Ano!? Sigaw sa'kin ng dalawa kong kaibigan na si marky at jennica, nandito kami ngayon sa pool at katatapos lang magswimming, at nakaupo na lang sa gilid ng pool. "Kailan pa!? At saka pano na si fafa asher? Anong sabi niya? Sunud sunod na tanong sakin ni marky. "Di ba sinabi ko naman sa inyo yung plano ko? "Oo nga gurl pero bakit parang ang bilis naman? Saka hello! Walang ligaw na naganap? "Nanligaw naman siya jen nang hindi natin alam, sabay tingin sa'kin ni marky ng makahulugan. "Tigilan niyo nga akong dalawa ha! "Ayaw mo naman kasing magkwento pano ba kasi naging kayo!? "Ikaw gurl ah naglilihim ka na sa'min! Kunway pagtatampo ni jennica. Magsasalita na sana ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko naman ito sa ibabaw ng lamesa at nagulat ako kung sino ang tumatawa