Careela's POV Tumingin muna sa akin ang lalaki bago nito hinarap si Ate Chona na nagtataka habang palipat-lipat ang tingin sa amin. Binundol naman ng kaba ang dibdib ko dahil mukhang nagsasabi ng totoo ang lalaki. “Kanina pa ako dumating. Nakahanda na ba ang kwarto ko? Gusto ko na kasing magpahinga sana.” Turan ni Erwhan este ng lalaki kay Ate Chona na nagsasabing kakambal nito si Erwhan habang hinahaplos ang pisngi na sinampal ko. Nakadama ako ng guilty feeling. Nasaktan ko yata siya ng matindi banda roon dahil sobrang namumula ang kaniyang pisngi. I’m sure bakat doon ang palad kong sumampal sa kaniya sa lakas ng ginawa ko. Gigil ako, pasensiya na lang siya kung siya ang sumalo ng galit ko. “Nakahanda na, Sir. Pasensiya na at hindi ko na kayo nasundo sa lobby. Tinatapos ko pa kasi iyon