CHAPTER TWO

2090 Words
"LET'S us pray." Father Edmond said after communion. "I thank you, Lord, Almighty Father, everlasting God, for having been pleased, through no merit of mine, but of Your great mercy alone, to feed me, a sinner, and your unworthy servant, with the precious body and blood of your son, our Lord Jesus Christ. I pray that this holy communion may not be for my judgment and condemnation, but for my pardon and salvation. Let this holy communion be to me an armor of faith and a shield of good will, a cleansing of all vices, and a rooting out of all evil desires. May it increase love and patience, humility and obedience, and all virtues. May it be a firm defense against the evil designs of all my visible and invisible enemies, a perfect quieting of all the desires of soul and body. May this holy communion bring about a perfect union with you, the one true God, and at last enable me to reach eternal bliss when you will call me. I pray that You bring me, a sinner, to the indescribable feast where you, with your son and the holy spirit, are to Your saints true light, full blessedness, everlasting joy, and perfect happiness. Through the same Christ our Lord. Amen," Pinagmasdan ni Anthony ang mga taong nasa loob ng simbahan. May mataimtim na nagdarasal, meron din namang hindi. May mga pamilyang sama-samang nananalangin at meron din magkasintahan na lihim na naghaharutan sa sulok ng simbahan. Humugot siya ng hangin at marahan na umiling. Sabi sa kanya ni Father Edmon, higit daw nagkakaron ng kasalanan ang isang tao kapag hinuhusgahan ang kapwa sa panlabas nitong ginagawa kaya bago pa siya makapag isip ng masama sa magkasintahan ay mabilis niyang inalis ang tingin sa mga ito at itinuon na lang ang sarili sa pagdarasal. Maka-diyos ang pamilyang pinagmulan ni Anthony, dahil doon ginusto ng mga magulang niya na maging isang pari siya. Photographer ang pangarap niya, pero dahil mahal niya ang mga magulang ay sinunod niya ang kagustohan ng mga ito kahit pa lapag sa kalooban niya. Hindi rin naman siya perpektong tao at aaminin niya na hindi masyado bukal sa loob niya ang pagpasok sa pagigingpari, pero sa ilang taon na pag-aaral niya para maging isang ganap na pari ay unti-onti na niya ito niyayakap at minamahal. "Amen," sabay-sabay na sagot ng mga tao. "The lord be with you," Father Edmond said. "And with your spirit," people replied and Father Edmond blesses the people, saying: "May almighty God bless you, the Father, the Son, and the Holy Spirit." He signed of the cross. The people replied "Amen," "Go and announce the Gospel of the Lord," pagtatapos ni Father Edmond sa misa." "Thanks be to god!" muling duet ng mga tao at pagkakuway ay malakas silang nagpalakpakan. Ang mga bata ay mabilis na nagtakbuhan pupunta kay Father Edmon para mag mano, ang mga matatanda, mga magulang na buhat-buhay ang maliit nilang anak. "Kaawan kayo ng Diyos," nahimigan ni Anthony na sabi ni Father Edmond. Nakikita niya sa mga mata nito ang kaligayahan sa tuwing natatapos nito ang misa. "Anthony, pwede ba kitang maka usap?" tanong sa kanya ni Father Edmond matapos ibless ang mga bata at matatanda. "Oho, Father," Inakay siya nito pababa sa altar. "Napapansin ko sa'yo nitong mga nakaraang araw na meron kang malalim na iniisip. Ano 'yun, anak? Pwede mong sabihin sa akin," Hindi pinahalata ni Anthony ang malalim niyang pagbunting hininga. Matamis niya itong nginitian. Wala siyang balak sabihin dito kung ano man ang bumabagabag sa isipan niya. "Wala naman ho, Father. Sadyang namimiss ko lang ho ang mga magulang ko," pagsisinungaling niya. Sana patawarin siya ng diyos sa pagsinungaling niya. Tumango-tango ito. "Ganun ba?" nagbutong hininga ito. Halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Alam mo noong seminarista pa lang ako tulad mo, nagdalawang isip din ako noon kung ipagpapatuloy ko ba ang pagpapari," anito na ikinatingin ni Anthony dito. Naging interisado siya sa susunod nitong sasabihin. Ngumisi ito. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na nagmahal ako ng babae?" "H-hindi po imposible 'yun, Father. Ano pong nangyari?" "Tulad ng sinabi ko nagdalawang isip ako noon kung itutuloy ko ba ang pagpapari dahil sa isang babae? Yes, naging masaya kami, nandoon na rin 'yung bumuo na kami ng mga pangarap namin sa buhay, hanggang sa humantong ako sa punto na unti-onti ko nang nakakalimutan ang Diyos, pero nalaman ko na sinusubok lang pala niya ako," Nangunot noo si Anthony. "Paano mo ho nalaman na sinusubok ka lang ng Diyos?" "Nasaksihan mismo ng mga mata ko na may pamilya na pala 'yung babae na 'yun. Doon ko na-realize na hindi para sa akin ang pagkakaraoon ng asawa't anak. Ang puso at buhay ko ay nakalaan para sa kanya at kahit naka limot ako sa Diyos muli niya akong tinawag at tinanggap ng buo," "Paano ho malalaman 'yun?" Bahagya itong ngumiti. "Mararamdaman mo 'yan sa puso mo kapag isinuko mo sa kanya ang lahat ng problema at plano mo sa buhay mo," Napahinto siya sa paghakbang nang huminto ito. Hinawakan siya nito sa balikat. "Sa makalawa, paglabas ninyo ng dormitoryo, susubukin ka ng Diyos kung hanggang saan ang pananalig mo sa kanya at kung ano talaga ang ipagkakaloob niya sa'yo. Pag-isipan mong mabuti ang bawat hakbang na gagawin mo sa buhay, Anthony. Sundin mo ang sinasabi ng iyong puso, hinding hibdi ka mabibigo," Marahan siyang tumango. "Oho, Father. Maraming salamat po," Tipid siya nitong nginitian. "Walang anu man." Tinapik tapik siya nito sa balikat bago siya iniwan. Tinanaw lang niya ang papalayo nitong bulto hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. Napa buntong hininga na lang si Anthony na bumalik sa kwarto niya.. Muntik na siyang sumubsob nang bigla siyang talunin ni Matheo mula sa likod. "Hey, nerdy!" Anito na ginulo ang buhok niya. Mahina niya itong tinulak palayo. Inayos niya ang nagulo niyang buhok at ang suot niyang sutana. "Anong balak mong gawin pagkalabas na pagkalabas mo rito?" tanong nito. Inayos niya ang suot na eye glass. "Wala pa," "Wala? Hindi mo ba naisipang magbakasyon man lang?" Marahan siyang umiling. "Wala." Inunahan niya ito sa pag akyat sa hagdanan. "Don't tell me, magkukulong ka lang sa bahay mo at magdadasal maghapon?" natatawang sabi nito. "Hindi ba 'yun naman ang dapat gawin?" kunot noong baling niya rito. Muli siya nitong inakbayan. "Pre, kaya nga tayo may isang taong bakasyon para subukin kung talagang para sa atin ang pagpapari," Inalis niya ang braso nito sa balikat niya. "Gawin mo ang gusto mo at gagawin ko naman kung ano ang gusto ko. Kung gusto kong magkulong sa kwarto wala ka ng pakialam 'dun," sagot niya na iniwan na ito at pumasok sa kwarto niya. Hindi naman noya talaga gustong sungitan si Mateo, pero hindi niya gusto ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kanya at sa iba ring seminarista. Buntong hiningang nilibot ni Arthur ng tingin sa kabuohan ng kwarto niya. Mamimis niya ang kwartong ito. Ito ang naging saksi sa lahat ng kalungkutan niya sa loob ng ilang taon. Sa katunayan hindi niya alam ang mangyayari sa kanya paglabas niya sa dormitoryo. Muli siyang nagbuntong hininga at inumpisahan na niya ang pag-aayos ng mga gamit na dadalhin niya pag alis. NAIINIP na sinipat ni Anthony ang suot niyang relong pambisig. Kanina pa siya naghihintay sa labas ng dormitoryo, pero hanggang ngayon wala pa 'yung sundo na inaasahan niya. Buntong hiningang nilingon niya ang malawak na lugar ng institution. Kahit pakiramdam niya bilanggo siya rito ay mamimiss 'din niya ang lugar na ito. Ang mga kaklaseng naka salamuha niya, sila Father Edmond na naging pangalawang ama niya at ang ibang pari na sumubaybay sa kanya. Matagal-tagal 'din ang isang taon kaya he will definitely miss this place. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya pagkaalis niya rito. Hindi niya pa alam kung ano ang gagawin sa loob ng isang taong bakasyon. Hindi na niya muna iisipin ang bagay na 'yun sa ngayon. Nabaling ang tingin niya sa isang lime color na sasakyan nang businahan siya nito. Inayos niya ang suot na salamin at kunot noong tinitigan ang sports car. Sino naman kaya ito? Tanong niya sa sarili. Marahan na bumaba ang salamin ng pintuan ng sasakyan at bumungad sa kanya ang nakangising lalaki. It's his cousin Dyon. Hindi ito ang inaasahan niyang susundo sa kanya. "Hey, Nerdy! come on in." Tinulak nito pabukas ang pinto ng shotgun seat. Sanay na siyang tinatawag na nerdy dahil 'yun naman ang tawag sa kanya ng karamihan. Buntong hiningang binitbit niya ang bag at sumakay sa sasakyan nito. "Bakit ikaw ang sumundo sa'kin?" "Bakit ayaw mo ba na ako ang sumundo sa'yo?" naka plaster pa rin sa mukha nito ang ngisi. Umiling iling siya. Wala siyang reklamo dahil sa lahat ng mga pinsan niya ay ito talaga ang kasundo niya, kahit salungat ang pag-uugali nila at kahit na pitong taon ang tanda nito sa kanya. "Wala ako sinabi, kuya," "I miss you, bunso." ginulo nito ang buhok niya. "Kuya naman!" reklamo niya. Naka ngusong inayos niya ang nagulong buhok. "Lalo ka ata pumayat?" Dyon continued teasing him. Pinagmasdan nito ang kabuohan niya.. "Kumakain ka ba ng maayos?" Anthony pouted. "Oo naman! H'wag mo na lang pansinin ang kapayatan ko," Tumawa ito ng pagak. "Where do you want to eat?" maya'y tanong nito na minaniobra na ang sasakyan palayo sa lugar na 'yun. Sandali siyang nag isip. "Nandoon pa ba 'yung karinderya ni Aling Kikay?" doon nila dati hilig kumain nito kapag inaaya siya nitong lumabas. "Bukas pa. You want to eat there?" kunot noong tanong nito. "Bakit hindi ka na ba kumakain doon, kuya?" "Hindi na simula noong nag-start na ang restaurant ko," "Bakit naman?" Nagkibit balikat ito. "Wala naman akong ibang naisasama roon maliban sa'yo," may ngiti ito sa mga labing sandali siya nitong nilingon. "Wala ka bang mga kaibigan?" kunot noong tanong ni Anthony. Knowing his cousin, imposibleng mawalan ito ng kaibigan. "I have, but..." "But?" "They can't eat cheap foods," naka ngisi nitong sagot. "Then, I feel sorry for them for not tasting good food," "Yeah, you are right," Dyon agreed. Sandaling minuto pa ang lumipas nang marating nila ang karinderya ni Aling Kikay. Agad silang pinagtinginan pagkababa na pagkababa nila ng sasakyan. Paanong hindi sila pagtitinginan? Dyon using one of the most expensive car in the world! Tapos sa isang karinderya lang sila kakain? "Hi, Aling Kikay!" masiglang bati ni Dyon sa matanda na abala sa pag-asikaso sa mga kostumer. "Natatandaan niyo pa kami?" Sandaling natameme ang ginang dahil ilang taon na din ang lumipas mula noong huling kain nila rito. "Dyon, ikaw ba iyan, Hijo?" nilingon ng ginang si Anthony. "at ikaw si Oni, tama ba?" "Tama ho, ang linaw pa rin ng memorya ninyo kahit matanda na kayo," si Dyon. Malakas na pinalo ni Anthony ang pinsan sa braso. Minsan din talaga pasmado ang bibig nito. "Aray!" Pinanlakihan niya ito ng mata, pagkakuway ay naka ngiting bumaling siya ng tingin sa ginang. "Magandang araw ho, Aling Kikay!" "Aba! Lalo ka atang gumuwapo, Hijo . Kumusta ka na?" "Ito seminarista, nasa bakasyon lang ho ako ngayon," naka ngiting sagot nito. "Ay ganun ba? Sayang naman, irereto ko pa naman sana sa'yo ang apo kong si Amelia. Natatandaan mo pa ba siya?" tinuro nito ang dalaga na nag se-serve ng order sa mga customer. Naiilang na napakamot sa ulo si Anthony. Syempre natatandaan pa niya ito. Aaminin niya na naging crush niya ito noon, dahil bukod sa maganda na masipag at masunurin itong apo kay Aling Kikay. "Naku, Aling Kikay," bigla siyang inakbayan ni Dyon. "h'wag niyo na hong pangarapin na mapangasawa ito ng apo mo, tatanda ho itong virgin!" Nanlaki ang mga mata niya at malakas na siniko ang katabi. Tumawa lang ito sa ginawa niya. "Tigilan mo na nga ang pang-aasar mo, Kuya Dyon!" "Let's order," anito na pinipigilan na matawa. "tulad pa rin ba ng dati?" tanong ni Dyon sa kanya. "Yes kuya," Habang umoorder si Dyon ay humanap siya ng lamesa nila at agad na naupo roon, hindi nagtagal ay naupo na rin ito sa tapat niya. Doon tumunog ang cellphone nito. "Hello, Sergio," sagot nito. "Ngayon na ba? I'm with my cousin," anito na tumingin sa kanya. "g*go! Pinsan ko nga. Sige daanan ka namin dyan. Maghintay ka. Adios!" anito na binaba na ang tawag. "May lakad ka? Pwede naman na mag-taxi na lang ako,," aniya. Mabilis itong umiling. "Ihahatid kita sa bahay niyo. Ayokong maplantsa ng mama mo, tsaka hindi importante 'yun," "Are you sure?" Tango lang ang sinagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD