Chapter 5

2006 Words
KEIZEL NAZARENE SANDOVAL __ "Ms. President, are you ready to take a round?" tanong ni Cheaska habang nakatayo sa harap ng mesa ko hawak ang ilang clipboards sa kamay niya. Pinirmahan ko ang huling papeles bago ko iyon itabi. "Do you need an airsoft and tasers, ma'am?" muling tanong nito. "Leave it to the guards." Handa na ang shuttle sa baba, but I prefer to walk and see everything around the campus. Si Cheska na ang sumenyas sa ilang staff at faculty members na huwag nang lumapit para ipakilala ang sarili nila. I wouldn't remember anyway. Kasama ang mga ito sa pag-iikot. I guess they tried to control some even before I went out from my office pero hindi pa rin nila kaya ang lahat ng ito at paikot-ikot pa rin sa iba't-ibang ameneties ang ilan even during their classes. Some just really didn't care. They could look straight into my eyes and blow out smoke from their cigarettes. "Hey! You go to the guidance office!" One of the faculty members noticed him pero nakipaghabulan lang ito sa mga guard. "Ms. President, seventy to ninety percent ng mga gamit sa lahat ng classrooms are damaged. Close na rin po ang ilang facilities and amenities na may high maintenance to avoid losses. We also have to repaint almost all the walls around the campus. Puno na po ng vandalism." Nakapag-usap na kami ni tita Russ about it. She admitted she lost control. Hindi niya masyadong natutukan. It took more than a year before the transition from the day she addressed the issues. I couldn't blame her. "Also... high-- I mean very high po ang cases ng bullying dito. Even most of our professors and staff are depressed and have anxiety because of the students' constant manipulation and blackmailing--" "K!" Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nanatili akong nakatayo sa puwesto ko. Hindi ko ito nakita agad not until hawiin niya ang mga bodyguard sa harap ko at naramdaman ko na lang ang marahas na pagyapos niya sa akin. The impact was too strong and was something I didn't expect kaya hindi ko masyadong nakontrol ang balance ko. Parehas kaming bumagsak sa sahig. I wasn't hurt at all dahil yakap pa rin nito ang balikat ko at sapo niya ang ulo ko. Tumingin ito sa itaas at noon ko lang napansin ang silyang nakalambitin pa rin sa ere. "Oops! It's a prank!" sigaw ng mga estudynate na nasa itaas. "Ang sweet niyo naman. Yieh!" muling sigaw ng mga ito. "Get a room!" "Ms. President..." agad lumapit sa akin si Cheska at ang ilang bodyguards. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa lalaking nasa ibabaw ko hanggang sa ito na mismo ang lumayo. "Hoy, bumaba kayo rito!" one of the staffs shouted at those kids. "Ma'am, okay lang po kayo?" nagpa-panic na tanong sa akin ni Cheska. Marahan niyang pinagpag ang damit ko na puno pa rin ng pag-aalala. "Ma'am... bumalik na po kaya tayo sa opisina ninyo-" "Let's talk," malamig na sambit ko. Napatigil agad ito at naramdam kong nag-angat agad siya ng tingin sa akin pero hindi siya ang kausap ko. I was talking to him. Sandali pang magkakonekta ang mga mata namin nito bago ako tuluyang humakbang. Naramdam ko rin ang pag-sunod nito sa akin. Pumasok ako sa isang silid. Hinintay kong marinig ang pagsara ng pinto bago ako bumaling sa kaniya. "Why do you keep following me?" "Sinabi ko na sa'yo, hindi ba?" "I don't need your help." Humugot ito ng malalim na hininga. "I am not helping you. I'm protecting you because that was an order to me. I don't give a damn about you." Hindi ako sumagot agad pero hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kan'ya. "No one can lie to me. I know everything." His jaw clenched. "Your father is the only one who can tell me to stop following you. Minsan matuto ka na lang magpasalamat." Binigyan ako nito nang matalim na tingin bago humakbang palabas ng silid. I don't owe anyone anything. Cheska immediately checked on me nang makalabas ako. "Ma'am, mag-shuttle na po kayo pabalik. Ipapahanda ko na po." "I'll continue my round." Humugot na lang ito ng malalim na hininga at tumawag sa cellpone niya para magpadagdag ng securities. I wanted to see how they behave so I would know how to shut them up and put them in their place. "Ang sabi ko, pulutin mo ang kalat mo! Sit properly!" Huminto ako sa harap ng classroom nito. I guess his students weren't even listening to him. Cheska knocked on the door. Tumingin ito sa direksyon namin at mabilis na umaayos nang upo nang makita ako. Tumayo rin ito agad at lumapit sa akin. "Ms. President..." he chuckled. "I'm sorry about my students. Mga gago." "I would like to speak with you, Professor Caga." Ngumiti ito sa akin. "Nakakahiya naman. Pinuntahan mo pa ako rito. I feel so special." "Uhm, Ms. President is taking rounds, Professor Caga. We are planning to see the whole campus at least within this week," ani Cheska. He nodded. "Oh, that's great. You'll see how f****d up this university is. What is my schedule with her?" "You can go to the Presidents office after lunch, professor." "I got it. See you then later K-- I mean, Ms. President." Hndi nawala ang ngiti sa mga labi nito. "We'll go ahead now, Professor. Thank you for your time." "No worries, Cheska." They shook each other's hand. Paalis na kami nang marinig kong may tumawag sa akin. "Ms. President." If I wanst mistaken, isa iyon sa mga estudyante niya. "Isang ngiti naman d'yan." Tumingin ako sa isang lalaking prenteng nakaupo sa silya habang nakangisi sa akin. He was familiar. I guess I've seen him pero hindi ko maalala kung saan. Nagsigawan ang mga kasamahan nitong estudyante sa loob ng classroom. "Ngingiti na 'yan! Ngingiti na 'yan! Ngingiti na 'yan!'" "Shut up!" sigaw ni Profesor Caga sa mga ito bago bumaling sa akin. "Ako nang bahala. Forgive them for now." Hindi nawala ang ngisi sa mukha ng lalaking iyon hanggang sa tanggalin ko ang tingin ko sa kaniya. Habang papalayo kami ni Cheska, narinig ko pa itong sumigaw sa loob ng classroom. "Buo na ang araw ko, Ms. President! Mahal na yata kita!" Muling malakas na nagsigawan ang mga kapwa nito estudyante. Natatawang napailing si Cheska sa tabi ko. "I guess they also need nutrients for their minds, Ma'am." Bumalik ako sa opisina after lunch break. Nandoon na si Professor Caga, waiting for me. Umupo ako sa couch sa tapat nito. "Ibang klase talaga pagiging workaholic mo. Before anything else, kumusta ka naman? Hindi nababawasan ang ganda, ah?" Ito na mismo ang nagsalin ng wine para sa akin. "What do you think? Mahina itong tumawa. "Malas nila nandito ka na. Tapos na ang maliligayang araw nila. Anong maipaglilingkod ko sa'yo? Sabihin mo lang, agad-agad, nanginginig pa." "It's time to come back." Napatigil ito at hindi sumagot agad. "Are you sure?" "You know I don't say something I am not sure about." "Tell me the exact plan then." "I will give you a week. I want you to make all students follow my rules." Binasa nito ang ibabang labi at uminom ng wine. "Can you see how pressured I am already? I am already thinking of the punishment you'll give him if I fail." Marahan akong uminom sa baso ng wine. "You never failed." He smirked at me and shook his head. "Anong plano mo sa may mga severe offense? Are you planning to give them expulsions?" "They will stay here. They are here to learn. I would love to teach them." "So... going back to our business means you're letting me touch blood again?" "If you have to." Muling nabuo sa ngisi ang mga labi nito. "God... iba talaga kapag ikaw ang amo. You're making everything exciting. Matagal na akong wlang exercise. Matagal ko nang gsutong manampal ng mga walang modo at bastos na estudyante. I know you can make sure na hindi ako mapoposasan." "Na-schedule na ni Cheska ang meeting ko with their parents and guardians. I'll let them know that their children have to pay all the damages inside my university. I will give them an option, discipline their children in their own homes, or I will be the one to discipline them in my territory. Once I am forced to perform the second option, they shall know my number one rule; I can touch and destroy anything I want." "I've known you since we were kids pero kinikilabutan pa rin ako whenever you would say that," natatawang anito. "Mukhang kaliwa't kanang suit ang matatanggap natin after this mission pero basta ikaw ang nag-utos kahit isang kabog hindi ako ninenerbiyos." "There's no way out for them. You know how I like to play." Lalo pa itong napangisi sa akin at ginalaw ang mga balikat niya. "I know... I'll say goodbye to those brats, but not the one in front of me. The leader of them all." He looked and sounded so happy. Tumingin ito sa labas ng glass wall. "Alam na ba niya?" Wala sa loob na sinundan ko ang tingin niya and saw him-- Eenos. Nag-iwas agad ito ng tingin when I caught him looking. "Who is he to know?" "Fist love mo," agad sagot nito pagkatapos ay sunod-sunod na umubo. "I mean... first love mo sa play. 'Di ba nag-play kayo nu'ng collge tayo? First love title?" Tinanggal ko rin ang tingin rito. I looked at Professor Caga. "Do you have a new student?" "Ah..." mahina itong tumawa. "Oo, si Al. Kapapasok niya lang sa klase ko kanina. Pagbigyan mo na, gago talaga 'yun, eh. Ako nang bahala." "He went here yesterday. He causes trouble." Napaayos ito ng upo. "That was him? Fuck..." he uttered in disbelief at kumamot sa ulo niya. "Nakiusap lang siya sa akin kahapon na ipasok siya sa klase ko. Best friend kasi kami no'n nu'ng grade one kami. Gusto niya talaga dito. Baka p'wede mo nang ilusot tutal.. I'm doing you a favor. Let's just.. you know... exchange favors." Nanatili aong kong nakatingin sa kaniya at muling uminom sa wine. "Just make sure you can handle him well. You know what I cannot tolerate." Dumiretso ako sa meeting ko with the board members pagkatapos kong basahin ang mga binigay sa aking report ni Cheska. We didn't have much to talk about dahil may tiwala pa rin ang mga ito. They just told me to do what I had to do and ensured that I had their support. After that, I scheduled meetings with the executives in different departments to be held at different times and days. Hinayaan ko na rin si Cheska ang gumawa ng scheduled meeting ko with the faculty members, scholars, and different student organizations. I wanted everything to be settled within the week. Katulad noong nakaraan, gabi na nang lumabas ako sa opisina ko. Hindi ko binigyan ng atensyon ang lalaking sumunod sa akin. Kahit hindi ko lingunin, alam ko kung sino iyon. "Nakausap ko si Ranzel. Nabanggit niya sa akin ang gusto mo." Nagpatuloy ako sa paghakbang. I knew he would know and would react to it. "Do you think you can really discipline them by implementing violence? You will just make everything worse. Ipapahamak mo lang sila. When will you even care about the lives of other people, huh? And you think you can stop them sa isang kumpas lang ng kamay mo? Hindi lahat ng bagay kaya mong kontrolin." Huminto ako at bumaling sa kaniya. "I will get what I want and do things the way I please." Nagtangis ang bagang nito. "How can you give lessons to people when you yourself never learned? Hindi lang ikaw ang tama sa mundong 'to. "I don't care if I'm right or wrong. Your opinion doesn't count." Muli ko tong tinalikuran. "Are you sure you're not afraid of anything?" He again asked. Ever since, he loved to meddle with my businesses. I never liked the way he talked. "Bakit iniiwasan mo ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD