Pumasok kami ni travis sa school ng sabay at magkahawak ang aming mga kamay, hindi ko naman mapigilan ang mapayuko dahil sa hiya. Ang alam kasi nila ay si Asher ang nanliligaw sa'kin ngayon at hindi si travis. Kaya iba't ibang komento naman ang naririnig ko bawat madaanan namin. "T-travis bitawan mo na kaya yung kamay ko? Hindi niya ko sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Makakasalubong naman namin sina asher, clifford at jerome kung kaya't binawi ko kagad ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak na siya namang tinitigan ako. Huminto naman kami at binati ako ni asher. "Hi saphire! "H-hi" nahihiya ko namang bati sa kanya. "Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni saphire ah" nakangiting turan ni asher kay travis samantalang si travis ay nanatiling tahimik at nakatitig lang kay clifford.