Chapter One

1556 Words
Iniwan ko siyang natutulog. Maingat akong umalis sa kama at sa penthouse niya. Pumara at sumakay ako ng taxi pabalik sa hospital. Magmamadaling araw. Nang makarating doon ay naabutan ko si Tati na karga ang natutulog na si Prince. Kinuha ko sa kaniya ang anak ko at ako na ang bumuhat. "Shh," bahagya ko itong hinele para magpatuloy sa pagtulog. "Tati, si Princess-" "Nakausap ko na ang doktor. Ooperahan na nila si Princess. Ang bongga! May pambayad ka na! Iyong client mo binayaran na ang buong six months na service mo sa kaniya!" "Anim na buwan?" nabigla ako. "Oo, pero hindi pa sarado 'yon. Mag-e-extend pa raw kung kailangan." "Ano?" "Oh, bawal na mag-back out, ha. Nakapirma ka na. Nako, Jewel." paalala sa 'kin ni Tati. Tumango ako. "Oo naman, Tati..." "Mabuti! Sige na, uuwi muna ako sa bahay at napagod din ako. Nakakain na 'yang kambal mo." "Salamat, Tati." Tumango lang siya. "Paano, ikaw na ang bahala rito? Tawagan mo nalang ako." bilin niya. Tumango ako. "Oo, Tati. Salamat." Huling tango at tuluyan na siyang nagpaalam at nakaalis. Hiniga ko si Prince sa katabing hospital bed ng kay Princess na wala nang pasyente. Hinalikan ko siya sa noo at hinaplos ang buhok at pisngi. Binalingan ko naman si Princess. Mahimbing din ang tulog nito doon. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Tati. "Pasensya na, nakauwi ka na ba?" "Malapit na, bakit?" "Ah, tatanungin ko lang sana iyong sa pera..." "Ay, oo, paano wala kang bank account. Ganito sasamahan kita bukas na magbukas ng account mo, okay? Malaking pera rin ang hirap naman kung bitbit mo lagi." aniya mula sa kabilang linya. "Oo, Tati. Salamat," "Sige, balikan ko kayo bukas diyan sa ospital." Pinatay ko na ang tawag at muling bumaling sa mga anak ko na natutulog. Kinuha ko iyong isang upuan. Umupo ako doon na tinitingnan lang ang mga anak ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok at unti-unti na rin nakatulog. Nakayuko ang ulo doon sa gilid ng kama ni Princess. Kinabukasan nga ay nakausap ko rin ang doktor. Puwede na raw nilang umpisahan ang operasyon sa puso ni Princess. Congenital heart disease. May sakit na talaga siya sa puso noong ipinanganak ko pa lang. Nakuha niya siguro kay Mama na pareho rin may sakit sa puso... Naroon na rin si Tati. Binilin muna namin sandali ang mga anak ko sa assistant niya at lumabas kami para pumunta sa bangko. Sinamahan niya ako hanggang natapos kaming mag-process. Malaking pera nga kaya medyo natanong pa kami. Pero ayos naman. Bumalik din kami agad sa ospital. Inayos ko 'yong bills ni Princess at pinalipat na rin ang anak ko sa private room. Hinawakan ni Tati ang kamay ko. "Magiging okay din si Princess." ngumiti siya sa akin. Tumango ako. Hindi nababawasan ang pag-aalala ko. Hanggang pinasok na nila ang anak ko sa operating room. Nagdadasal at naghihintay ako doon sa labas. Biglang bumalik sa akin ang mga alaala... "Russel, ano ba!" hindi ko napigilan ang paglakas ng tawa sa paghabol niya sa akin at pangingiliti. Napatakip ako sa bibig at umiwas pa rin sa kaniya. Nasa loob kami ng kinuha niyang malaking villa dito sa resort. Hindi na siya umuuwi sa mansyon ng Madam, ang Tiyahin niya na may ari nitong resort. Pagkatapos din ng trabaho ko na palagi siyang tumutulong ay dito na rin ako umuuwi sa villa niya. "Tama na!" tili ko. Para kaming mga tangang naghahabulan doon paikot-ikot lang naman sa kama. Nahuli niya ako. Ang malalaki niyang braso ay kumulong sa akin. Pabagsak siyang humiga sa kama kasama ako. Tumawa na naman ako nang kilitiin niya ang tagiliran ko. Nakahiga ang likod ko sa ibabaw ng katawan niya. Ayaw niya akong pakawalan. "Tama na..." nanghina kong sabi. Inikot niya ako at pinaharap sa kaniya. Nagkatinginan kami. Parehong may ngiti sa mga labi. Aaminin ko noong una ko siyang nakita nakaramdam na rin ako ng pagkagusto sa kaniya. Nga lang narinig ko rin sa mga kasama sa trabaho na playboy raw ito. At nakikita ko rin siya na nakikipaglandian sa mga guests nila sa resort. Ang sabi pa dati rin daw sa mga staff na kagaya ko. Kaya noong nilapitan niya ako ay umiwas ako. Guwapo nga siya pero ayaw ko naman ng babaero. Mukha lang naman 'yan. Iba pa rin 'pag loyal. Pero sobrang kulit niya. Sunud siya ng sunod sa akin. Pinapakialaman pa niya ang mga gawain ko. At kalaunan nakikita kong hindi na talaga siya lumalapit pa sa iba. Mukhang nasa akin na talaga ang atensyon niya. At ang hirap lalo noong napakilala ko na siya kay Lola tapos naging malapit na rin sila. Gusto siya ni Lola. "Iyang si Russel, nakikita ko na gusto ka talaga niya, apo." sabi sa akin ni Lola. Tiningnan ko si Russel na nagwawalis sa bakuran namin. Bahagya akong napatawa. Hindi naman marunong. Nilapitan ko na nga at inagaw sa kaniya ang walis. Pero ang kulit talaga. Nag-agawan tuloy kami hanggang sa naghabulan na bakuran ng maliit naming bahay ni Lola. Inangat niya ang ulo para maabot ang mga labi ko at mahalikan. Pumikit naman ako at dinama iyon. Hanggang naramdaman ko na sa likod ko ang lambot ng kama. "Russel," tawag ko. Bumaba na sa leeg ko ang halik niya. Umaawang ang labi ko sa sensasyon. "meron nga ako." paalala ko sa kaniya. Iyon ang rason kung bakit naghahabulan kami dito kanina sa loob ng villa niya. Pagkalabas ko kasi ng bathroom agad niya akong inatake at alam ko na ang gusto niyang mangyari. Ang hilig niya. Minsan nakaktulugan ko na lang sige pa rin siya ng sige. Ayaw niya akong tigilan. Kaya sumasakit din 'yong pagkakababae ko minsan kapag nasosobrahan. Isang beses nga kinailangan pa niya akong dalhin sa doktor. Buti 'di naman malala. Nasobrahan lang talaga kaya pagkatapos no'n nililimitahan na rin niya ang sarili. Sa dami siguro ng naging babae niya noon hindi na siya nakukuntento. "Patingin nga kung totoo," sabi pa niya ng pigilan ko siya kanina paglabas ko pa lang sa banyo. Ayaw pa maniwala. Kaya tinakbuhan ko tuloy siya. Pero nahuli niya pa rin ako. "Russel," tawag kong muli. Parang wala siyang narinig. Nanatili pa rin siyang humahalik sa leeg at dibdib ko. Binubuka ang labi niya para bahagyang masipsip ang balat ko. Hindi ko mapigilan ang mahinang pag-ungol. Iba talaga ang nagagawa niya sa katawan ko. Naramdaman kong bumaba ang isang kamay niya sa mga hita ko. Tapos sa gitna at dinama ng palad niya ang p********e ko. Alam kong naramdaman niya ang sanitary pad na suot ko doon. Para siyang nanghina sa ibabaw ko nang makumpirma niya. Napatawa naman ako. "Sabi ko naman sa 'yo," Hindi siya gumalaw. "Iyong kamay ko nalang," suhestiyon ko sa kaniya. Nagawa ko na rin iyon noon. Tinuruan niya ako. Itataas-baba ko lang 'yong kamay ko sa kahabaan niya tapos nalalabasan naman siya... "I want your pussy." diretso niyang sinabi. Tinampal ko naman siya sa balikat. Tumawa lang siya at niyakap ako ng mahigpit. "Kaz," natigil kami ni Russel sa paglalakad pabalik sa villa niya. Wala akong trabaho ngayong araw at nakapagpaalam naman ako kay Lola na hindi muna uuwi sa amin. Galing kami ni Russel sa restaurant at kakakain lang ng dinner. Buong araw kaming nag-enjoy sa mga activities sa resort. Tunuruan ako ni Russel sa ilang activities na ino-offer sa resort. Unang beses kong nagawa ang mga 'yon. Dito nga ako nagtatrabaho sa resort pero hanggang tingin lang naman ako sa mga ganoon noon. Nag-s-serve lang naman ako dito madalas. Bumaba ang tingin ni Kaz sa kamay namin ni Russel sa na magkahawak. Kaibigan siya ni Russel. Noon ko pa alam na ayaw niya sa akin... At parang may gusto siya kay Russel... Pero sabi naman ni Russel magkaibigan lang talaga sila. Nakaalis na sila noong nakaraan pa. Si Russel nalang ang naiwan dito. Hinarap ako ni Russel. "Mauna ka na sa villa. Hintayin mo ako doon. I'll just talk to her, okay?" Tumango naman ako at nauna nang naglakad. Iniwan sila doon. Umupo ako sa kama ng villa nang makapasok ako doon. Pero nang pakiramdam ko nagtatagal na si Russel lumabas ako para balikan siya. Naabutan kong nag-uusap... o parang nagtatalo sila ni Kaz. "What's with that girl? She's just a cheap-" "I said enough!" lumakas ang boses ni Russel. Natigilan ako doon at hindi natuloy sa paglapit. "Pustahan lang dapat natin! Wala sa usapan na-" si Kaz na natigilan nang hindi ko napigilang sumabat. "Pustahan?" nanginig agad ang mga labi ko nang unti-unti akong lumapit sa kanila. Maagap akong sinalubong ni Russel. "Babe, let me explain-" "Yes! Pinagpustahan ka lang namin. Tingin mo ba talaga gusto ka ni Russel-" "Shut up!" malakas na malakas na ang sigaw ni Russel kay Kaz na natigilan ito at napaatras. "Leave!" Walang nagawa si Kaz at mukhang natakot na umalis at iniwan kami doon. Nakaawang naman ang labi ko hindi dahil sa pagsigaw ni Russel kung 'di sa nalaman ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Sinalubong naman niya ang mga mata ko. "Baby," hinawakan niya ako. Nakita ko ang pag-aalala at takot sa kaniya. "Totoo ba..." unti-unti ang pagsakit ng puso ko lalo nang dahan-dahan siyang tumango. Bumagsak nalang ang mga luha ko. Mabilis niya akong niyakap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD