PART 6

519 Words
"Leah! Leah! Gising!" Narinig ni Leah na tawag sa kanyang pangalan ng isang pinsan sabay yugyog sa kanyang balikat. Nagtigil lang si Ana nang makita na nito nagmulat na ng mga mata si Leah. Napabalikwas si Leah, luminga-linga. Nasa loob na ulit sila ng jeep. Seryoso ang mga mukha nang mga pinsan na nakatingin kay Leah. Para kasi itong may mga kinakatakutan. Segundong bumalik sa ala-ala ni Leah ang nangyari sa gubat kanina. Nakahinga ito ng maluwag dahil salamat, salamat at panaginip lang pala 'yon! "You okay?" worried na tanong ni Ana sa pinsan. Tumango si Leah. Pero kumunot ang noo nito nang nakita nitong may kung anong ginagawa ang dalawang lalaking pinsan nila sa labas ng jeep kasama ang driver. Lumingon ito sa mga babaeng pinsan na kasama nito sa loob ng jeep, patingin-tingin din ang mga ito sa labas. "Bakit tayo tumigil?" and she asked. "At bakit sila nasa labas? What ther are doing?" "Paggising namin kanina ay nakita na lang namin na may problema si mamang driver," sagot ni Ana. "Patay na raw si Boknoy." "Huh?!" Gimbal si Leah. Nayakap nito ang sarili dahil naalala nito 'yung nangyari sa panaginip nito na namatay si Boknoy. Malungkot na bumalik sina Jules at Jeff sa jeep. "Anong nangyari kay Boknoy? Is he dead talaga?" tanong agad ni Belen sa dalawang binata. Jules nodded. "Hindi nga rin alam ni driver if anong nangyari. Ang sabi, gaya natin tulog lang naman daw si Boknoy sa tabi niya kanina. Umuungol lang saglit tapos bigla na lang daw nangitim," kwento pa nito sa kwento rin sa kanila ng driver ng jeep. "Meaning nabangungot?" sambit ni Ana. "Baka na-stroke naman?" nakangiwing hula ni Lyn. "Ang weird nga, eh, dahil sabi ni kuya driver, lahat daw tayo ay umuungol habang tulog. Kaya ginising niya ako agad. Ginising ko rin si Jeff," dagdag kwento pa ni Jules. Napakislot si Ana. May kung anong kakaiba na pumasok sa isipan nito. "Belen, anong napanaginipan mo kaninang tulog ka?" pagkuwa'y seryosong tanong nito sa katapat na pinsan. "Ang creepy, eh," sagot ni Belen. "Magkakasama raw tayo sa gubat. Tapos nawawala si Leah. Noong una kasama natin si Boknoy, tapos biglang nawala. Hinanap natin si Leah tapos natagpuan natin siya na kasama niya 'yung pugot na ulo ni Boknoy. 'Di ba nakakatakot? Para ngang totoo, eh?" Namutla ang lahat sa kwento ni Belen. Si Jules naihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Then paalis na tayo nang may nahulog sa ulo ko... 'Y-yung kalahating ulo ni Boknoy!" saka pagtutuloy nito sa kwento ni Belen. Napanganga si Belen. "Gano'n nga! How did you know?!" "Hindi maari ito!" sambit ni Leah. Hindi makapaniwalang nasapo nito ang ulo. "Gano'n din ang panaginip ko! Gosh!" mahinang sabi rin ni Ana. Napayuko ito, gustong itago ang takot na nararamdaman. "Ako rin, eh!" pinagpapawisang sunod na sabi rin ni Lyn. Palipat-lipat ang tingin nito sa mga pinsan. Naguguluhan. "I-ibig sabihin nasa... n-nasa iisang panaginip tayong lahat kanina?!" naliwanagang sabi ni Jeff. Kinukuskus ang dalawang palad nito sa nadamang tensyon. Nagkatinginan sa isa't isa ang magpipinsan. Ramdam nila ang matinding takot sa hindi maipaliwanag na nangyaring iyon..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD