SAVANNA’S POV THIS IS IT! Wala nang atrasan 'to dahil ito na ang araw kong saan puputulin ko na ang ugnayan ko kay Aldrich bilang Savanna. Kailangan magtagumpay ako ngayon para matapos ko na ang problema ko sa lalaking ito. Humarap ako sa salamin saka nilakasan ko ang loob kong itaas ang dalawa kong kamao. “Fighting!" bigkas ko sa sarili Huminga ako nang malalim saka ako lumabas ng boarding house. Pagkababa ko ay agad akong sumakay ng taxi papunta sa tinitirahan ni Ricca. Habang nasa byahe ako ay walang tigil ko siyang tinatawagan upang alamin ang lagay niya ngayon. Nakapaghanda na kaya siya? Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko at medyo kinabahan kong matantuang may limang oras na lang natitira bago ang tagpuan. Muli kong dinial ang numero ni Ricca pero out of coverage. This is no

