PART 3

1086 Words
Biglang bangon si Jeff. Pagmulat kasi ng mga mata nito ay napansin agad nitong wala sa higaan ang ibang mga pinsan. ... Si Lyn, Leah at si Jules! "Nasa'n sila?" kinabahang tanong nito sa isip. Dahan-dahang inalis nito ang paa ni Belen na nakasampay sa isang paa nito para makabangon ito ng tuluyan. Hahanapin nito ang tatlo! Mahirap na! "Bakit wala sina Leah at Lyn?" mahinang boses ni Ana, nagising na rin pala. Pupungas -pungas itong umupo. Naramdam naman ni Belen ang paggalaw ni Ana, kaya nagising na rin ito. "Dito muna kayo. Titingnan ko kung 'asan sila," ani Jeff sa dalawang dalaga. Binuksan nito ang pinto ng kuwarto na gawa sa kawayan. Bahay kubo lamang ang bahay ni Nana Gwada, pero isa man sa kanila ay walang nagreklamo. Kahit ibang-iba ito sa bahay nilang kinagisnan sa Maynila, wala na silang naging pakialam. Sa sitwasyon nila, laking pasalamat na nila kay Nana Gwada dahil pinatuloy sila sa munting bahay nito. Mag-isa lang daw ang matanda rito sa bahay kubo, kaya kahit anim sila wala raw problema. Sa kwento ni Nana Gwada kahapon, napag-alaman ng magpipinsan na mag-isang anak ni Nana Gwada 'yung namatay. Na iyon nga, si Mang Cardo. Kaya ito na lang mag-isa ngayon daw. May anak naman daw si Mang Cardo, pero ilang taon na ang lumipas nang huling makita ni Nana Gwada. Sa tagal na nga'y hindi na alam ni Nana Gwada ang hitsura ng anak ni Mang Cardo kaya napagkamalaman nito si Jules na ito na ang apo nito. Nagbakasakali lang daw na sumulat sa Maynila ang matanda, sa dating address na iniwan ng asawa ni Mang Cardo noon dito. At hindi nito inakalang matatanggap naman daw ito ni Jules. Laking pasalamat ng matanda at dumating si Jules. Nakaramdam ng guilt ang magpipinsan sa mga kwento ng matanda. Ngunit pinanindigan pa rin ni Jules ang pagpapanggap. At wala na silang nagawa pa. "Sama na lang kami!" Bangon agad ang dalawang dalaga. Sumunod sila kay Jeff. Nadatnan nila si Jules na nakaupo sa isang lumang monobloc na upuan, naglalaro ng ipad sa tabi ng kabaong. "Jules, sina Lyn at Leah? 'Asan sila?" agad na tanong ni Jeff sa nakitang pinsan. Nag-angat ng ulo si Jules. "Naghanap sila ng signal ng phone para makatawag." "Eh, ikaw anong ginagawa mo riyan?" bungisngis na tanong ni Ana, kanina pa natatawa sa hitsura ng pinsan. Pinipigil nila ni Belen na huwag tuluyang matawa. "Pinanindigan mo na talaga ang pagiging anak ng patay na 'yan, ah?" pang-aasar pa lalo ni Ana. Napangiti na rin si Jeff. "Baka kasi bumangon ang tatay niya mula riyan sa kabaong kaya binabantayan niya ng maigi! Hahahaha!" dagdag pa ni Belen. Nag-apiran sila ni Ana. Tuwang-tuwa ang dalawa sa pang-aasar sa pinsan. "Kayo tigilan niyo ako, ah! Dapat nga pasalamat kayo sa'kin dahil nakatulog kayo at nakakain ng maayos dito! Hindi 'yung nasa gubat tayo!" asar talong sabi ni Jules. "Tama na 'yan! Baka may makarinig pa sa inyo!" awat ni Jeff sa mga pinsan. Lumapit ito sa kabaong at tiningnan ang bangkay sa loob. Hindi naman nakakatakot ang hitsura. Parang hitsura lang ng mga namatay na nakikita nito. Pansin lang ni Jeff na maraming peklat ang mukha ni Mang Cardo. Saglit pa'y napangiwi ang binata. May naamoy kasi itong hindi maganda. Nabubulok na yata ang bangkay! "Namatay raw 'yan sa bangungot. Hindi na nagising." Pagbibigay alam ni Jules. Napatingin ang tatlo sa nagsalita. "Akala ko pa naman aksidente. Kasi ang dami niyang peklat sa mukha, eh," kunot-noong turan ni Jeff. "Akala ko nga rin kagabi pero sabi ni Nana Gwada bangungot daw. Lasing daw siya nang umuwi no'ng isang araw. Ayun hindi na nagising no'ng natulog," dagdag pa ni Jules. "Baka nakalimutan niyang huminga?" Sinundan ng tawa ni Ana ang joke nito. "Ikaw talaga Ana, 'yang bunganga mo nga!" saway ni Jules sa dalaga. "Nakakahiya kay Nana Gwada 'pag marinig ka!" Nagtakip ng bunganga si Ana. "Sorry naman!" "Pero may naaamoy ba kayo? Mukhang bumabaho na 'yang bangkay?" sabad ni Belen. "May naamoy na, mukhang kailangan ng ilibing!" "Oo nga! Sabagay, sa layo ba naman ng lugar na 'to, imposibleng may makarating na embalsamador." Nagpunas ng ilong na ani Ana. "Mga insan!! Jeff!! Ana!!..." Bigla ay dinig nilang humahangos na boses ni Leah mula sa labas. Apurang lumabas ang apat. Kapwa mga nag-alala sa pagsisigaw ni Leah. "Umalis na tayo rito! Umalis na tayo!" paulit-ulit na sabi ni Leah nang makita sila. Humihingal pa ito gawa ng pagtakbo nila ni Lyn. Kunot-noo ang apat. Hindi maintindihan ang nangyayari sa dalawang pinsan. Pinaupo nila ang mga ito para mahimasmasan. Kumuha ng tubig si Belen at ipinainom. "Umalis na raw tayo rito, sabi niya!" umpisa ulit ni Leah. "Sabi nino?!" takang tanong ni Belen. Hindi kasi malinaw ang sinasabi ni Leah. "Sabi ng lalaking nakita namin doon!" sagot ni Leah sabay turo sa malayo. "Mapanganib daw kung magpapatuloy tayo sa ginagawa natin!" Nanginginig ang mga kamay nito na inabot ulit ang baso ng tubig saka ininom. Lalong naguluhan ang lahat. "Tinakot lang siguro kayo," ani Jules. Iiling-iling na bumalik ito sa loob. Naalalang may binabantayan pala itong naiwanan. Nag-alala na baka dumating bigla si Nana Gwada. Wala na kasi 'yung mga nakikilamay, mga nag-uwian muna. Sunod-sunod na umiling si Leah. Si Lyn tahimik lang na inaalalayan ni Ana. "Baka ganoon na nga, pinag-trip-an lang kayo ng lalaking 'yon kasi alam niyang mga dayo kayo sa lugar na 'to," sang-ayon ni Jeff kay Jules. Tinapik-tapik nito ang likod ni Leah para mawala ang takot nito. "Pero seyoso siya! Kapag hindi raw tayo umalis pa rito ay baka saktan niya tayo! Hindi raw natin alam ang kayang gawin sa 'tin ni Mang Cardo! Kaya umalis na tayo rito!" Hestirikal na rin Lyn, diretso ang mga mata nito sa malayo habang sinasabi iyon. Mukhang ito ang masyadong naapektuhan sa mga sinabi ng lalaki dahil natutulala na. "Mamatay raw tayong lahat kapag hindi pa tayo umalis!" Lumingon ang lahat kay Lyn. Pati man si Jules na naririnig ang usapan kahit na nasa loob ng bahay. "Eh, tarantado pala 'yong lalaking 'yon, eh! Tinatakot lang kayo n'on! Paano naman tayo sasaktan ng patay na 'to?! Ni hindi nga 'to makapalag na kasi bangkay na! Nagpapaniwala naman kayo do'n!" Tapos ay galit nang sabi ni Jules. Umakto pang susuntukin ang kabaong sa inis. Badtrip na ito sa lalaking kinukwento ng dalawang pinsan. Natahimik ang mga nasa labas. Hindi maitago ang konting takot na naramdaman sa mga tinuran ni Lyn at Lean. Parang mas naniniwala sila sa lalaki keysa kay Jules.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD