PANAY ang palag ko. Diring-diri ako at tila ba walang naririnig si Tito Abel kahit na sigaw na ko ng sigaw. Nagising si Honey. Umiyak siya at kasabay niyon ang pagsipa ng malakas kung sino man sa pinto. "Samuel!" Umiiyak ako habang yakap ang sarili. Tumakbo ako kay honey para aluhin. Nakita ko pang hinaklit ni Samuel ang kwelyo ni Tito at malakas na inihagis sa dingding. Napasinghap ako. May mga tao na rin sa labas at nakikiusosyo. "You son of a b***h! How dare you molest your niece?!" umalingawngaw ang galit na boses ni Samuel. Napasinghap ang mga tao. Yakap-yakap ko si Honey habang humahagulgol. Nakita ko si Tito Abel na nakayukyok sa tabi. Dumadaing sa sakit ng likod niya dahil sa pagkakahampas ng katawan sa dingding. Nilapitan ako ni Samuel at hinawakan sa kamay. "Tara na!" sabi