Careela's POV Nalaman ko naman na hindi pa pala kinakasal sina Erwhan at ang fiancee niya. Nagkaroon ako ng munting pag-asa nang makakwentuhan ko si Ate Chona noong nakaraang araw at mabuksan ang topic tungkol dito. Malapit na ring magdalawang buwan ang tiyan ko at gusto kong malaman niya ang kalagayan ko. Kaya lang gaya ng mga unang pagtatangka ko na i-reach out siya para malaman niyang buntis ako, umuurong na agad ang tapang ko na puntahan siya sa kanila kapag naiisip ko na baka nagpapagod lang ako at nagsasayang ng oras. Ayaw kong lumabas na naghahabol, nagmamakaawa, at namimilit na panagutan niya ako dahil ayaw ko ng mas lalong ipahiya ang sarili ko. Isa pa, naisip ko ang mararamdaman ng babaeng nakatakda niyang pakasalan. Matagal na silang ipinagkasundo, eeksena pa ba ako kung alam