3RD PERSON POV BUMABA ng building si Aldrich kasama si Ismael, ang matalik niyang kaibigan simula nang magkolehiyo siya sa Harvard University. Habang naglalakad sila ay nagsalita si Ismael tungkol sa isyung pinagdadaanan ng kompany ng kaibigan. “How’s your isyu with Savanna? Naayos mo na ba? If you need help, nandito lang ako,” presenta ni Isamael dito. “No. It’s okay. I can handle this. Mahahanap at mahahanap ko rin,” tugon na wika ni Aldrich dito. Pagkababa nila ng building ay nagtungo silang dalawa sa Bristo de Manila. Mabuti na lang ay may malapit na coffee shop dito sa bagong building na nilipatan nila. Kaagad na nagtungo si Ismael sa cashier at nag-order ng dalawang kape pagkatapos ay bumalik siya ng puwesto. “It’s a good thing na lumipat na kayo dito dahil mas malapit ka na sa

