Harry-5

1510 Words
"Yes po, Mr. Leonardo is expecting to see you, Ma’am," magiliw na sabi ng babae sa labas ng magarang opisina ni Harry. Marahil secretary nito. "Thank you," polite na pasalamat niya sa babae. Pinagbuksan pa siya nito ng pintuan ng opisina ni Harry. "Sir, Ms. De Guzman is here," anunsyon ng secretary nito. "Papasukin mo," sagot ng baritonong tinig mula sa loob. Kumabog agad ang dibdib niya nang marinig ang tinig ni Harry. Malakas na kabog sa dibdib at tila mga paro-paro sa tiyan ang nararamdaman niya. Bigla siyang nakaramdam ng tense at tila hindi komportable. Pinapasok na siya sa loob ng secretary. Bumungad sa kanya ang malawak, napakaganda, at modernong opisina. "Hi," bati ni Harry sa kanya na nakaupo sa ibabaw ng mesa at nakamata sa kanya. Pakiramdam niya lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Naging tila tambol na rin ang lakas ng kabog nito habang nakatingin kay Harry. Alam niyang gwapo si Harry Leonardo, pero hindi niya inaasahan ang ganitong reaksyon niya habang nakatingin sa gwapong mukha nito. Nakasuot ito ng dark blue business suit at black leather shoes. Typical businessman style. But he is different, dahil ang gwapo nito. Napakagwapong businessman. Hindi na siya magtataka kung nahulog agad ang loob ni Ashley kay Harry. "You came," sabi nito at sumeryoso ang mukha. Pinagkrus ang mga braso nito sa malapad nitong dibdib. Hindi nakaligtas sa kanya ang paglandas ng mga mata nito sa kabuuan niya. Buti na lang she wore her best. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagkibot ng labi nito matapos siyang suriin. Binalik muli sa mukha niya ang mga mata nito. Ganoon pa rin ang t***k ng puso niya. Abnormal sa bilis at kabog na hindi niya maintindihan. Takot ba siya kay Harry o ano? Humugot muna siya ng malalim na paghinga at saka humakbang palapit dito na nanatiling nakaupo sa ibabaw ng mesa. "I came para sabihin ko na aksidente ang nangyari. Wala akong kasalanan," sabi niya. Nakita niya ang pag-igting ng panga nito at pagbalasik ng mukha. Napahinto siya sa paglapit. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa mesa at humakbang palapit sa kinatatayuan niya. Ganoon pa rin ang mukha nito—mabalasik. Katulad ng makita niya ito sa ospital at sa sementeryo. Nakaramdam siya ng takot. Paano kung saktan siya nito? Napalunok siya habang nakamata pa rin dito. "Wala kang kasalanan?" tanong nito. "Iyan at iyan pa rin ang sasabihin mo sa akin," igting-panga na patuloy nito. Nagtuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya. Wala sa sarili siyang napaatras. Natatakot siya, pero hindi siya magpapahalata. Nanatiling nakataas ang mukha niya at nakatingin sa galit na galit na mga mata nito. "You are still sticking on that words na wala kang kasalanan!" mariing sabi nito habang patuloy pa rin sa paglapit sa kanya at pag-atras naman sa kanya. Napatili siya nang gamit ang isang kamay nito ay sakmalin nito ang leeg niya. Napahawak siya sa kamay nito para pigilan ito sa ginagawang pagsakal sa kanya, ngunit wala naman siyang lakas laban dito. Tinulak siya nito gamit ang kamay nitong nasa leeg pa rin niya. Napasandal siya sa likod ng pinto. Nakulong ang pagtili niya sa lalamunan nang masaktan ang likuran. "What—are—you—doing?" hiningang tanong niya rito habang pilit inaalis ang matigas na kamay nitong kinayang sakmalin ang leeg niya. Hindi naman nito gaanong dinidiinan ang pagsakal sa kanya. Marahil nais lang siyang takutin. "How can an angel face like you turn into a monster?" he said with gritted teeth, while his eyes locked on her. "Get off—" sabi niya at sinubukang pigilan ng dalawang kamay ang isang kamay nito sa leeg niya. Ngumisi ito sa kanya at sinuri ng magagandang mga mata nito ang mukha niya. Naramdaman niya ang pagdiin nito sa kamay nito sa leeg niya. Nanlaki ang mga mata niyang napatitig dito at sinubukang hampasin ito sa braso para bitawan na siya nito. Pakiramdam niya malalagutan na siya ng hininga. Tutuluyan na yata siya talaga nito. Napakapit ang isang kamay niya sa matigas nitong braso habang ang isang kamay naman niya ay pinipigilan ang kamay nitong nakasakal sa leeg niya. "At this moment, I want to kill you, Ysa De Guzman! You deserve to die!" nanlilisik ang mga matang sabi nito at lalo pang diniinan ang pagsakal sa leeg niya. She opened her mouth to catch some air. She needs to breathe. She needs to fight for her life at the hands of Harry Leonardo. Nang halos hindi na siya makahinga, binitiwan siya nito. Hinabol niya ang kanyang hininga at napaubo-ubo. Napahawak siya sa leeg na nasaktan. Nanatili namang nakamata lang sa kanya si Harry na nakatayo pa rin sa harapan niya. Sinulyapan niya ito. Wala siyang ano mang nakikitang ekspresyon sa mukha nito habang halos hindi na siya makahinga sa harapan nito. "You deserve to die, Ysa!" mariing sabi nito. "But you don’t have to die that easy. You need to suffer first until you wish to die!" patuloy nito na halos magbasagan na ang mga ngipin nito, at masamang tingin ang pinupukol nito sa kanya. Hindi na niya nagawang magsalita para maipagtanggol ang sarili dahil nahihirapan pa rin siyang huminga. Tumalikod ito at iniwan siyang nakasandal sa pintuan, pinapakalma ang sarili. Nais niyang maiyak, pero pinigilan niya. Kung iiyak siya sa sitwasyon niya ngayon, matutuwa ito at mas magagawa nito ang nais nitong gawin sa kanya kapag nagpakita siya ng takot dito. Sinundan niya ito ng tingin. Bumalik ito sa mesa kung saan ito nakaupo kanina. Sinandal doon ang pang-upo, at tinungkod ang mga kamay nito kabilaan. Pinagkrus pa nito ang mga paa at muli siyang sinulyapan. Masamang tingin ang pinukol niya rito. "Warm-up pa lang iyan. Pasalamat ka na rin at hindi ako ganoon kasama sa iyo," sabi nito. Kumunot ang noo niya and she raised her chin with defiance. "Kung sasaktan mo ako physically, sa tingin mo matutuwa si Ashley sa ginagawa mong pananakit sa akin?" taas-kilay na tanong niya rito. Inayos niya ang suot na damit na nagusot kanina, pati na ang buhok niya. "Don’t say her name!" malakas na sigaw nito na dumagundong sa buong silid. Napapitlag siya. "Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya!" mabalasik na patuloy nito. Hindi na lang siya kumibo pa. Pinanatili niyang nakataas ang mukha at nakamata dito. Nanatili siyang nakasandal sa pintuan. Doon siya kumukuha ng lakas. Nararamdaman niya ang panginginig ng mga tuhod niya sa takot na pilit niyang hindi pinahahalata sa kaharap. "Andito ka para malaman ang iaalok ko, hindi ba?" tanong nito. Tumango lang siya. "First, I hate you. To be honest, I want to kill you!" matalim na sabi nito sa kanya. Ewan niya pero may kirot sa dibdib siyang naramdaman sa mga binibitawang salita nito. "If God let me, I will kill you with my bare hands," patuloy nito. Napalunok siya. Tinatanggap ang ano mang masasakit na salitang bitawan nito sa kanya. Nagpapasalamat na rin siyang may pintuan siyang kinasasandalan. Kung hindi, baka kanina pa siya natumba sa takot sa lalaking kaharap, na walang ibang nais kundi ang mawala siya sa mundo. "You are beautiful, Ysa," sunod na sabi nito na pinagtaka niya. "Sayang ka naman kung papatayin na lang kitang basta-basta. Sayang naman ang ganda at katawan mo kung walang makikinabang," patuloy nito. Lalong lumalim ang kunot sa noo niya. Hindi maunawaan ang nais nitong sabihin. "What do you mean?" nakuha niyang itanong na halos siya lang yata ang nakarinig sa tinig niya. Humugot ito nang malalim na paghinga at tumuwid ng tayo habang nakatingin sa mga mata niya. Wala siyang ano mang nakikitang ekspresyon sa mga mata nito. Humakbang ito palapit sa kanya. Kinakabahan siya at nais umiwas sa takot na saktan siya muli nito. Iiwas na sana siya nang pigilan siya nito sa bewang at basta na lang tinulak pabalik sa pintuan. Napatili siya sa pagkabigla at sakit ng likod sa pagtama na naman sa matigas na pintuan. "Where do you think you are going?" tanong nito habang nanatili pa rin ang kamay nito sa bewang niya. Halos kahibla lang ang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa. Nasasamyo niya ang mabangong cologne nito, pati na ang mainit na hininga nitong humahaplos sa mukha niya. Napalunok siya nang mapatingin sa mga labi nito. Mabilis naman niyang iniwas ang mga mata roon at tumingin sa mga mata nito. "Bitiwan mo ako!" pilit na pinatigas ang tinig para hindi ito makahalata na takot siya rito. "Until you hear what I will say," umiigting pa rin ang panga nito. Humigpit din ang pagkakahawak nito sa bewang niya. "Ano bang sasabihin mo?!" "Ysa De Guzman, the spoiled brat. The only daughter of the mayor in town," hindi na lang niya pinatulan pa ang sinasabi nito tungkol sa kanya. Kilala naman niya ang sarili. Kaya bahala na ito kung ano ang gusto nitong isipin sa kanya. "Marry me, Ysa. Bilang pambayad mo sa pagkawala ni Ashley!" Nanlaki ang mga mata niyang napatitig dito matapos marinig ang sinabi nito. "Pakasalan mo ako at bigyan mo ako ng anak. Kapalit ng mga buhay nawala dahil sa iyo, Ysa De Guzman!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD