FIRST LUNCH

1943 Words
"Grabe napaka swerte naman niya!! Asher Craig yun mga girls! "Naku kung ako ang yayayain niya wala ng paligoy ligoy pa" hindi na ko magpapakipot pa" "Saphire Altamirano pa ang natipuhan niya one of the prettiest here in campus, at kilalang manhater, kawawang Asher kung mababasted kagad, "Si Asher na lang ulit ang nangahas na lumapit aa kanya" Mga ibat ibang komentong naririnig ko habang tinatahak namin ang hallway papunta sa aming silid. At nang makarating na kami sa aming silid hinarap kagad ako ng aking dalawang makulit na kaibigan habang nakaupo ako at nakapamewang sa aking harapan. "Miss Saphire Altamirano, pumayag ka na sa date niyo mamaya ni Asher kahit ngayon lang! Pilit sakin ni jennica na hindi inaalis sakin ang tingin, "Anong date ang pinagsasabi mo jan!? hindi yun date ok! "E anong tawag mo dun bakla? Date date-an?? sabay irap ng bakla kong kaibigan, "Alam mo bakla magenjoy ka naman paminsan minsan, iparanas mo sa sarili mo ang ligawan, juskoo ang ganda ganda mo at ikaw ang kinaiinggitan ng mga kababaihan dito sa buong university! sobrang ganda mo daw pero walang jowa! sabay tawa at apir ng dalawa niyang kaibigan. maya maya pa ay may narinig silang ingay sa labas ng kanilang silid at may mga estudyanteng nakikiusyoso. kaya dali dali silang tinignan kung ano ang kaguluhan sa labas.. "bagay lang sa kanya yan tatanga tanga kase eh" "naku anak pa ng presidente ng school ang binangga niya" mga naririnig nila sa mga estudyante habang tinitignan nila kung ano ang nangyayaring, nang makita nila kung sino ang tinutukoy nila, laking gulat na lang nilang tatlong magkakaibigan na si ruby ay nakaluhod na sa harap ng isang lalaki at nakapalibot sa kanya ang apat pa niyang kaibigan. lalapitan sana ni saphire ang kawawa niyang ate ng bigla siyang hawakan sa braso ni jennica para pigilan. "gurl wag! baka mapahamak ka at isa pa walang nakakaalam na magkapatid kayo, bulong ni jennica sa kanya. "pero jen c ate! hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang sumigaw yung lalaking nakabangga ng ate ruby niya.. "Ang sabi ko halikan mo yung sapatos ko kung gusto mong patawarin kita!! sigaw ng lalaki na nagngangalang Clifford, siya ang anak ng presidente ng school at isa din sa kinatatakutan sa buong university "pa-pasensya ka na hindi ko sinasadya" nanginginig na sabi ni ruby habang nakaluhod ito sa harap ni clifford at nakayuko.. hindi na nakayanan ni saphire ang mga nakikita niya na ginagawa sa ate niya kaya napagpasyahan na lang niya pumasok sa loob ng kanilang silid at simulang kunin ang cellphone niya at maglagay ng headset para hindi na niya marinig pa ang mga susunod na mangyayari. RUBY POV Habang naglalakad siya papunta sa kanyang silid ay hindi niya napansin ang lalaking nakabunggo niya at naapakan pa niya ang sapatos nito. "pasensya na po hindi ko po sinasadya nagmamadali na po kasi ako papunta sa klase ko" hingi niya ng tawad na hindi man lang sinusulyapan kung sino ang nabangga niya. Nang magsalita ang lalaki saka lang niya ito tinignan at laking gulat niya pa kung sino ito. Si Clifford lang naman! ang dakilang hari ng pambubully at isa din siya sa mga kinatatakutan ng mga estudyante don at dahil anak din siya ng presidente ng paaralan nila. "Bulag ka ba ha?? ! sigaw ni clifford sa kanya kaya napatingin na rin sa kanya ang maraming estudyante sa hallway. pagkasabi ni clifford nun ay lumuhod kagad siya sa harap nito.. "pasensya na po talaga hi-hindi ko sinasadya" mangiyak ngiyak niyang sabi sa kaharap.. "dahil sa nadumihan mo ang sapatos ko halikan mo ang sapatos ko! gulat na gulat siya sa sinabing yun ni clifford, ng hindi pa niya ito ginagawa bigla siya nitong sinampal kaya tumilapon ang suot niyang salamin dahil sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya.."Ano gagawin mo na ba o sasampalin pa ulit kita?! galit na galit na sabi ni clifford sa kanya. para matapos na ay gagawin na nito ang gusto ng lalaki,. nang malapit na nitong halikan ang sapatos ni clifford bigla na lang may humawak sa balikat niya na ang ibig sabihin ay itigil niya ang gagawin niya. Nagulat siya ng maaninag niya kung sino ito. Siya lang naman si TRAVIS BLAKE! ang isa din sa mga kinababaliwan ng mga estudyante sa campus dahil sa taglay nitong kagwapuhan. mabait din ito ngunit suplado sa mga babaing naghahabol at nagpapakita ng interes sa kanya. "travis my friend! what brought you here? sabi ni clifford ng nakangisi sa kanya. kaibigan niya to? sabi niya sa? kanyang isipan, gulat na gulat siya habang nagpapalipat lipat ng tingin sa dalawang binatang kaharap niya. at maya maya pa'y inalalayan siya ni travis upang makatayo na. "You can go now sabi ng binata sa kanya na hindi man lang tinatapunan ng tingin at nakatitig lang kay clifford. "Sa-salamat" pagkasabi nun ay tumalikod na kagad siya at kinuha ang salamin niya na tumilapon kanina. THIRD PERSON POV "Nang nakaalis na si Ruby saka lang nagsalita ulit c travis. "what happened cliff? seryosong tanung nito sa kaibigan, "Come on travis I'm the one you ask you that damn question! What happened to you travis? its not like you! sabay duro nito sa kaibigang si travis. "Well I dont like being like you anyomore cliff! natigilan sandali si clifford at maya maya ay hinarap ulit niya ang kaibigan. "is that so my dear friend travis? well, I'm not done yet, alalahanin mo may utang ka pa, kayo ng pamilya mo na kailangan pang bayaran, pagkasabi non ay tinalikuran na niya si travis kasunod ng apat nitong kasama. Magkababata silang dalawa, at dahil na din sa pamilya ni clifford ay muling nakabangon ang negosyo nila na palugi na, magkaibigan at magkasosyo sa negosyo ang kanilang mga magulang dahil unti unti ng bumabagsak ang kanilang negosyo tinulungan ito ng mga magulang ni clifford at dahil malaki ang utang na loob nila dito naging sunud sunuran siya sa mga pinagagawa at kagustuhan ni clifford kahit labag sa kalooban niya. mabait naman ang kaibigan niya noon pero bigla na lang itong nagbago simula nung ng college sila sa hindi niya malamang dahilan. pero para sa kanya siya pa rin ang ngiisa niyang kaibigan at balang araw ay babalik ulit sila sa dati kung ano sila noon. "Hoy baklaaa!! sigaw ni marky papunta kay saphire at pagkatapos ay tumabi ito sa kanya, "Ano ba yun para kang kiti kiti dyan! iritang sabi naman niya sa kaibigan, "grabe hindi ka maniniwala bakla, excited na kwento ng kaibigan sa kanya, "si travis blake pinagtanggol ang ate mo kanina,. "Oo nga gurl kitang kita namin kung panu magsagutan si travis at clifford kanina, sabat naman ni jennica na tumabi na rin sa kanya sa upuan.. "Totoo? si travis mismo pinagtanggol si ate?! hindi makapaniwalang tanong niya sa mga kaibigan. "oo bakla! para tuloy siyang naging knight in shining armor ni ate ruby mo, habang kinikilig kilig pang sabi ni marky. "wag ka nga maingay dyan baka marinig pa nila ang tungkol samin ni ate. "mabuti naman kahit papano may nagtanggol sa kanya, malungkot na sabi ni saphire sa kanyang mga kaibigan.. "wag kang magalala gurl malay mo si?travis maging kaibigan niya at tagapagtanggol na rin di ba? "Imposible yun jen kasi lalo siyang bubullyhin ng mga estudyante dito heart throb kaya yon dito, "Tama si marky jennica baka lalo lang mapahamak si ate kapag naging malapit silang dalawa..sabay buntung hininga niya.. Natapos ang 2 nilang subject napagpasyahan nilang tatlong magkakaibigan na sa canteen na lang maglunch, kadalasan kasi sa labas sila ng campus kumakain dahil ayaw ni saphire ng masyadong maingay. Paglabas nila ng classroom nila agad nabungaran ni saphire si Asher na naghihintay sa kanya at nilapitan kagad siya ng binata pgkakita sa kanya. "Hi saphire! nakangiting sabi ng binata sa kanya, "anong ginagawa mo dito sa building namin? "Aaahmm napagisipan mo na ba? "ok na pogi pwede siya ngayong lunch, sabat ni marky sabay tulak nito sa binata, "o sige bakla mauna na kami ni jennica ah, magenjoy kayo ni asher sa lunch date niyo, pagkasabi non ay iniwan na siya kagad ng mga kaibigan niya na gulat na gulat at hindi na siya hinintay makapagsalita."humanda kayo sa kin mamaya! mahina niyang sabi sa sarili. "So lets go? yaya na ng binata sa kanya ng makaalis na ang mga kaibigan niya, "San mo gusto kumain? baling ng binata sa kanya na hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mga labi niya. "Sa canteen na lang tayo" pagkasabi non ay nauna na siyang maglakad papuntang canteen. Nang makarating na sila sa canteen takang taka naman silang tinitignan ng mga estudyante don, at yung iba naririnig pa niyang ngbubulungan. "si saphire ba yan?? Kala ko tomboy siya at wala balak makipagdate "grabe bagay na bagay pala talaga sila gwapo at maganda" "sila na ba? kaya pala ayaw magpaligaw sa iba kasi si Asher pla ang target" "ang swerte ni asher isa sa pinaka maganda dito sa campus natin ang girlfriend niya" isa lang yon sa mga naririnig niya sa mga estudyante na nasa canteen, pero kahit na ano pang sabihin nila wala naman siyang pakialam Pumwesto sila ni ashton sa pinaka dulo na wala masyadong estudyanteng nkaupo, para hindi na rin agaw eksena, kumakain na silang dalawa nang matanaw niya ang ate ruby niya sa di kalayuan na kumakain magisa, maya maya ay bigla syang nilapitan ng tatlong babae na at tawag sa kanila karamihan ng mga estudyante ay "mean girls" maya maya pa ay biglang binuhos ni avery, lider ng mean girls ang juice na dala niya sa pagkain ni ruby, "ai sorry nerdy ah! marumi na kase yung juice ko eh, sabay tawa din ng dalawa niyang kasama, "sa tingin mo ba nakaligtas ka na kay clifford? well nagkakamali ka! at wag kang makalapit lapit sa travis namin! kung ayaw mong masaktan! akmang sasampalin pa sana niya si ruby ng biglang padabog na ibinagsak ni saphire ang hawak niyang kutsara at tinidor kaya napatingin sa kanya ang mga estudyante, nakatayo na si saphire ng harapin niya c avery, kinakabahan naman si ruby sa posibleng gawin ng kapatid "Enough avery!! pasigaw na sabi niya dito, gulat na gulat naman na nakatitig si ashton sa kanya at hinihintay pang magsalita siya, "pwede bang sa labas niyo ba lang ituloy yan?! I want to eat my lunch peacefully!! hindi na ko makakain ng maayos sa inyo kasi ang ingay ingay mo! pagkasabing yun ni saphire binalingan naman siya ni avery na nakataas ang isang kilay, "ano bang pakialam mo?! ikaw ba ang mayari ng school na to ha?! mataray na sabi ni avery. "hindi nga ako ang mayari pero kayang kaya kita ipaexpell ora mismo dito, Ako lang naman si saphire altamirano, you know my dad right? you want me to introduce my dad to you? hindi makapagsalita sila avery sa sinabing yun ni saphire at dali dali silang umalis kagad ng canteen, at matapos ang eksenang yun, pasimpleng sinulyapan niya ang ate niya na may halong pagaalala at awa, napansin naman yun ni ashton, kaya tinanong siya ng binata. "kilala mo siya? "h-huuuh?! ah hindi, nauutal na tanggi niya kay ashton, "sa nakikita ko kase parang kilalang kilala mo siya, "hindi ko siya kilala okay!?sabay irap nito pagkasabi non. o siya sige na po kumain ka na baka kase sa galit mo ako pa makain mo, natatawang biro naman ni ashton sa dalaga.. "hindi nakakatawa! ang cute cute mo talaga pag nagagalit ka, ngingiti ngiting sabi ni ashton.. –NEXT UPDATE PO SA MONDAY NA ULIT? paki follow na lang po aq MISS A is my username.. please support my story at sana magustuhan niyo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD