BINITIWAN ni Samuel ang beywang ko para makipagkamay sa mga Chinese na huminto sa harap namin. "Ngayon kita kita ulit dito sa Club mo," ani nang may katandaang chinese. Napatingin siya sa akin at ngumisi. Alanganin akong ngumiti sa kanya. May dalawang lalaki na nakatayo sa likod nito. Bodyguard niya yata. Napatingin ako sa dagat ng mga tao sa dance floor. Nagtatalunan sila at naghihiyawan. Ang iba na nasa table ay nagtatawanan at nag-iinuman. Napangisi ako. Ngayon pa lang ako nakapasok sa club. Hindi ko akalain na masaya pala dito. "Nandito ako last week pa. Hindi lang tayo nagkatagpo, Mr. Cheng." Napatingin ako kay Samuel na nakangiti pa sa kausap. "Galing ako China. Kahapon ako uwi. Who is she?" tanong ng kausap ni Samuel at napatingin ang dalawa sa akin. "Uh..." Natawa si Samue