Chapter 15

1910 Words
SAVANNA’S POV MAAGA akong pumasok sa coffee shop ni Lyla dahil may ibibigay siya sa akin para sa uniform ko at iba pang mga bagay na pag-uusapan namin mamaya. “Ang aga mo naman,” aniya habang naghuhugas siya ng mga baso. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan ko siyang mag-arrange ng mga baso na hinugasan niya. Malapit na rin kasi magbukas ang coffee shop kaya gusto ko siyang tulungan para maayos na ang lahat bago magsimula ang operasyon. “Ako na d’yan, Lyla,” boluntaryong wika ko sa kaniya saka siya ngumiti. “Hindi mo naman kailangan gawin ‘to, Savanna. Naku! Mapapamahal ako ng sahod nito dahil sa kasipagaan mo,” pabirong wika niya sa akin. “Parang hindi mo naman ako kaibigan, ‘no? Syempre tutulungan kita, alangan naman panunuorin lang kita.” Ngumuso siya saka niya ako hinagkan nang mahigpit. “Ang swerte ko talaga sa best friend ko. Mabait na, maganda pa!” aniya saka siya humiwalay ng yakap. Best friend since college ko si Lyla noong nag-aaral pa ako. Pareho kaming scholar no’n at pareho din kami ng kursong Bachelor of Science in Accountancy. Dalawang taon lang natapos ko dahil nawalan ako ng scholarship no’ng sunod-sunod na ang problema ko sa buhay. Mayaman ang pamilya ni Lyla, ngunit dahil sa hindi nila pagkakaunwaan ng parents niya ay humiwalay siya dito matapos makuha ang lisensya. May naipon siyang pera simula no’ng nag-aaral pa siya ng high school. Iniipon niya ‘yon dahil pangarap niyang magtayo ng sariling business, hindi naman niya inaasahan na darating sa puntong bubukod siya sa mga magulang niya. Nagsariling sikap si Lyla na maitayo ang Bristo de Manila hanggang sa sumama na rin sa kaniya ang nakababatang kapatid niyang si Yazy. Dagdag sakit ng ulo ni Lyla si Yazy dahil sumunod ito sa kaniya na dapat sana ang mga magulang niya ang nagpapa-aral dito. Wala namang magawa si Lyla kundi kupkupin ang kapatid niya, kaya siya na rin ang nagbabayad ng matrikula dito. “Talagang ang hilig mong mambola, Lyla.” tugon ko dito pagkuwan ay kinuha ko ang nakaimbak na basura malapit sa lababo. “Tapon ko na ‘to sa labas,” dagdag kong wika saka siya ngiting tumango. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang tatlong truck na nakaparada malapit sa matangkad at sa tingin kong bagong tayong building. Tanaw ko mula rito na binababa nila ang mga gamit mula sa truck. Nakita ko ang malalaking sofa, computers, office chair, office table at kung ano-ano pa. Hindi ko na sila pinansin bagkus tinapon ko na lang ang basura sa likod ng shop. Bumalik ako sa loob at saka tinanong ko si Lyla. “Ba’t ang daming truck sa labas?” tanong ko dito. “Ah, naglilipat na sila ng gamit ngayon. Sa pagkakaalam ko ay malaking kompanya ang may-ari niyan, hindi ko lang alam kung anong klaseng kompanya,” tugon na wika niya dito saka lumapit siya sa akin na may dalang papel. Inabot niya sa akin ito kaya agad kong tinanggap. “Ano ‘to?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. “Basahin mo syempre!” ngiting bigkas niya dito kaya yumuko ako at binasa ko ang nakasulat dito. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang job offer na binigay niya sa akin. “A-Ano ‘to, Lyla? Bakit ang taas naman ng sahod ko?” gulat kong tanong dito nang mabasa ko ang job offer salary na sixteen thousand pesos at binigay niya sa akin ang managerial position. “Deserve mo ‘yan, Savanna. Alam ko naman kung gaano ka kasipag sa pagttrabaho kaya maaasahan kita. Medyo tumataas na rin ang benta ko dito dahil prinomote ko siya sa f*******: page. Nakilala na tayo ng mga tao tapos may bagong lipat pa na kompanya malapit sa atin na mga potential customers natin. So, mas lalong magiging busy tayo dito kaya kailangan ko rin ng makakatulong,” salaysay niyang wika kaya agad ko siyang niyakap. “Thank you, Lyla. I am so blessed to have you,” masayang wika ko sa kaniya saka ako humarap sa kaniya. “Nga pala, papunta dito si Ricca ‘coz I hired her as a part-timer. Tapos may dalawa pa akong kinuha pero bukas pa sila papasok... kaya hindi ka na masyadong mahihirapan i-manage ang Bristo de Manila,” aniya sa akin kaya ngiting tumango ako. Mabuti na lang ay kinuha niya si Ricca dahil masipag ‘yon kaya tama nga siya na hindi ako mahihirapan na i-manage ang coffee shop niya. Ilang sandali pa ay dumating na si Ricca saka niya kaming binati. “Good morning po mga ate,” masayang pagbati niya habang naglalakad siya papunta sa amin. Binigyan na rin kami ng uniform ni Lyla kaya agad na kaming nagbihis ni Ricca. Pinalitan na rin ni Lyla ang tag plate sa pinto at ginawa niyang We are open. Di kalaunan ay sunod-sunod na ang mga customers namin. Ako ang cashier samantalang sina Ricca at Lyla ang taga gawa ng kape. Hindi ko pa masyadong gamay ang pag-brew ng coffee o pagtimpla kaya kailangan ko pang mag-undergo training. But for now, ako na lang muna ang cashier dahil ito ang nakasanayan ko. Masaya at nag-enjoy akong pagsilbihan ang mga customers namin hanggang sa makita ko ang di ko inaasahang customer na papasok sa Bristo de Manila. May kasama siyang kasing tangkad niya, kasing kisig, kasing puti at guwapong nilalang. Lumapit ang tantya kong kaibigan niya sa cashier area at nag-order dito. “I’d like to order Espresso Shot Macchiato and Americano,” ngiting bigkas niya dito sa akin saka inabot niya ang limang daang piso. Tinanggap ko ‘to at agad ko siyang sinuklian. “T-Thank you," nauutal kong wika sa kaniya saka ko binigay kay Lyla ang order slip. Hindi ko kayang makita ko si Aldrich dito sa loob ng Bristo de Manila. Hindi ako makakilos nang maayos dahil naiisip ko pa rin ng nangyari sa akin at kung paano ko nagawa ang bagay na ‘yon. Paano kung malaman niyang ako pala si Savanna? Paano kung ipapakulong niya ako? No way! Hindi ako puwedeng makulong! Paano na pamilya ko sa probinsya? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko matapos kong maisip ang mga posibleng mangyari sa akin. “Ayos ka lang ba? Bakit parang ata pinagpapawisan ka na? Eh, wala pang isang oras mukhang laya ka na, Sav—” Agad kong tinakpan ang bibig ni Lyla saka ko siya hinila sa gilid na walang makakitang tao sa amin. “—tumigil ka muna, Lyla. Hindi mo puwedeng ibigkas ang pangalan ko dito." Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig niya saka siya nagtanong. “Bakit? Ano bang nangyari?” Huminga ako nang malalim pagkatapos ay sinagot ko siya. “Nandito si Aldrich, may kasama siyang kaibigan,” nababahalang tugon ko sa kaniya. “Ha? S-Seryoso ka?” gulat niyang tanong saka mabilis na sumilip siya sa labas pagkuwan ay napahigit siya ng paghinga dahil hindi rin siya makapaniwala sa nakita niya. “Sa lahat ng coffee shop dito sa Manila... bakit dito pa sa Bristo de Manila?” naguguluhang tanong niya. “Kaya nga ‘yan din ang tanong ko na bakit siya nandito? Eh, hindi pa naman gaano kasikat o kilalang coffee shop ang Bristo de Manila!” Ilang sandali pa ay biglang humigit ng paghinga si Lyla kasabay ng paglaki ng dalawa niyang mata nang may maisip siyang dahilan kung bakit. “Don’t tell me... ang bagong lipat na kompanya sa building na katabi natin ay ang NorthE Technology pala? Kompanya ni Aldrich?!" Nanlaki ang mata ko matapos niyang sabihin ‘yon. Possible nga bang sila ang bagong lipat sa building na ‘yon? Napapikit na lamang ako ng mata kaakibat ang pagkagat ko ng ibabang labi. Kung totoong ang kompanya ni Aldrich ang lumipat sa katabi naming building, mukhang magiging regular customer na namin siya dito. At kapag mangyari na malaman niyang dito ako nagtatrabaho ay baka mas lalo pa niya akong pahihirapan. Sa lahat ng lugar dito sa Manila, bakit sa tabi pa coffee shop namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD