SAVANNA’S POV TULALA ako habang naghuhugas ako ng mga mugs at iba pang gamit para sa pangtimpla ng kape. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Aldrich sa akin kagabi. Paano ko nga ba haharapin ang pagsubok na ito? Hindi niya puwedeng malaman na ako si Savanna. “Ayos ka lang ba, Savanna?" tanong ni Lyla kaya tiningnan ko siya ng masama saka agad na sumagot. “Syempre hindi! Alangan naman hahatiin ko sa dalawa ang sarili ko. ‘Yong isa si Anna tapos yung isa si Savanna. Kung mero’n lang sana akong kambal... baka nagawan ko na ng paraan,” naiiyak kong tugon sa kaniya saka biglang pumasok sa isip ko ang isang ideya na puwede kong hilingin kay Lyla. “What if ikaw na lang magpanggap na ako? Uh, mag-disguise ka. Sigurado akong hindi ka mahahalata ni Aldrich. Di ba? Hmm?” enganyo kong wika sa k

