SAVANNA’S POV
“GOOD MORNING po, Manong Guard,” ngiting pagbati ko sa kaniya ngunit di siya sumagot at hindi man lang ako nginitian katulad nang dati.
Hindi ko na lang din siya pinansin at patuloy lang akong naglakad papasok ng grocery store. Isa akong cashier dito at almost six years na akong nagtatrabaho. Tiniis ko lang ang maliit na sahod na thirteen thousand hanggang sa naabot ko ang fifteen thousand pesos kasi wala naman akong ibang mapapasukan dahil hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral, at sa tingin ko ito lang ang nararapat sa akin. Minsan nag-ra-raket din ako katulad ng paggawa ng mga kakanin na binebenta ko naman sa mga katrabaho ko para may pandagdag ako kapag magpapadala ng pera sa probinsya.
Mahirap lang kami kaya no’ng nakatanggap ako ng scholarship sa isang college school dito sa Manila ay di na ako nagdalawang isip na pumunta dito at mag-aral. Pero wala rin naman nangyari dahil bumagsak ako sa isa kong subject kasi pinasabay ko ang pag-aaral ko at ang pagtatrabaho. Saan naman ako kukuha ng pambayad ng boarding house at iba pang mga expenses kung hindi ako magtatrabaho? Nanghihinayang nga ako do’n pero wala akong choice kundi tanggapin ang kapalaran ko. Nasa Manila na lang din naman ako kaya dito na lang ako magtrabho kaysa sa amin na provincial rate lang ang sahod at mahirap din makapasok do’n dahil kakaunti lang ang hiring.
Nasa puwesto na ako ng counter ten nang bigla kong nakita si Miss Gomez na manager namin na papunta sa direksyon ko.
“Nandito ka na pala, Miss Gomez,” aniya habang may hawak siyang isang pirasong papel at ballpen.
Ngumiti ako sa kaniya saka ko siya binati.
“Good morning po, Ma’am Althea. Nagpapasalamat po ako dahil sa pag-approved mo sa emergency leave ko kahapon. Babawi po ako, pangako po ‘yan,” magalang kong wika sa kaniya saka siya biglang nagsalita.
“Hindi mo na kailangan gawin ‘yon ‘coz your contract is already terminated effective today, Miss Gomez,” seryosog wika niya sa akin kaya nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahang mangyayari ang bagay na ito sa akin.
“Po? What do you mean? Anong nagawa kong kasalanan dito at bakit kailangan i-terminate ang contract ko nang ganitong kaaga?” naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Pasensya ka na, Miss Gomez dahil pinaguutos ng head office na tanggalin kita dito after the trending bad review sa PerfectSwipe. You putted bad image to yourself pagkatapos mong gawin ‘yon.”
Nagulat ako kasabay ng pagbuga ko ng hangin dahil sa sinabi niya.
“Po?” tanong ko dito.
“But, Ma’am Althea, hindi naman po makatarungan na basta-basta mo na lang ako tatanggalin dito sa trabaho nang dahil lang nag-post ako ng bad review sa Dating App na ‘yon. Saka tama naman ang sinabi ko tungkol do’n!” dagdag ko pang sabi sa kaniya.
“Pasensya ka na, Miss Gomez pero galing na sa head office na i-terminate contract mo. Alam mo, minsan, hindi sa lahat ng pagkakataon ay ilalabas mo sa social media ang mga personal na bagay na nangyayari sa buhay mo, dahil hindi mo alam na sarili mo na pala ang tinatamaan mo. Katulad ng ginawa mo ngayon, sana sinarili mo na lang ang problema mo at hindi ka na nandamay ng iba. Apektado ang business ng NorthE Technology. Kung magsasara ang kompanyang ‘yon, mawawalan ng trabaho ang mga empleyado at kawawa ang ibang mga users na nagbabayad monthly. Pati kami ay nadamay din sa ginawa mo. Nasira ang image mo dahil sa bad review na ginawa mo,” pangaral niya sa akin saka inabot niya sa akin ang ang termination of contract upang pirmahan ko.
Napangiwi ako dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi niya. Pananagutan ng kompanyang ‘yon ang paghihiwalay namin ni Gerald.
Marahas kong kinuha ang papel at ballpen sa kamay niya at agad kong pinirmahan ang kontrata. Nang mangyari ‘yon ay binigay ko sa kaniya at saka ako nagsalita.
“Palibhasa, hindi mo naman napagdaanan ang dinaanan ko kaya mo nasasabi bagay na ‘yon,” wika ko sa kaniya saka ako tumalikod at naglakad palayo.
Dinig ko ang pagsinghap niya dahil natamaan siya sa sinabi ko. Eh, totoo naman at tama naman ang ginawa ko dahil perwisyo ang Dating App na ‘yan sa buhay ng mga tao ngayon. Bakit hindi na lang sila tumulong sa mga taong naghihirap? O gamitin ang talento para sa ikakaunlad ng bansa?
Huminga ako nang malalim nang maupo ako sa shuttle bus pauwi ng boarding house. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa upang i-check ang status ng post ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang halos umabot ng 1.5 Million reacts at 1 Million shares ang content na ‘yon. Napatakip ako ng baba nang makita ko ‘yon. Mabuti na lang talaga ay wala akong picture sa f*******:, kung hindi ay baka pinagpyestahan na ako ng mga tao at kalat na ang mukha ko sa buong mundo.
Ilang sandali pa ay may natanggap akong email message na galing sa isang sikat na morning show ang ‘Good Morning Sunshine’. Inaanyayahan niya akong maging guest para sa next episode nila.
“Hindi ako puwede. Malalagot ako dito,” aniko sa sarili kaya agad kong sinara ang message at binalik ang cellphone ko sa bag.
Tumindig ako at pumara nang malapit na ako sa boarding house. Pagdating ko ay agad akong nagbihis at nagpasyang lumabas ng bahay para bumili ng pagkain. Habang naglalakad ako papuntang supermarket ay napabuntong hininga ako nang matantuang isang libo na lang ang hawak kong pera dahil naipadala ko na sa probinsya ang iba. May natira pa naman akong savings pero hindi sasapat sa isang buwan ‘yon. Kailangan ko nang maghanap ng mapapasukan kung hindi ay mamamatay ako sa gutom nito.
Bumili ako ng kalahating kilo ng manok at ginawa ko ‘yong adobo.
“Treat yourself, Savanna. You deserve this,” excited kong wika sa sarili habang binubuhos ko ang tidbits pineapple, pampadagdag ng lasa sa adobo ko.
Kumain na ako ng pananghalian at kahit papaano ay nakuntento ako sa niluto kong ulam. Nagligpit na rin ako ng pinagkainan ko at saka ako tumunganga sa upuan. Ilang sandali pa ay bigla akong nakaramdam ng bigat sa puso sa kaisipang wala na pala akong trabaho. Paano ako magpapadala ng pera sa mga magulang ko? May kung anong luhang pumatak mula sa mata ko dahil sa akin lang umaasa ang pamilya ko.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang tunog ng cellphone ko kaya agad kong kinuha ‘yon sa lamesa. Laking gulat kong makita sa screen si Nanay. Huminga ako nang malalim saka ko pinahid ang luha sa mata at pinakalma ko muna ang sarili upang di niya ako mahalata.
“Hello, Nay?” pakunwang ngiting wika ko sa kaniya.
“Savanna, anak? Kamusta ka? Narinig ko kasi ang balita tungkol sa hiwalayan niyo ni Gerald. Ano ba talaga ang nangyari? Maayos ka lang ba?”
Marahan akong tumawa kahit sobrang bigat sa dibdib ay pilit kong pinaparamdam sa kaniyang okay lang ako.
“A-Ayos lang po ako, Nay. Masaya na akong single ngayon,” pabiro kong wika sa kaniya.
“H’wag mo akong lolokohin, Savanna. Kilala kita. Anak kita.”
Matapos niyang sabihin ‘yon ay biglang bumuhos ang luha ko at napahagulgol ako ng pag-iyak.
“S-Sorry, Nay. H-Hindi naman talaga ako okay. Masakit po. Ang sakit sa dibdib,” pagtangis kong sambit sa kaniya.
“Walang hiya talaga ‘yang si Gerald! Alam mo, Anak, matagal ko na ‘yan napapansin kay Gerald na hindi siya gano’n kaseryoso sa’yo.”
“Nay, naman! Nadala nga lang siya sa Dating App na ‘yon, eh,” pagpupumilit ko sa kaniya.
“Alam mo, Savanna, kahit maraming babae pa ang umaligid sa kaniya at kahit ilang dating apps pa ang lumabas sa panahong ito, kung talagang mahal ka ni Gerald, hindi niya gagawin ‘yon. Maniwala ka sa akin, Anak. Nanay mo ako at alam ko ang makakabuti para sa’yo. Kalimutan mo na siya dahil hindi siya kawalan. Ano naman ngayon kung graduate siyang Civil Engineer kung hindi niya kayang maging tapat na tao? Saka okay lang ‘yan, marami pa namang—”
“—isda sa dagat?” dugtong kong wika sa kaniya saka siya marahang tumawa.
“Nay, alam ko namang maraming isda sa dagat pero hindi natin alam kung ano ang para sa akin? Baka mamaya niyang butete pala ang makuha ko, hindi masarap ‘yon at baka malason pa ako!” pabiro kong sabi sa kaniya saka kami nagtawanan.
“Ikaw talagang bata ka! Kung anong kalokohan talagang naiisip mo. Umuwi ka na lang kaya dito? At dito ka na magtrabaho. Nagbabayad ka pa ng upa d’yan at mga bilis mo. Eh, dito libre na lahat pati ulam dahil sagana tayo sa gulay.”
“Eh, kamusta ang pangingisda ni Tatay? Marami ba siyang nahuli? Kamusta benta niyo sa wet market?”
“Ayon na nga rin ang problema, Anak. Matumal ang bentahan ngayon at nagmahal na rin ng bilihin ngayon. Pero h’wag mo na kaming alalahanin dahil kaya na namin ng Tatay mo ‘yon.”
“Sigurado po ba kayo? Dahil may savings pa naman ako...”
Biglang humina ang boses ko nang maalala kong paubos na pala ang savings ko.
“...Uh, sigurado po ba kayong okay lang kayo?” dagdag ko dito.
“Oo, Anak! Okay lang kami dito... Unahin mo muna ang sarili mo ngayon at h’wag mo muna kaming alalahanin. Ha? Oh siya sige, ibaba ko na ‘tong tawag. Hindi pa kasi ako tapos magluto ng pananghalian. Mag-iingat ka dyan, ha? I love you, Anak. Bye.”
“I love you too, Nay,” malungkot kong sagot dito saka ko binaba ang tawag.
Huminga ako nang malalim dahil sa bigla kong naalala ang problema ko. Agad kong tinawagan si Lyla upang ibalita ko sa kaniya ang nangyari sa akin ngayon.
“Seryoso ka? Tinanggal ka sa trabaho?” gulat na tanong ni sa akin sa kabilang linya saka ako tumango.
“Oo, Lyla, nang dahil lang do’n sa pinost ko. Tinerminate na kaagad nila ang kontrata ko,” malungkot kong sagot dito.
“Oh, siya sige! Magkita tayo ulit sa KTV House. Ilabas muli natin ang mga problema natin sa mundo. Ano? Game ka?"
Bumuga ako ng hangin at bahagyang napangiti dito.
“Kapag inuman talaga, Kurdaypa. Naku! G na G ka talaga!” pang-aasar kong wika sa kaniya saka ako marahang tumawa.
“Tigilan mo nga ako, Savanna kung ayaw mong masapak kita mamaya. Ililibre pa naman sana kita! Hmp!” pagtampo niya sa akin.
“Sorry na, Lyla. Di na mauulit! Okay? Love you! Mwuah! Kita-kits mamayang gabi! Bye!” ngiting wika ko sa kaniya saka ko binaba ang tawag.
Bumuntong-hininga muli ako saka ko binagsak ang sarili ko sa higaan. Ilang sandali pa ay bigla akong nakatulog hanggang sa magising akong alas syete na pala ng gabi. Napatingin ako sa cellphone ko at laking gulat nang ma-received ko ang sampung missed calls ni Lyla. Tinawagan ko siya and as I expected na ay nagalit siya sa akin dahil ang tagal ko.
“Pasensya ka na, nakatulog ako. Papunta na ako d’yan!” wika ko kaya agad kong binaba ang tawag saka ako nag-ayos ng sarili.
Pagdating ko ng KTV House ay agad akong sinalubong ni Ricca.
“Ate Savanna!” sigaw niya habang may dala siyang tray pagkuwan ay napatingin ako sa mga tao dahil alam kong kilala nila ang pangalanga Savanna.
Hinawakan ko ang kamay ni Ricca at hinila ko siya sa gilid saka ko siya kinausap.
“Simula ngayon, h’wag mo na akong tatawagin sa pangalan ko. Dahil alam mo namang sikat ang pangalang Savanna ngayon,” pabulong kong wika sa kaniya.
“Eh, ano po itatawag ko sa’yo?"
Napataas ako ng dalawang kilay nang maalala ko ang binigkas kong pangalan kay Aldrich.
“Anna na lang! O di kaya... uh, Ate na lang? Basta h’wag mo nang bigkasin ang pangalan ko dahil wanted ako ng mga tao ngayon. Kailangan ko alagaan ang identity ko in public. Okay?"
Agad na tumango si Ricca saka ko siya pinakawalan.
Napabuga ako ng hangin dahil akala ko narinig ng mga tao ang pangalang sinabi ni Ricca. Mabuti na lang talaga ay maingay ang tugtog ng musika sa loob ng bar. Papunta na ako sa KTV room namin ni Lyla ay nanlaki ang mata ko nang maagaw ng isang lalaki ang atensyon ko sa pagbukas niya ng pinto ng bar.
“Si... Aldrich ba ‘to?" tanong ko sa sarili hanggang sa muntik nang magtama ang mata namin sa isa’t isa.
Agad kong nilayo ang tingin ko sa kaniya at payukong ginulo ko ang buhok ko para di niya ako mamukhaan. Bumilis ang t***k ng puso ko nang malagpasan niya ako.
Anong ginagawa niya dito sa KTV House?