Erwhan's POV Hinang-hina ako nang makita ko ang kalagayan ni Steven sa loob ng ICU. He is safe but he has a lot of damage to his body. Baling mga buto, pasa, sugat, hiwa, at mga bugbog sa kalamnan na gawa ng nangyaring aksidente sa kaniya. Mga isang buwan daw bago siya maka-recover sa aksidente kung makikipag-cooperate ito sa kaniyang mga doktor at physical therapist. Nagising na raw siya kanina sabi ng nurse na kausap ko at iyak daw ito nang iyak nang magising dahil sa nakita nitong kalagayan ng kaniyang katawan. Tinurukan na lang daw nila ito ng pampatulog para raw kumalma at hindi nito masaktan ang kaniyang sarili. Paano, nagwawala raw ito at inaalis ang mga nakakakabit na aparato sa kaniyang katawan. Awang-awa ako sa kalagayan ng kakambal ko lalong-lalo na sa aming ina na wala ng gi