3RD PERSON POV
NANG maalala ni Aldrich ang lugar kung saan una niyang nakilala si Savanna ay nagpasya siyang bisitahin ang KTV House.
“Sir? Are you sure about this place?” tanong ni Elmo dito sa boss niya.
“Yes. Dito ako pinara ng kaibigan niya na inakala niya akong isang driver no’ng gabing ‘yon. Wait for me here dahil kukunin ko lang ang number niya,” seryosong tugon na wika ni Aldrich saka siya bumaba ng sasakyan.
Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang hinanap ang mukha ni Savanna ngunit ang kaibigang si Ricca ang natagpuan niya. Kaagad na pinuntahan niya ‘yon at nang mamukhaan ni Ricca si Aldrich ay bigla niyang naalala ito. Napahigit siya ng paghinga kasabay ng paglaki ng kaniyang mata.
“Hi, good evening. Do you remember your friend no’ng pinilit mo akong isakay siya sa kotse ko?”
Marahang tumawa si Ricca saka siya nahihiyang sumagot.
“Ah! Oo! Naalala ko. Pasensya ka po kung napagkamalan kitang driver. Uh, ano pong kailangan niyo?” tanong niya dito.
“I just want to know her number. May utang siya sa akin,” seryosong pagsagot nito kay Ricca.
“Hindi ba siya nagbayad? Uh, a-ako na lang magbabayad!” presensta niya sa sarili niya.
“Are you sure na kaya mong bayaran ang nasira niyang branded na damit?” taas kilay na tanong ni Aldrich dito.
Napanganga na lamang si Ricca saka mabilis na ginala ng kaniyang mga mata ang paligid upang hanapin niya si Savanna dahil alam niyang hindi pa ‘yon nakakalayo. Nang mahagilap ng kaniyang paningin ang presensya ni Savanna malapit dito ay agad na sinenyasan ng mga mata niya kung ano ang dapat niyang gawin.
Napapikit na lamang ng mata si Savanna dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dito. Pero bakit nga ba hinahanap siya? Eh, tama naman ang pangalawang numerong binigay niya? Nilabas ni Savanna ang cellphone niya at pinakita niya ito kay Ricca pagkatapos ay sinensyahan niyang mag-text siya dito.
Napalunok ng laway si Ricca dahil sa kaba kaya agad niyang nilabas ang cellphone niya upang antayin ang message ni Savanna. Mabilis na nagtipa si Savanna ng mensahe sa cellphone niya.
To: Ricca
Please, Ricca, h’wag mong ibigay sa kaniya ang totoong number ko. Ito ang number na binigay ang ibigay mo 09457210692. Second number ko ‘to.
Kaagad na pinindot ni Savanna ang send button ngunit napagtantuan niyang wala na pala itong load. Napakagat ng ibabang labi si Savanna habang nanginginig na ang dalawa niyang kamay. Kailangan niyang gumawa ng paraan para ma-send niya kay Ricca ang mensahe. Naisip niyang pumunta ng KTV room upang hiramin ang cellphone ni Lyla. Pagdating niya dito ay agad niyang hinablot ang cellphone ng kaibigan habang nag-b-browse ito sa internet.
“I’m sorry, Lyla. Pahiram ako,” aniya matapos niyang gawin ‘yon.
Maarteng napabuga lang hangin si Lyla dahil sa ginawa nito.
“Seriously?” wika nito ngunit hindi sumagot si Savanna.
Matapos na ma-send ni Savanna ang mensahe niya ay napahinga nang maluwag si Ricca saka siya ngumiti kay Aldrich.
“Uh, opo! May number ako sa kaniya. Wait ito.” Binigkas ni Ricca ang cellphone number ng kaibigan niya saka muling sinaulo ni Aldrich ‘yon.
Natigilan si Ricca nang makita niyang hindi ito nag-take down notes matapos na binigkas niya ang numero.
“Okay. Sobra lang pala ng zero. Anyways, thank you for the effort,” anito saka agad na nilisan si Ricca.
Napataas ng kilay si Ricca dahil sa kaisipang baka sinaulo lang nito ang numero.
“Gano’n lang ‘yon?” tanong niya sa sarili saka siya umiling at binalik sa bulsa ang cellphone.
Nakahinga nang maluwag si Savanna nang matantuan niyang lumabas na si Aldrich ng KTV house. Habang nakatitig siya sa labas ay biglang may nagsalita sa tabi niya.
“Sino ba ‘yong tinitingnan mo?”
Napalingon si Savanna at nakita niya si Lyla saka siya umarteng umiyak dito.
“Lyla, mukhang malapit na akong mamatay,” naiiyak niyang sambit dito sa kaibigan niya kaya agad siyang pinalo nito sa braso.
“Anong bang pinagsasabi mo? May problema ka ba maliban do’n sa nawalan ka ng trabaho? Saka sino ba ‘yang sinisilip mo sa labas? H’wag mong sabihin may pinagtataguan kang utang?”
Nanlaki ang mata ni Savanna dahil naramdaman ng kaibigan niya ito.
“Ang galing mo naman manghula, Lyla,” ani Savanna saka siya naunang pumasok ng KTV room. Agad naman siyang sinundan ng kaniyang kaibigan.
Umupo siya sa sofa saka siya kinausap nito.
“Tell me, Savanna. Sino ‘yong sinisilip mo sa labas?”
Humarap si Savanna dito saka niya kinuwento lahat ng nangyari sa kaniya no’ng gabing ‘yon. Napatakip bibig si Lyla matapos na marinig ito saka ito nagsalita.
“You mean... siya ang CEO ng PerfectSwipe? ‘Yung Dating App na binigyan mo ng bad review? Oh my gosh! Seryoso?” gulat na tanong ni Lyla dito saka tumango si Savanna.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lyla. Wala na nga akong jowa, nawalan pa ng trabaho, may utang pa ako kay Aldrich dahil nasukahan ko ang damit niya at wanted pa ako sa kompanya niya. Paano ako mabubuhay nito?” balisang tanong ni Savanna dito kaya niyakap siya ni Lyla.
“Sa coffee shop ka na lang muna magtrabaho, pero maliit nga lang sahod mo kumpara sa dati mong kompanya,” wika ni Lyla dito kaya humiwalay ng yakap si Savanna saka siya ngumiti dito.
“Talaga ba, Lyla?” di makapaniwalang tanong niya dito sa best friend niya saka tumango ito pagkuwan ay niyakap niya muli ito.
Kahit papaano ay naibsan ang balisa ni Savanna dahil may nasasandalan siyang kaibigan kapag may problema siya. Ang swerte niya pa rin sa kabila ng pinagdadaanan niya ngayon.
“Kahit magkano pa ipasahod mo sa akin, okay lang. Ang importante ay may trabaho ako,” ngiting wika niya dito habang kayakap niya ito.
“Sigurado ka? Kahit ten thousand lang sahod mo kada buwan ay tatanggapin mo?” pang-aasar na boses ni Lyla dito kaya agad na humiwalay si Savanna at tiningan niya ng masama ito.
“Gawin mo na lang thirteen thousand, Lyla. Grabe ka naman tumawad!" reklamo ni Savanna dito.
Marahang tumawa si Lyla dito saka ito nagsalita.
“Ghurl, joke lang! Ito naman di mabiro. Syempre hindi ko naman minamaliit ang kakayanan mo dahil alam kong masipag ka. Sige pumapayag na ako sa gano’ng sahod."
Napawi ang lungkot ni Savanna matapos niyang marinig ito. May bago na siyang trabaho ngayon, problema niya na lang kung paano niya mababayaran si Aldrich at iwasan ito bago pa malaman ang totoo niyang pagkatao.