SAVANNA’S POV NATIGILAN ako nang bigla niyang binigkas ang pangalang ‘yon. Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa kaba na ngayon alam na niya kung saan ako nagtatrabaho. “Ikaw nga si Anna. Are you working here?” pang-aasar na ngiting tanong niya sa akin kaya nawala ang kaba ko sa puso at napalitan ng galit pagkuwan ay napataas ako ng kilay. “Ano naman problema kung dito ako nagtatrabaho?” sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Nothing. Hindi ko lang naman inaakalang malapit lang trabaho mo sa kompanya ko. By the way, I kept calling you kanina pero di ka sumasagot, akala ko tatakasan mo na ako after you gave me a wrong number. I mean sobra ng isang digit ang binigay mong number sa akin.” Kumunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang ay binigay ni Ricca ang numero na ‘yon, kung

