NAGPUPUMIGLAS ako pero dahil lalaki sila at likas sa kanila ang pagiging malakas ay talo ako. Lalo na may tama pa ako nang alak. Medyo nahimasmasan man ngunit hindi sapat para maibuhos ko ang buong lakas ko para makawala sa mahigpit nilang hawak. Napaiyak na ako sa kaba. Hindi ko na makita si Samuel kaya nag-pa-panic na ako. Bumaba kami at maraming tao. "Tulong! Tulungan niyo ko!" halos mamaos ako sa kakasigaw pero bakit ganoon. Walang pumapansin sa akin. Titignan lang ako pero magpapatuloy sila sa kanilang ginagawa. "Bitiwan mo ko!" Para akong baliw na nagsisigaw at nag-iiyak. Unti-unti nang gumagapang ang takot sa aking dibdib. Kinakabahan ako sa nangyayari. "Saan niyo ba ko dadalhin? Kailangan kong makausap si Samuel!" Nanlalabo na ang aking mga mata sa luha pero pinipili kong mag