re dead. Napalunok ako ng laway matapos kong mabasa ang text niya. Sabihin ko na ba sa kaniya na nahanap ko na si Savanna? Umiling ako dahil mukhang labag sa loob kong magpanggap si Ricca bilang ako, but I have no choice. “Miss? ‘Yung sukli ko?" tanong ng babaeng customer. Nabaling ang tingin ko sa kaniya at agad kong binigay ang sukli niya. “S-Sorry po. Ito po sukli niyo. Pakihintay na lang po sa order niyo, tawagan ko na lang po kayo,” aniko sa kaniya saka siya tumango at umupo sa bakanteng upuan. Bumunt

