HINDI ako nakatulog nang mahimbing nang gabing iyon. Namaga na nga ang mata ko at hirap na akong makahinga dahil sa pagluha. Impit na iyak ang aking ginawa. Nagagalit kasi iyong Janella dahil maingay daw. Sino bang makakatulog gayong sobra akong nasasaktan. Broken hearted na nga ako. Kinakabahan pa ako sa buhay ko. Sobrang sakit ng ulo ko at iyon ang dahilan kaya nakatulog ako talaga pero nagigising din dahil naalimpungatan. Iiyak tapos kapag napagod ulit makakatulog na naman. Nagising na lang ako dahil sa pagbukas ng pinto. Napabalikwas ako nang bangon at tinignan ang lalaki na nakaitim na shirt. May bitbit na tray at umalingasaw agad ang aroma nang pagkain. "Anong almusal?" Pagod kong tinignan si Janella. Sinisilip niya kaagad iyong pagkain kahit malayo pa sa kanya. Hindi nagsalita i