PART 7

646 Words
Tanghali na nang makarating ang magpipinsan sa Maynila. Sa bahay nina Leah i-dineretso ni Jeff ang jeep. Doon kasi ang sinabi nilang address na pagkuhanan sa jeep na pinahiram ng driver dahil nagpaiwan na ito gawa nang nangyari kay Buknoy. Nakatawag na rin kanina si Leah sa kanilang bahay nang mapansing nagkaroon na ng signal ang dalang cell phone bago ma-lowbat. Kaya ando'n na lahat ang kanilang pamilya na nag-aantay sa kanila. Naging madrama ang kanilang magulang nang makita na sila. Mahigpit silang niyakap. Nag-iyakan ang lahat. May mga pulis din na nag-abang sa kanilang pagdating pero umalis din ang mga 'to nang makitang maayos ang kanilang kalagayan. Pina-blotter daw kasi ng kanilang mga magulang ang kanilang pagkawala. Sa kasiyahan, saglit na nakalimutan ng magpipinsan ang kanilang problema. Sa piling ng kani-kanilang mga magulang, kampante na ang kanilang pakiramdam. Kanya-kanya sila kwento. Binalot ng ingay ang buong bahay nina Leah. Gayunpaman, bumalik sa ala-ala ni Jeff ang nangyari. Kaya bago pa man magyaya ang kanilang mga magulang na umuwi na ay tinipon nito ang limang pinsan sa kuwarto ni Leah. "Ano 'to meeting?" biro ni Lyn, maaliwalas na ang mukha. "Mga insan, hindi porke't andito na tayo, eh, kakalimutan niyo na ang nangyari," umpisa ni Jeff. Isa-isang pinasadahan nito ng tingin ang lima na willing namang makinig sa sasabihin nito. "Sa nangyari kay Buknoy kanina, hindi imposible na mangyari rin sa 'tin 'yon. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon, pero siguradong may kababalaghan nangyayari. Mamayang gabi bago kayo matulog siguraduhin niyong may katabi kayo, para kung mangyari man ulit ang nangyari kanina may gigising sa inyo mula sa bangungot. Mabuti nang mag-ingat. Naintindihan niyo ba ako?!" Muli sinakluban ng takot ang lahat. "Mamayang gabi natin malalaman kung may connection nga sa panaginip natin ang pagkamatay ni Buknoy," sabi pa ni Jeff. *** Ilang oras na ang lumipas nang umalis na sa kanilang bahay ang mga pinsan. Nasa kuwarto na nito ulit si Leah. Pinagpapahinga na ito ng Mommy at Daddy nito, ngunit ilang minuto na itong nakahiga ay hindi nito magawang pumikit. Natatakot ang dalaga na matulog, lalo pa't wala itong katabing matulog. Pinakiusapan nito naman ang nag-iisang kapatid kanina na tabi silang matulog pero umangal 'to. Hindi naman nito masisisi ang kapatid dahil gaya nito ay hindi ito sanay na makitulog sa may kuwarto ng may kuwarto. Nagpabiling-biling si Leah ng higa. Hindi talaga makatulog ang dalaga. Naiisip nito paano kung maulit nga ulit ang nangyari kanina? Paano kung tama ang sinabi ni Jeff? Hindi na nito kakayanin 'pag makakita ulit ito ng gano'n. It's unbelievably crazy! Kinuha ni Leah ang cell phone nito sa side table. Tatawagan nito ang mga pinsan. Number ni Ana ang unang lumabas sa phonebook, kaya lang ring lang nang ring ang kabilang linya. Ganundin ang phone ni Belen. Si Lyn at Jeff out of coverage area naman. Siguro mga tulog na. I-da-dial na ni Leah dapat ang number ni Jules nang may um-appear na calling sa screen ng cell phone nito. Number ng hindi nito kilala ang tumatawag, hindi kasi ito naka-save sa phonebook. Alinlangan man ay pinindot ng dalaga ang recieve button. "Hello?" she answered. "Bakit 'di ka pa natutulog?" boses lalaking sagot sa kabilang linya. "Who are you?" takang tanong ni Leah. Hindi rin kasi nito mabosesan ang tumatawag. Saka anong klaseng tanong 'yon? Tot-tot-tot! Subalit bigla ay tanging narinig na lang ni Leah sa earpeace ng cell phone. Meaning pinatay na ang tawag sa kabila. "Sino kaya 'yon?" usal nito sa saril. Ilang minuto ring binagabag ng misteryosong caller ang dalaga. Hanggang sa hindi na nito namalayan ang kusang pagpikit ng mga mata nito at tuluyang nakatulog. May bumangga sa likod si Leah. Napamulat ng mata ang dalaga. "Leah, thank God at andito ka na rin!" Niyakap ito ni Lyn. Takot na takot ang pinsan. Ramdam ni Leah ang panginginig ng buong katawan ni Lyn.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD