Prologue

1552 Words
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author. This story contains mature themes. Read at your own risk. Prologue "Doc, kamusta po ang anak ko?" agad akong napatayo nang lumabas ang doktor na tumingin sa anak ko. Umiling ito. "Kailangan na natin siyang operahan." Tumango ako sa doktor kahit hindi ko pa alam kung saan ako kukuha ng pera. "Gawin n'yo po lahat," halos umiyak na ako sa harap ng doktor. Tumango naman ito at nagpaalam na pupuntahan pa ang ibang pasyente. "A-Anak," nanginig ang boses ko. "Mama..." nanghihinang nag-angat siya ng isang kamay para abutin ako. Maagap ko naman iyong kinuha at hinawakan. Nadudurog ang puso ko habang nakikita ang sitwasyon ng anim na taong gulang lang na anak ko. Mahinang-mahina siya at maputla. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong matakbuhan na kamag-anak. Dahil ang tanging pamilya na kinalakhan ko, si Lola, ay matagal nang patay. Nang makatulog siya ay binilin ko muna sa nurses at isang Nanay din na nakatabi namin doon sa ward. "Akin na ang number mo para matawagan kita o mai-text. Ako na muna ang bahala sa kaniya." Tumango ako. "Salamat," nag-iwan din ang ng cellphone number ko. Tiningnan ko pa ang anak ko bago ako tuluyang umalis. Hindi ko rin kasi puwedeng pabayaan ang kapatid niya na iniwan ko lang sa kapitbahay nang isugod ko siya rito sa ospital. "Saan n'yo po dadalhin ang anak ko!" hinabol ko ang mag-asawang kapitbahay na pasakay na sasakyan nang naabutan ko. Iniwan ko lang sa kanila sandali si Prince. Sa kanila ko rin madalas iwan ang mga anak ko lalo kapag naghahanap-buhay ako. "Mama!" tumakbo rin sa akin ang anak ko nang makita ako at agad yumakap. Lumapit sa akin sila Aling Edna. "Jewel, pumayag ka na kasi na ipaampon sa amin ang anak mo. Tingnan mo nga 'yang sarili mo. Nasa ospital pa ang isang anak mo at may sakit. Kapag binigay mo sa amin si Prince matututukan mo pa si Princess. Alam mo namang hindi namin siya pababayaan-" "Hindi ko po ipinapaampon ang anak ko." Wala silang anak mag-asawa at noon pa gustong ampunin ang isa sa mga anak ko. "Jewel-" "Halika na, anak." hinila ko na ang anak ko palayo sa kanila. Nakasalubong naman namin si Tatiana nang pauwi na kami sa maliit na inuupahang bahay naming mag-iina doon. Kukuha lang ako ng ilang gamit at dadalhin ko na rin si Prince sa ospital. Mabuti na iyong magkakasama kami ng kakambal niya. Ang hirap na malayo sila sa akin. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako makapagtrabaho talaga. Walang titingin sa kanila at masyado pa silang bata. Hindi rin ako makahanap ng mas maayos na trabaho dahil ni hindi ako nakapagtapos ng High school. "Jewel," Hindi ko na namalayang sinundan pa pala kami ni Tati. Kilala siyang bugaw dito sa lugar. Noon pa niya ako sinasabihan at sinasamantala niya ang nakikitang sitwasyon namin ng mga anak ko. Kahit naman ganito lang ako ay ayaw ko rin ibaba ng ganyan ang sarili ko. Gusto kong maipagmalaki pa rin ako ng mga anak ko. "Jewel, sandali," habol niya sa amin na paalis na. Nagbuntong-hininga ako at binalingan ang anak kong walang alam. "Sandali, anak, kakausapin ko lang siya." Tumango naman ito at napangiti ako sa kabila ng lahat. Sila talaga ng kapatid niya ang nagpapalakas sa akin. Lahat na yata ng trabaho na puwede ay napasukan ko na. Naranasan kong maging labandera o katulong. Kahit ano para mabuhay ko lang sila. Nakakapag-ipon din ako kahit paano at na-enroll ko pa sila sa school. Kaso naubos din kay Princess dahil sakitin talaga siya mula nang ipanganak ko. At napapaalis din ako sa trabaho dahil hindi na halos ako pumapasok dahil kailangan din ako ng mga anak ko sa bahay. Ang hirap kasi nilang iwan nalang kung kanino. Wala rin akong mapambabayad kung kukuha ng magbabantay sa kanila. "Tati," hinarap ko siya. "Heto," inabutan niya ako ng pera. "Tati, hindi-" "Huwag mo nang tanggihan. Kahit papaano makatulong 'yan. Bakit kasi hindi ka pa pumayag na sa alok ko? Hindi naman 'to basta-basta, 'no. Bigatin ang mga clients natin. Malaki ang kikitain mo. Maganda ka, Jewel. Kaya pasok ka! Huwag mo nang iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Mas importante pa ba sila kaysa sa anak mo?" Tinanggap ko ang pera na binigay ni Tati. Bumalik na rin kami sa ospital at nakatulong iyong pera sa mga gamot na kailangan ni Princess. Nabilhan ko rin sila ng pagkain ni Prince. "Ang sarap, Mama." nakangiting sabi ni Prince matapos kumagat sa fried chicken na hawak niya. Malungkot akong napangiti, naaawa sa mga anak ko. Simula noong maliit pa sila ay naghihirap na kami sa buhay. Matagal nang dinudurog ng sitwasyon namin ang puso ko. "Kain ka pa," sabi ko at pinunasan ang gilid ng labi niya na may sauce. Suminghap ako hanggang sa tumalikod ng harap sa kanila para hindi nila makita ang pagluha ko. Naisip ko iyong sinabi ni Tati... Bahala na. Kaysa wala akong gawin at hayaan kong mamatay nalang dito sa ospital ang anak ko. Wala na akong pakialam. Mas mahalaga ang mga anak ko higit sa ano pa man. "Tati," Malapad ang ngiti niya sa akin. Sige na, ako na ang bahala sa mga anak mo. Ako na rin ang kakausap sa doktor. Huwag kang mag-alala. Basta pumunta ka lang sa client na ito. Tumango ako. Si Tati ang pinaka-may pera sa lugar namin. Laman din ng chismisan ng mga kapitbahay dahil nga sa gawain niya. "Sige na," binalingan niya ang mga inutusan na umasikaso sa akin. Sumama na rin ako sa kanila. Parang wala pa sa sarili. Amg sabi sa akin ni Tati ay noong isang araw pa raw niya na-post ang litrato ko doon sa private site nila. At may client na raw na naghihintay sa akin... Naligo, nagbihis at inayusan ako ng isang babae at baklang assistant ni Tati. Pagkatapos ay sumakay na kami sa sasakyan patungo sa isang mataas na building dito sa Maynila. Bumaba ako sa sasakyan at sumunod sa elevator paakyat. Sa pinakamataas na floor kami tumigil. Hanggang doon lang ang assistant ni Tati at bumaba na rin sila. Isang lalaki ang nagdala sa akin sa isang pinto. Sobrang lapad ng bahay. Maraming pinto para sa mga silid. Ang sala pa lang kanina ay malaki na. "Sandali," pigil ko sa lalaking mukhang bodyguard o ano nang nakita kong iiwan niya na ako doon. "Just enter," aniya at siya na ang pumihit sa pinto. Pagkatapos ay tuluyan na ako nitong iniwan. Suminghap ako at unti-unting binuksan ang pinto at pumasok. Nakababa lang ang ulo ko. Sunod na pumatak ang mga luha. "Look at you," Napaangat ako nang tingin nang marinig ang pamilyar na boses. Kita ko rin na bahagya pa itong nagulat nang makita ang mukha ko o ang mga luha sa pisngi ko. Pinunasan ko iyon. Ngumisi siya. "You were so hard to get then. Acting," diniinan niya ang salita. "hard to get. But look at you. You're a fucking escort now, huh? Ito lang pala ang gusto mo." lumapit siya sa akin. "Bakit pa ba ako nagtataka, noon ko pa napatunayan that you were a slut." halos idura niya iyon sa mukha ko. Nagtiim bagang naman ako. Ang gagong ito. Demonyo talaga. Bakit kailangan pang mag-krus muli ang mga landas namin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Iniwas ko naman ang mukha ko pero mariin niyang hinawakan ang baba ko na ininda ko ang sakit. Pero wala siyang awa. Hayop. "Gusto mo ba 'tong ginagawa mo?" mariin niyang tanong. Kita ko halatang galit sa mga mata niya. Ang mga mata niyang minsan kong minahal... "Wala kang pakialam-" pero ininda ko lang muli ang sakit nang hinila niya ako at halos itapon sa kama. Nang umahon ako ay nakita kong nagkakalas na siya ng mga suot niya. Nag-iwas ako ng tingin. Narinig ko ang tawa niyang sa demonyo talaga. "As if you haven't seen this." naramdaman ko siya sa tabi ko at pilit niya akong pinaharap sa kanya. Masakit ang hawak niya sa akin pero tiniis ko at tinapangan nalang ang mukha. Mabilis niyang inatake ang mga labi ko at pinaibabawan ako sa kama. Nanlaban pa ako kahit wala rin naman akong magagawa. Kliyente siya at ilang beses pinaalala sa akin ni Tati na kapag nagreklamo ang client at hindi nagbayad ay ako ang magbabayad sa kanila. Kaya parang namanhid nalang ako habang bumababa ang halik niya sa leeg ko at sinisira niya ang damit ko. Pilit niya akong pinabangon at pinisil ang magkabilang pisngi ko para bumukas ang bibig ko. Pagkatapos ay sunod niyang pinasok sa bibig ko ang ari niya. "That's it... Do it like the whore that you are." Nagpaubaya ako. Ginawa ko nalang ang lahat ng gusto niya. Matatapos din ito... Mapapagamot ko rin si Princess at gagaling na ang anak ko. Silang dalawa ng kambal niya ang pinaka-importante sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD