3RD PERSON POV
PAUWI na siya nang bigla niyang nakita ang isang importanteng bagay na regalo ng namayapa niyang kuya na si Keanu Benitz. Lumapit siya sa aquarium at ngiting tinitigan niya ang tatlong gold fish.
“Hello, Kendi, Milo and Nemo. Kamusta kayo? I am sorry if I was not around for the past weeks because of my business trip. Pero alam ko namang inalagaan kayo ni Elijah for me,” wika niya dito saka kumuha siya ng fish flake pagkatapos ay binudburan niya ito sa aquarium.
Nakangiting pinagmamasdan niyang lumangoy pataas ang tatlong gold fish saka kinain ang fish flakes. Ilang sandali pa ay biglang bumigat ang damdamin niya nang maalala niya ang karaan ni Keanu.
Matapos ang graduation college ceremony ng kuya niyang si Keanu ay bigla na lamang humagulgol sa pag-iyak ito nang pumasok ito sa kuwarto niya. Matagal nang tiniis ni Keanu ang pag-control ni Chairman Marcellus sa buhay nito dahil hindi ito sang-ayon sa kagustuhan ng anak na maging doktor. Natapos ni Keanu ang kursong Bachelor of Science in Business Administrator, Major in Financial Management sa University of Santo Tomas. Naging Summa Cumlaude pa ito ng unibersidad at nakapaghakot ng maraming medals. Sa kabila ng lahat, hindi naging masaya si Keanu dahil kontrolado siya ng kaniyang ama.
“Hindi ko na kaya, Aldrich. Gusto kong tumakas pero wala akong pera para magsimula ulit ako. Anong gagawin ko?” naiiyak na nababahalang tanong ni Keanu dito sa nakababatang kapatid.
Umuwi si Aldrich ng pinas galing US para umattend ng graduation ceremony ng kuya niya. Niyakap niya na lang ito dahil maski siya ay hindi niya alam ang gagawin niyang maitakas ang kuya niya sa mga kamay ng ama niya.
“We can find ways, Kuya pero h’wag muna ngayon dahil kailangan na nating lumabas ng kuwarto para sa graduation party mo. Dad invited all of his investors and some VIPs para ipagdiwang ang tagumpay mo as Summa Cumlaude. You know how proud we are for you. Sobrang dami mo nang achievements sa buhay and dad is preparing everything for you to take over the Benitz company.”
Humiwalay ng yakap si Keanu matapos niyang marinig ang sinabi ni Aldrich.
“Alam mong hindi ko ginusto na manahin ang kompanya ni dad ‘coz my dream is to become a doctor at magtayo ng sariling hospital. Bakit hindi niya na lang ibigay ito sa akin? This is my life, Aldrich and he has no right to control it, even if he is my father!”
Ilang sandali pa ay biglang may kumatok sa pinto namin.
“Anak? Keanu? Are you there? Lumabas na kayo ni Aldrich dahil hinihintay na kayo ng dad niyo for the party,” wika ng mommy nilang si Gretchen Benitz.
Nang walang sumagot sa tawag niya ay binuksan niya ito at naagaw ang atensyon niyang makita ang mugtong mga mata ni Keanu.
“Anong nangyari? Why are you crying? Tears of joy?” ngiting tanong ni Gretchen dito sa panganay niya.
Tumindig si Keanu saka umiling ito.
“No, Mom. I never felt joy for the past five years of my life,” naiiyak na tugon dito sa ina.
Napalunok ng laway si Gretchen dahil ramdam niya ang bigat na nararamdaman ng anak niya. Wala siyang nagawa upang piligan ang asawa niya dahil wala siyang karapatan na pakialaman ang buhay ng kontrolado ni Chairman Marcellus. Agad na niyakap ni Gretchen si Keanu saka siya huminga nang malalim.
“Alam ko ang pinagdadaan mo anak.”
Humiwalay si Gretchen dito at hinawakan ang dalawang kamay ni Keanu.
“Pero h’wag mong pahiyain ang dad mo sa mga bisita niya ngayon. He is looking for you para ipakilala ka niya sa mga investors ng kompanya. Can you do that?”
Umiling na lamang si Keanu dito saka pinahid ang mga luha niya sa mata na gusto muling pumatak.
“No. Better na mawala na ako sa magulong mundo bago pa mangyari ‘yon!” pagtutol na sigaw ni Keanu saka mabilis na lumabas ng kuwarto at nagtungo sa garahe ng sasakayan.
Nanlaki ang mata ni Aldrich sa sinabi ng kuya niya kaya kagyat na sinundan niya ito.
“Kuya! Anong gagawin mo?!” hingal na sigaw niya dito habang tumatakbo.
Pagdating nilang dalawa sa garahe ay agad na binuksan ni Keanu ang gate saka pumasok ng kotse. Ilang beses na pinukpok ni Aldrich ang bintana ng sasakyan habang nakikiusap na pagbuksan siya nito.
“Kuya, please stop this! H’wag mo namang sirain ang buhay mo nang dahil lang sa hindi nasunod ang pangarap mo. Like I said, magagawa natin ng paraan ‘to. I-I can talk with dad and ask for his consideration.”
Umiling na lamang si Keanu saka patuloy na pinaandar ang sasakyan pagdaka ay mabilis na umalis ng mansyon.
“Jusko! Saan naman pupunta ang kuya mo, Aldrich?” nababahalang tanong ni Gretchen pagkadating niya ng garahe.
“I don’t know, Mom. Sinubukan kong pigilan siya pero umalis pa rin siya,” malungkot na bigkas ni Aldrich dito.
Dumating ang oras na nalaman ni Chairman Marcellus ang ginawang pagtakas ni Keanu. Sa sobrang galit niya ay nasigawan niya si Gretchen na wala namang ginawang masama.
“Bakit mo naman hinayaang umalis ang anak mo?! Alam mo namang nandito ang mga VIPs sa party at wala siya?!” inis na wika ni Chairman Marcellus hanggang sa sumagot si Gretchen.
“At talagang mga bisita pa rin ang inaalala mo kaysa ang sarili mong pamilya? Kailan mo pa ba kami pakikinggan, Hon? Your son doesn’t like to take over our company. Pinilit mo siya sa bagay na hindi niya gusto as if you’re controlling his life. Hindi maganda ang pagpapalaki mo sa kaniya,” protesta ni Gretchen dito kaya tiningnan ni Chairman Marcellus nang masama ang asawa.
“Alam kong anak mo siya sa labas, Gretchen at tinanggap ko ‘yon dahil mahal kita! Ang lakas naman ng loob mong pagsabihan mo ako ng ganiyan. Ginagawa ko ang lahat para mapabuti ang anak mo. Kinupkop at tinuring ko siyang anak and now wala siyang utang na loob dahil sa ginawa niya ngayon. All my life, Gretchen. All my life, iniisip ko kung paano ko kayo bibigyan ng magandang kinabukasan. Tapos ngayon ako pa ang masama?”
Biglang bumuhos ang luha ni Gretchen dahil sa maling paratang ng asawa sa kaniya. Naiiyak na umiling siya dahil totoong anak ni Marcellus si Keanu.
“No. Nagkakamali ka, Marc. Keanu is your real son! How could you think of that?! Dahil sa sinamahan lang ako ng kapatid mong si Hugo sa hotel no’ng i-me-meet ko ang isang potential investor para sa kompany ay binigyan mo na ako ng malisya? Ni halik o holding hands, hindi namin ginawa—”
Agad na sumabat si Marcellus dito.
“But my brother fvcking loves you!” galit tonong tugon niya dito na diniin pa ang katagang loves you.
“Oo, alam kong mahal niya ako pero ikaw ang pinili ko, Marc dahil mahal kita! Keanu is your son kahit magpa-DNA test ka pa!”
Nasaksihan ni Aldrich ang pag-aaway ng mga magulang niya. Hindi siya naniniwalang anak sa labas ang kuya niya dahil alam ng puso niyang tunay niyang kapatid si Keanu. May kung anong luhang lumabas sa mga mata ni Aldrich matapos marinig ang usapan ng dalawa.
“Can you please stop fighting?! Nawawala si kuya at kailangan natin siyang hanapin ngayon!”
Ilang sandali pa ay biglang lumapit ang isang yaya na may hawak na cellphone na halatang natataranta na ito.
“Uh, Ma’am, Sir? K-Kailangan po kayo sa ospital,” wika ng yaya kaya nanlaki ang mga mata nila nang marinig ‘yon.
“Bakit? S-Sino ang na-hospital?” naguguluhang tanong ni Gretchen sa katulong na kahit ayaw bigkasin ng yaya ang pangalan ng anak nila dahil alam niyang masasaktan ito ay wala siyang nagawa kundi sabihin ang totoo.
“Nasa ospital po si Sir Keanu dahil sa car accident at kailangan niya ng dugo ngayon para sa operasyon,” tugon na wika ng yaya sa nagsalita si Aldrich.
“Bakit? Wala na bang stock ng dugo sa ospital?” tanong ni Aldrich dito.
“Wala po silang fresh blood na AB negative.”
Napalingon sina Aldrich at Gretchen kay Marcellus dahil ito lang ang may blood type na AB negative sa kanilang tatlo.
“Dad is AB negative,” bigkas ni Aldrich dito saka muling pumatak ang luha niya habang nakatitig sa tulala niyang ama. Ngayon lang din nila nalaman ang blood type ni Keanu.
Biglang nanghina ang mga tuhod ni Marcellus, hindi lang dahil sa balita kundi napatunayan niyang totoong anak niya pala si Keanu at hindi siya pinagkanulo ni Gretchen. Ang laki ng kasalanang nagawa niya sa anak niya. Kung nalaman niya lang nang mas maaga ang totoo, di niya sana pinilit pa si Keanu na maging tagapagmana ng kompanya. Hinayaan niya sanang maging masaya ito kaysa magdusa dahil sa kagustuhan niya. He made a huge mistake by believing that Keanu is not his biological son. And because of that, he is being punished now.
Agad na nagpunta ang pamilya sa hospital at kagayat na nag-donate ng dugo si Marcellus.
“Doc, kamusta ang lagay ng anak ko? How’s the operation going?” tanong ni Gretchen dito sa lumabas na doktor mula sa operation room.
“We are doing our best, Mrs. Benitz na maka-survive ang anak niyo sa car accident. Malaki ang naging problema niya sa ulo dahil sa malakas na pagtama niya. Nagkaro’n siya ng internal bleeding at posible ang brain damage.”
“What are the possibilities or repercussions if the operation is successful?” tanong ni Aldrich dito.
“If the operation is successful, it may result into coma.”
“And if it’s not?”
“I am afraid to tell you this, Sir Aldrich but the result will be death kung hindi maging successful ang operation. The successful operation is 50%. So, please pagdasal niyo kami na maging successful ito,” malungkot na bigkas ng surgeon.
“Please excuse me,” dagdag pa nito kaya natungo ito sa laboratory para kunin ang iba pang mga kakailanganin sa operasyon.
“Jusko! Hindi ko kayang mawala si Keanu! Hindi ko matatanggap ito!” pagtangis na wika ni Gretchen saka ito umupo sa may bench malapit sa operating room.
Agad na niyakap ni Aldrich ang mommy niya upang pagaanin ang loob.
“Kuya will fight. Okay? Please don’t lose hope, Mom. Everything will be okay. Let’s just trust kuya for not giving up,” wika ni Aldrich saka mahigpit siyang niyakap ng kaniyang ina at kapuwa silang humagulgol.
Matapos na hilain ng nurse ang karayom at lagyan ng bulak at medical tape sa braso ni Chairman Marcellus ay agad na tumindig ito.
“Thank you, Nurse. Please. I’m begging you to save my son,” malungkot na pakiusap niya dito.
“Yes po, Chairman Marcellus. Our surgeon is doing his best para maging successful ang operation. Please excuse me po, ihahatid ko lang ‘to sa operating room,” wika ng babaeng nurse saka ito lumabas sa extraction room.
Sumunod na lumabas si Chairman Marcellus at nang matantuan niyang magkayakap ang mag-ina niya dahil sa nangyari ay naisipan niyang umuwi na lang. Tinawagan niya ang kaniyang personal assistant na pauwiin na lang ang mga bisita at i-cancel ang party dahil sa nangyari ngayon. Matapos niyang gawin ‘yon ay muli niyang binaling ang tingin niya sa dalawa at malungkot na pinagmasdan niya ito hanggang sa tumulo ang luha niya. He felt so sorry for what is happening now. Kasalanan niya ito kung bakit naaksidente ang anak niyang si Keanu at parang wala siyang karapatan na lapitan ang mag-ina at damay sila.
Keanu is fighting habang tumitibok pa ang puso niya sa pulse monitoring machine. Dahil sa donasyong bigay ng kaniyang ama sa operasyon ay tumaas nang bahagya ang chance of survival rate. Sa hindi niya malaman na dahilan ay may malay siya habang ginagawa ang operasyon. But because of his dark past, he wanted to give up sa kaisipang kontrolado pa rin siya ng kaniyang ama kahit na masurvive siya dito. Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa hindi payapa ang buhay niyang kasama ang ama.
Di kalaunan ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya kaya malakas na tunog ang narinig ng mga doctor at nurses mula sa pulse monitoring machine. Nagkaro’n ulit ng internal bleeding at halos maubusan na sila ng stock ng dugo. Maya’t maya pa ay nawalan na ng malay si Keanu hanggang sa matantuan nila ang straight line sa machine.
The operation did not succeed. So, Keanu died at the age of twenty-five, seven years ago.
Huminga nang malalim si Aldrich matapos niyang maalala ang nakaraan. Tinakpan niya ang can ng fish flake at tahimik na umalis ng opisina.
Simula no’n ay hindi na niya kinausap ang daddy niya dahil isinisi niya dito ang pagkamatay ng kuya niya. Pinangako niya sa sarili niyang hindi niya tatanggapin ang kayamanan ng Benitz Corp. kahit anong mangyari. Lumayas na rin siya sa mansyon at sa mamahaling condo na siya nakatira ngayon.Ongoing na rin ang pinapagawa niyang sariling bahay sa Makati area at ilang buwan na lang ay lilipat na siya do'n.
Tumayo siya sa sarili niyang mga paa, pinag-aralan niya nang mabuti kung paano patakbuhin nang maayos ang negosyo hanggang sa magawa niyang itayo ang NorthE Technology. He is now a multi-billionaire at tinitingalaan ng lahat. Masaya siya ngayon dahil kahit papaano ay nakabawi siya sa ginawa ng ama niya kay Keanu.
Nang makauwi siya ng condo ay agad na nilabas niya ang kaniyang cellphone para tawagan ang sinaulo niyang numero ng babaeng nagbigay perwisyo sa kaniya no'ng isang gabi. Tinipa niya ang 094572100692 sa phone at kaagad na nilagay niya ito sa tenga. Sa di niya inaasahan ay narinig niya ang Interactive Voice Response sa phone.
“The number you have dialed is incorrect. Please check the number and dial again.”
Napakunot-noo si Aldrich dahil alam niyang ito ang numero na binigkas ng babae no’ng nakaraang araw. Dinouble check niya ang numero na ito at laking gulat na sobra pala ito ng isang digit. Napahigpit siya ng paghawak sa cellphone niya dahil paano niya makokontact ang babaeng ‘yon kung hindi tama ang numero?
“She tricked me again," usal niya sa sarili habang iniisip niya ang magandang paraan para mahanap niya muli si Anna.