CHAPTER THREE

2004 Words
NAGISING si Anthony dahil sa ingay. Siguradong abala na ang lahat ng tao sa bahay, ngayon kasi ang family gathering nila at dito ngayon sa mansion nila gaganapin ang handaan. Every year kasi nag se-celebrate ang pamilya nila bilang pasasalamat sa mga natatamong biyaya. Pupungas-pungas na bumangon si Anthony at doon bumukas ang pinto ng kwarto niya, iniluwa ni'yon ang kanyang inang si Anna. Idiniin nito ang cellphone sa dibdib nito para takpan ang mouth piece. "Bumangon ka na dyan, Hijo. Paparating na ang mga tito, tita at mga pinsan mo," anito bago muling isinara ang pinto. Tiningnan niya ang alarm clock na nasa bedside table niya. Alas-dose na pala ng tanghali. Nangunot ang noo niya. Ngayon lang siya tinanghali ng gising, Kibit balikat na umalis siya sa ibabaw ng kama at dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos, he chose to wear a white polo shirt and a khaki pants, at sanders para sa mga paa niya. Sinuot niya ang eye glass niya at nang masigurong maayos na ang itsura niya ay agad siyang lumabas ng kwarto at dumiresto sa sala. Naabutan niya ang mga magulang niya roon kausap ang Tito Dominic at Tita Esmeralda niya kasama ang bunso nitong anak na si Dylan. Palagi namang nauuna ang mga ito sa family gathering. "Anthony, hijo!" agad na bati ng tiyahin niya pagkakita sa kanya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo para yakapin siya. "You look different now." Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa at muling bumalik sa mukha niya. Naiilang na nginitian niya ito pabalik. "Hi po!" "Binatang binata ka na," sabi pa nito. "And soon to be a priest," his Father said proudly. "That's good to know. Swerte 'yan sa pamilya natin," his Tito Dominic. Inakbayan siya ng kanyang ama. "Of course. My son won't disappoint me. Right, Hijo?" Pilit siyang ngumiti. "Yes, Dad," Napatingin si Anthony sa tiyuhin niya nang malakas itong pumalatak. "I wish I had a child like yours, Dave," he's talking about kuya Dyon. "Mabait naman po si Kuya Dyon, Tito," pagtatanggol niya sa pinsan. Wala ito rito para ipagtanggol ang sarili. Dominic snorted. "Stop depending on him, Anthony. We all know how stubborn your cousin is. Mapapagod ka na lang kakasalita sa kanya," "Masyado mo kasi inispoiled ang anak mo, Kuya," sabi ng ama niya. "Look Anthony ni minsan hindi niya ako binigyan ng sakit ng ulo," buong pagmamalaki nitong sabi. umiling iling ang tiyuhin niya. "Hindi na namin alam ang gagawin sa kanya. Si Dylan na lang ang pag-asa namin," natatawang sabi nito. "Disown him, tingnan natin kung hindi pa siya magtanda," suhestyon ng ama niya. Nanlalaki ang mga matang nilinhon niya ito. "Dad!" suway niya rito. "Please, wag niyo na ho gatungan ang sitwasyon," Saglit itong natahimik habang kunot ang noong tumitig sa kanya. Mariin nitong pinisil ang balikat niya. Isa ito sa ayaw nito ang pinipigilan ito at kinukwestyon kung ano ang sinasabi nito. "Stop depending on him, Anthony," his dad murmured. "I'm not, Dad. It's not right to talk about him specialy he's not here to depend himself," mariin niyang sagot. Tila napapahiya itong tumingin kay Tito Dominic at kay Tita Esmeralda at muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya. "Okay. I'm sorry," tumango-tango ito. "Ngayon pa lang sinisermonan na ako ng anak ko," natatawa nitong sabi pero nahihimigan na niya ang inis sa boses nito. Nang tanggalin nito ang pagkaka-akbay sa kanya ay lihim siyang napabuntong hininga. Gusto niyang sabihin na hindi niya na gustong ituloy ang pagpapari, pero hindi niya magawang ipahiya ang mga magulang niya. Siguro sa ibang araw na lang niya kakausapin ang mga ito ng masinsinan. "BALITA ko pinagtanggol mo raw ako kanina?" nabaling ang tingin ni Anthony sa kaliwa niya nang tumabi sa kanya si Dyon. Kasalukuyan siyang nasa terrace ng mansion at dito nagpapahangin. "Kanino mo naman nalaman 'yan?" "Kay Dylan." Ngumuso siya. "Hindi kita pinagtanggol, ginawa ko lang 'yung tama," Ginulo ni Dyon ang buhok ng pinsan. Nakikita niya ang malaki nitong pinagbago. Kung dahil man 'yun sa pag aaral nito bilang pari ay lubos niya itong kinakatuwa. "I'm proud of you. Natututo ka nang sabihin ang opinion mo," Tinaasan ito ni Anthony ng kilay. "Is that a compliment, Kuya?" Tumawa ito ng pagak. "It's up to you," Naiiling na nginitian niya lang ito at muling ibinalik ang tingin sa malawak na hardin ng mansion. "Gusto mo ba talaga ang pagpapari, Oni? I'm not against being a priest, but are you happy with that?" maya'y tanong nito. Nagkibit balikat siya. "This is Mom and Dad's wants for me, Kuya." "How about your wants?" agap na tanong nito. "Is does matter?" "It is," mariin nitong sabi. Nilingon ni Anthony ang pinsan na ngayon ay seryosong naka tingin sa kanya. "Kaya ba sinusuway mo sila Tito Dominic at gumagawa ka ng mga kalokohan dahil 'yan ang gusto mo?" Nagbuga ito ng hangin. "Oni, Don't based on what you see or what you hear. Wala akong sinasabi na hindi mabuting magulang sila Dad, they are, really. Pero hindi ko gusto na pangunahan nila kung ano ang desisyon ko sa buhay, I'm f*cking old enough to decide for what I want. Gusto nila ako ipakasal sa anak ng amigo nila? F*ck no! They want me to follow their steps and become a f*cking businessman? Hell no! Pagluluto ang gusto ko at dito ako nag go-grow. Why I let them f*cking manipulate my life? This is my f*cking life, Oni, kung ano man ang mangyari sa buhay na pinili ko, at least wala akong pagsisisihan," mahaba nitong paliwanag. Sa mga sinabi nito wala siyang narinig na mali. Tama naman ito, dapat piliin kung ano ang makakapagpasaya sayo. Bigla tuloy siya nakaramdam pagkainggit. Sana tulad din siya nito na matapang para sundin ang sariling kagustuhan. Hinawakan siya nito sa balikat. "Matuto kang ipaglaban ang desisyon mo sa buhay. Photographer ang gusto mo diba? Then be a photographer. Don't be afraid, Oni, nasa likod mo lang ako," Imbis na sagutin ito ay iniwas na lang niya ang tingin sa pinsan. Hindi niya sinasabi na tama ito, pero wala ring mali sa sinabi nito. Actually naalala rin niya 'yung sinabi sa kanya ni Father Edmond. Kung pagsubok lang ang lahat ng ito sa kanya, itatas niya ang lahat ng ito sa diyos. "Oh! Wait," muli niya itong nilingon at napakunot ang noo niya nang may inabot ito sa kanyang regalo. "Para saan ito?" kunot noong tanong niya. Ngumisi ito. "Thanks giving gift?" "Ha?" "Stop asking just open it, come on!" tila mas excited pa ito sa kanya. Naiiling na tinanggap niya 'yun at mabilis na binuksan. Halos maestatwa siya sa kinatatayuan nang makita ang nasa likod ng gift wrapper. Isa iyong Lumix! "A-a cam?" hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Mapalad siya nitong nginitian. "Just follow what your heart's say, nasa likod mo lang si Kuya." It was one of the beautiful words he had heard all his life. Mahigpit niya itong niyakap. "Thanks Kuya!" "Hindi lang 'yan, you can stay in my private island there, if you want?" Pinaningkitan niya ito ng mata. "Why are you doing this to me? Are you up to something?" "What the hell?! Ako na nga ang nagmamagandang loob, ako pa masama?" nag iinarteng sabi nito. "kaya nga may one year vacation kayo para makapag isip pa ng mabuti, right? Why don't you have fun?" Nginusuan niya ito. "Parang gusto kong matakot sa have fun na sinasabi mo," Tumawa ito at muling ginulo ang buhok niya. "Kung ano-ano iniisip mo. Wala akong iniisip na ganun okay? I know your are still a virgin and not allowed to f*ck." Pinanlakihan niya ito ng mata. "Kuya Dyon!" hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha. Humalagapak ito ng tawa. "Just kidding. Pero pag isipan mo ng mabuti. Just give me a call whatever happens." "I will, Kuya. Thank you!" aniya na muli itong niyakap. HALOS hindi nakatulog si Anthony kakaisip sa mga sinabi ni Dyon sa kanya kagabi at inalala ang sinabi ni Father Edmond sa. Follow what my heart say... Kahit halos walang tulog ay bumangon na siya para maligo at pagkatapos maligo at bumaba na siya para saluhan ang mga magulang na mag-umagahan. "How's your sleep, hijo?" tanong sa kanya ng kanyang ina. "Halos hindi ho ako nakatulog," "Bakit naman?" takang tanong nito. "Magdamag ho kasi akong nag-isip," "Ano naman ang iniisip mo, Anthony?" tanong ng kanyang ama. "Umh, I decided to have a vacation and study photography for one year," Halos mabitawan ng kanyang ama ang hawak nitong kubyertos at natigilan naman ang kanyang ina sanka kanyang sinabi. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo, Anthony?" dumagundong ang boses ng kanyang ama sa apat na sulok ng dining room. "Wala naman ho sigurong masama kung sariling kagustuhan ko naman ang gawin ko?" Galit nitong hinampas ang lamesa. "Gumugol ka na ng apat na taon sa seminaryo, bakit ngayon ka pa mag iisip ng ganyan? Binuyuan ka ba ni Dyon o sinulsulan ka ba niya kaya sinusuway mo kami?!" "Dad, walang nagbuyo sa akin. This is my choice, like what Father Edmond said. I just want to follow what my heart says," giit niya. "Your not going any where! You will stay here in this house and pray for our sins!" "Dad—," "You will not disobey me, Anthony!" Dinuro siya nito. Ang ugat nito sa leeg ay naglalabasan na dahil sa galit. "Please, Dad. For once, hayaan niyo naman po akong gawin ang gusto ko. Pinagbigyan ko po kayo na pasukin ang pagiging seminarista—," "I don't want to hear you shit!" Kinuyom niya ang kamao. "Aalis ako sa ayaw at sa gusto ninyo, and you can't stop me. I'm sorry," aniya na mabilis tumayo. "You—," nasapo nito ang dibdib at umaakto na hindi ito maka hinga. Nilagpasan niya lang ito at lumabas ng kwarto. Hindi siya magpapadala sa pagiinarte ng ama. Itutuloy niya ang pag alis at gagawin niya kung ano ang gusto niya at kung ano ang magpapasaya sa kanya. All his life, wala siyang ibang sinunod kundi ang mga magulang niya, this time gusto naman niya ang gagawin niya. Pero hindi naman porket gagawin niya ang gusto niya ay kakalimutsn na niya ang dyos. No, gagawin pa rin niya ang naka sanayan niya sa loob ng dormitoryo. Nilabas niya ang cellphone sa bulsa ng short niya at agad na tinawagan si Dyon. "Kuya, pinag-isipan ko mga sinabi mo sa akin kagabi. I want to have a vacation and study photography," "That's my boy! What's your plan now?" "Pwede bang sunduin mo ako rito mamayang gabi?" "Okay, I will be there tonight," "Thanks, Kuya," "No worries," pagkasabi ni'yun ay pinutol na niya ang linya. Sa kanyang pagbabakasyon, hahanapin niya ang sarili. Kung ano ang ipagkaloob sa kanya ng nasa itaas ay buong puso niya 'yung tatanggapin. Kinagabihan nga ay dumating si Dyon, pero sa likod ng pansyon ito naghintay. Hindi agad siya naka labas dahil ikinulong siya ng kanyang ama sa kwarto. Pinagtatali niya ang mga kumot na nasankabinet niya pagkatapos ay tinali niya ang kabilang dulo sa railing na bato pagkatapos inilaglag naman niya ag kabilang dulo niyon. Maingat siyang sumampa sa railing at dahang dahan na bumaba sa pinagtali taling kumot. Nang tuluyan siyang makababa ay walang ingay na tinungo niya ang likod ng mansyon. Una niyang binato ang bag sa mataas na pader bago umakyat ng puno. Muntikan pa siyang mahulog nang hindi siya masyadong nakahawak sa sanga. Nang makasampa na siya sa pader ay maingat niyang tinalong ang kabilang parte. "Kuya Dyon." kinatok niya ang naka sarang bintana. Bumaba ang bintana at bumungad sa kanya ang inaantok pang mukha ng pinsan. Natawa siya, nakatulog ito sa sobrang tagal niyang makalabas. "Sorry kung natagalan ako," "Ayos lang, naka tulog naman ako." Binuksan nito ang pinto ng shotgun seat. "Sumakay ka na at baka matunugan pa nila ang pag-alis mo," Mabilis siyang sumakay ng sasakyan. Ngayon pa lang nakakaramdam na siya ng tuwa dahil sa unang pagkakataon nagawa niyang suwayin ang mga magulang. Excited na siya sa bagong buhay na kahaharapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD