Careela's POV Buong araw akong naghihintay sa pagbabalik ni Erwhan. Sabi niya may pupuntahan lang siya saglit at babalik din siya. Subalit sumapit na ang tanghali maging ang gabi ay wala man lang Erwhan na sumungaw sa pinto ng aking kwarto. Nakaramdam tuloy ako ng kahungkagan at pag-aalinlangan sa mga pinakita niyang nararamdaman para sa akin. Pakiramdam ko niloloko niya lang ako at pinaasa sa isang pangako na hindi niya kayang tuparin. Pakiramdam ko, ginawa niya lang akong parausan ng isang araw at ngayong ayos na sila ng kaniyang minamahal. Iniwan niya ako at heto ako umaasa muli na babalik siya at mangyayari ang mga pinapangarap ko sa aking isip. Nagpasya akong aliwin ang aking sarili habang naghihintay pa rin sa pagdating ni Erwhan. Aasa ako hanggang sa maghatinggabi. Tanga na kung t