INABALA ko ang sarili sa pakikipag-usap kay Lotty. Nakikibalita ako. Nasa presinto pa daw si Tito Abel at hanggang ngayon galit na galit si Tita Zela sa akin. Gusto niya akong hanapin. Panay nga raw ang pagmumura sa bahay. Wala pa siyang balita kung makakalaya si Tito Abel. "Wala ka naman kasi dito para sabihin kung anong nangyari. Iyong mga testigo narinig ka lang naman. Ang kailangan ay ikaw mismo. Baka makalaya si Kuya Abel dahil wala namang sapat na ebidensya. Wala rin naman magpapakulong sa kanya." "Kung ganoon. Hindi bale na. Hindi naman na kami magkikita. Wala na kong planong umuwi diyan." "Oo nga. Nabasa niya ang sulat mo at ako ang kinausap. Inaway na rin ako kanina. Syempre nandito si Mama. Ayon, silang dalawa na ang nag-away. Akala ko nga magkaka-brgy-an na eh. Stress na stre