BULLY

2659 Words
“Good mooooorning my beloved Family!!! “ masayang bati ni saphire sa knilang mama, papa at ate ruby niya habang naglalakad siya papunta sa kanilang malaking dining area, ang kanilang mga magulang ay may-ari ng malalaking kumpanya at mga hotels sa ibat ibang panig ng bansa c ruby ay nasa third year college at tourism ang kinukuhang kurso, samantalang c Saphire naman ay Business Administration naman ang kinukuhang kurso na nasa second year college. Sa kabila ng pagiging busy ng kanilang mga magulang ay ni minsa'y hindi ito nagkulang sa kanilang magkapatid mahal na mahal sila ng mga ito. Ang kanilang ama ay strikto sa kanilang magkapatid lalong lalo na kay saphire dahil alam nito na marami ang nagkakagusto sa kanya dahil sa taglay nitong ganda, pero ito ay isang mabait at mapagmahal na ama. Ang kanila namang ina ay suportado kung ano naman ang gusto ng kanilang mga anak at higit sa lahat KALOG, hindi mapaghahalataang ina nila ito. “O hija halika na dito at kumain kana at pinagluto ko kayo ng mga paborito niyong pagkain”, masayang bati ng kanilang ina, humalik naman sa pisngi ng kanyang ina at ama sabay naupo na katabi ng kanyang ate ruby. “hi ate! Bati nmn niya sa kanyang ate na busyng busy sa pagkain niya, “Hi Sis! Mukahang ang saya saya mo ngaun ah! Sabay ngiti nito sa kanyang kapatid, always naman ate noh. Kumusta ang school ate? Ganun pa din sila sayo? Bulong niya sa kanyang ate habang busy Ang kanyang mga magulang sa pinaguusapan nito dahil sa negosyo. Ang tinutukoy nito ay ang araw araw na pambubuly nito sa kanya, “O-okay lang ako sis, wag mo ko alalahanin sanay na naman ako eh, malungkot na sabe ng ate ruby niya at nagpatuloy na lang sa kanyang kinakain, “ikaw bunso kumusta ang pagaaral mo? Maya maya tanung ng kanyang ama habang naghihiwa ng steak, “ayos lang naman po Dad ang dami nga lang naming projects ngayon kaya gabi gabi din akong puyat” habang ngingiti ngiting reklamo niya sa kanyang ama, o baka naman napupuyat ka sa kakachat sa mga admirer mo ha Saphire Altamirano”? Naku Dad c Saphire magpupuyat sa mga manliligaw niya?? Halos kulang na nga lang pagsisipain niya mga yon hindi pa man nakakapag paalam kung pwedeng manligaw, sagot ng ate Ruby niya habang natatawa. Sabihin mo lang saken anak kapag ginugulo ka ng mga yon at ipaliligpit ko kagad sila, “hon seryoso ka ba dyan sa sinasabi mong yan? Gulat na gulat na sabi ng kanyang asawa, joke lang honey ito naman, napuno sila ng tawanan at kwentuhan habang silay kumakain almusal. Nang matapos na sila magalmusal ay nagpaalam na din sila sa kanilang magulang na mauuna na sa pagpasok sa kanilang eskwela. At ang kanila namang magulang ay pupunta ulit sa U.S para asikasuhin ang kanilang mga? negosyo don. SAPHIRE'S POV Habang lulan sila ng kanilang kotse ay napapansin nyang hindi mapakali ang kanyang ate na parang nanginginig pa ang mga kamay habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse, alam niya kasi na pagdating na naman nila sa eskwelahan ay mguumpisa na naman siyang bullyhin ng mga estudyante doon, ayaw naman ipaalam ng kanyang ate? ruby na magkapatid sila dahil ayaw na niyang maulit pa noon yung nangyare sa kanya nung sila ay nasa elementary pa lang. Kaya imbes na Ruby Altamirano ay pinapalitan niya ito ng apelyido, kundi siya ay Ruby Sevilla.. ito ay middle initial ng kanyang ama, dahil ang kanilang ama ang sponsor ng pinapasukan nilang eskwelahan na pinaka sikat sa lungsod ay nagawan niya ito ng paraan, ang alam lang ng kanilang ama kung bakit siya nagpapalit ng apelyido ay dahil sa lage daw silang pinagkukumpara na magkapatid hindi na lang nila sinabi ang totoong dahilan dahil kilala nila ang kanilang ama pagdating sa kanila, walang hindi gagawin para sa kanyang mga anak. "Ate you ok?? nag-aalalang tanung niya sa ate niya, you're shaking, is everything alright?? you can tell me, habang hawak nya ang kaliwang kamay ng ate niya na? kanina pa nanginginig na parang may kinatatakutan. "O-okay l-lang aq saphire you dont have to worry hmmmn? nangangatal na sabe niya, "Ate bakit kase hindi pa naten sabihin na magkapatid tayo? para kahit papano napoprotektahan kita? o kaya sabihin naten kay Dad kung ano talagang nangyayare, naluluhang sabi niya habang nakatingin sa ate niya. "Alam mong hindi pwede sis, ayokong pati ikaw madamay, ayokong maulit yung nangyare dati, hindi ko kaya na kung pati ikaw ay bubullyhin nila dahil sa kapatid mo ko". "Pero Ate!! --- hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya dahil niyakap na siya ng buong higpit ng ate nya... "Dont worry sis, ayos lang ako sanay na ako, basta walang nangyayaring masama sayo masayang masaya na si ate, at lalo pa akong ngiging masaya dahil nakikita kong ang daming humahanga sayo, kung ano man ang nakikita mo pleeeease,.. balewalain mo na lang?? pagkasabi ng ate niya nun bigla siyang kumalas sa pagkakayakap at hinarap siya, panay pa rin ang tulo ng kanyang luha na pinunasan naman ng kanyang ate Ruby... "Hindi ko kasi kaya ate na nakikita kang pinapahirapan nila tapos wala akong magawa" umiiyak na sabi niya habang siya ay nakatungo, "Mas lalong hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay paglaruan din nila saphire. *FLASHBACK* "Ang pangit mo!!! anak ka ata ng mangkukulam eh! sabi ng isang bata habang pinagbabato siya ng mga pinagpipilas na mga papel, si Ruby naman ay tahimik lang sa isang tabi habang lumuluha, Bakit kasi naging kaklase ka pa namin baka mamaya kulamin mo pa kame! sabi naman ng isang maarte niyang kaklase na panay irap pa sa kanya.. At hindi pa sila nakuntento bigla na lng siyang binuhusan ng maruming tubig na pinagbanlawan ng mop, "Ayan ang nababagay sayo! bigla naman nagtawanan ang mga kaklase niya, at maya maya pa ay dumating na c saphire sa silid ng ate niya upang sabay na sila maglunch at nagulat na lang siya ng makita ang itsura ng ate niya na basang basa at marumi na ang uniporme, bigla niya itong nilapitan na may halong pagaalala at galit sa mga gumawa sa kanyang kapatid! "Anong ginawa niyo?? bakit niyo to ginagawa sa ate ko?!! sigaw niya sa mga kaklase ng ate niya na hindi pa rin tinatanggal ang masamang titig sa mga ito, "So, ikaw pala ang kapatid ng mangkukulam na ito? "sabay turo ng maarteng babae sa kanyang ate ruby, "Oo ako nga! ano bang ginawa sayo ng ate ko bat niyo siya ginaganito?!! "Kase ang panget niya at mukha pang mangkukulam naiintindihan mo?! "How dare you!!! sabay tulak niya sa babaeng kaklase ng ate niya, nasa grade five siya at grade six naman ang ate? niya pareho sila ng eskwelahan na pinapasukan simula ng magaral sila dito ay walang araw na hindi binubully c Ruby kaya c saphire naman ang laging nagtatanggol sa knya, ngunit minsan ay napapahamak din c saphire ng dahil sa kanya. "Wala kang karapatan na sabihin yan sa ate ko! napaka sama mo!! sabay sabunot at pinagsasampal niya ito, hindi pa siya nakuntento kinuha niya sa lamesa ang nakita niyang juice at binuhos sa babaeng kaaway niya, "Dahil sa ginawa mo sa ate ko quits na tayo ngayon!! pagkasabi non ay hinila na niya ang ate niya palabas ng silid nila, inis na inis namang naiwan ang kaklase ni ruby dahil sa ginawa ng kapatid niya, "humanda ka saken gaganti ako sayo"!! KINABUKASAN.. hindi na rin si ruby ang binubully nila maging c saphire na rin, andun ang minsang nagbanyo c saphire at inilock ang pintuan at ilang oras na nakakulong mabuti na lamang ay biglang dumating ang janitress nila at pinagbuksan siya ng? pinto, meron din na bigla na lang siyang bubuhusan ng malamig na tubig o di kaya lalagyan ng mga ipis ang locker niya.. "Dapat kasi hinayaan mo na lang ako saphire, hindi mo na sana ako pinagtanggol pa, sabi ni ruby habang pauwi na sila sakay ng kanilang kotse, "anong gusto mong gawin ko ate? tumunganga na lang? na panoorin ka habang pinaglalaruan ka nila? "ayoko lang kasi na nadadamay ka, sabay sulyap sa kanyang kapatid "Sabihin na natin kay dad ate, alam kong may magagawa siya, yan ang wag na wag mong gagawin saphire! Kilala naten c dad, wala siyang sinasanto pagdating saten at ayokong mangyari yun, ayokong gamitin niya ung posisyon niya dahil lang saten. pagkasabi nun ng ate ruby niya hindi na muli pa siyang nagsalita. Habang naglalakad c saphire papunta sa kanyang silid ay may lumapit sa knyang estudyante na nagsasabing binubully na naman daw ang kanyang kapatid, tinuro naman ng estudyante kung asan si ruby, nung pupuntahan na sana niya ito sa cr ng mga babae pababa ng hagdan bigla na lamang siyang nadulas at nahulog sa may hagdan at tumama ang kanyang likod at nabagok ang ulo, sanhi ng pagkawala niya ng malay.. "Aika mukhang napasobra na ata tayo?? kinakabahang sabi ni rona ang isa sa mga nambubully sa magkapatid, nilagyan kasi nila ng pampadulas ang hagdan kaya biglang nadulas c saphire. "A-ano ka ba?! a-aksidente ang nangyari ok!! Tatanga tanga kasi siya eh!! halika na umalis na tayo dito baka may makakita pa saten. Simula ng aksidenteng yon sinabihan na ni ruby c saphire na wag na siyang ipagtanggol pa dahil siya mismo ay sinisisi niya ang sarili niya kung bakit naaksidente ang kanyang nakababatang kapatid, kaya nagpasya siya na baguhin ang kanyang apelyido at magpanggap na hindi sila magkapatid o magkakilala man lang, kaya nung sila ay nag highschool na lumipat sila ng ibang eskwelahan pareho pa rin sila ng pinapasukan, at sa twing pagtatawanan c ruby ng mga estudyante at bubullyhin walang magawa c saphire kundi panoorin na lang sa malayo ang ginagawa ng mga estudyante sa kanya, at habang nakikita niya yon ay unti unting dinudurog ang kanyang puso..."Sorry ate--- yun na lang ang tangi niyang sinasabe sa kanyang sarili habang lihim na umiiyak… *END OF FLASHBACK* Bago pa man makarating sila sa Main gate ay bumaba na kagad c ruby ng sasakyan at tulad ng dati hindi sila pwedeng makita ng ibang estudyante dahil hindi nila alam na magkapatid o magkakilala pa sila. Nang makarating na si Saphire sa paaralan ay bumaba na kagad siya ng sasakyan at nagpaalam sa kanilang driver na tatawag na lang kung anong oras sila dapat sunduin. pagkarating nya sa may gate ay nakita niya kagad ang dalawa niyang kaibigan na naghihintay sa kanya, si marky at jennica. Kaibigan na nia ito simula nung highschool pa at sila lang dalawa ang nakakaalam na magkapatid sila ng ate ruby niya. "Guuuuuuurl!! ang tagal mo naman! kanina ka pa nmin inaantay dito ni bakla! turo ni jennica kay marky sabay kawit sa braso ni saphire. "sino ba kasing may sabi na antayin niyo ko ha?? sabay nguso sa dalawang kaibigan niya. "bakla namiss ka lang kasi nmin no!! maarteng sabi naman ni marky habang naglalakad sila papunta sa loob ng kanilang paaralan. "sows! may kailangan lang kayo eh! Grabe ka bakla! pag naglalambing may kailangan agad? may halong pagtatampong sabi ni marky. "Nga pala gurl nabalitaan mo na ba ang nangyari sa ate mo kahapon? may pag-aalalang sabi ni jennica, "Oo jennica, narinig ko kahapon ang usap usapan hindi ko na lang tinanong c ate kasi hindi rin naman niya sasabihin sakin eh. "Hindi ako naniniwala na kayang gawin ng ate mo ang mangopya at nakuhaan pa ng kodigo, juskooo day! maloloka ko sa mga taong walang magawa kundi mambully sarap pagsasampalin ang mga petchay ng mga yon!! iritang sabi ni marky na pinaypay pa ang dawang kamay, "Teka nga muna gurl bakit hindi kayo magsumbong kay tito arthuro? ang tinutukoy ng kaibigan niya ay ang kanyang daddy. "Tutal maimpluwensyang tao c tito arthuro at isa pa siya ang ngsponsor dito sa? school natin di ba? "ayaw ni ate, yan din ang gusto kong mangyari, pero napagisip isip ko na hindi ganun kadali, Alam niyo naman siguro kung bakit di ba? sabay tingin sa dalawa niyang kaibigan na nasa kaliwa at kanan niya na parehong naka angkla sa braso niya. "Kasi kayang kaya ni tito arthuro na ipaexpell at sirain ang buhay nila kung sino man ang mang-aapi sa inyo; sabay sabi ng dalawa niyang kaibigan na medyo natatawa pa.. "Alam niyo naman pala eh bakit nagtatanong pa kayo? ngingisi ngisi naman niyang sabi sa kaibigan. "Maganda nga yun bakla para mabigyan ng leksyon ang mga hinayupak! "Ayaw ni ate ng ganun bakla, kase ayaw niya na gamitin ni dad ang posisyon niya para saming magkapatid.. "napaka bait naman ng ate mong yan gurl, ano yun hahayaan na lang niya na basta na lang siyang gaganunin? hindi ba siya nagsasawa na simula pa lng elementary hanggang ngayon e binubully na siya ng mga estudyante?! "Actually maganda naman c ate ruby mo bakla hindi lang marunong mag-ayos imake over kaya naten siya bakla?? sabay palakpak naman ni marky sa ere "Sira ka talaga!! may kwento kasi yan kung bakit mas pinili ng ate ko ang ganung ayos. bigla na lang silang natigilan ng may biglang humarang na lalake sa kanilang harapan..titig na titig naman si marky at jennica sa kaharap nilang lalaking estudyante na animoy nakakita ng multo. Matangkad ito, kulay brown ang bagsak na buhok nito maputi matangos ang ilong at may kaakit akit na mga mata na parang hinihipnotismo ka kapag iyong tinitigan, isa din siya sa mga campus crush ng kanilang university at varsity player din kaya naman pag nakikita na siya ay nagtitilian ang mga estudyante. Samantalang kilig na kilig naman ang dalawang malanding kaibigan niya sa binata dahil wala siyang ibang tinititigan kundi siya lamang.. "H-Hi! nahihiyang sabi ng binata na kakamot kamot sa kanyang Batok. "Aahhm, ako nga pala c Asher Craig sabay lahad ng kanyang kamay, tinitigan lang ito ni saphire sabay baling sa binata "Hoy! miss saphire altamirano nakikipagkilala c pogi, kilig na kilig na sabi ng kanyang baklang kaibigan na c marky, "Kamayan mo na bakla wala namang mawawala sayo at mukhang malinis naman yung kamay niya at mukhang mabango, bulong ni marky na hindi pa rin nawawala ang kilig.. Nang hindi pa rin ako nakikipag kamay kay asher si jennica na ang kumuha sa kamay ko at siyang dinikit sa kamay ni asher na ikinagulat ko at pinanlakihan ko ng mata.. "Siya nga pala si saphire altamirano, si jennica na ang nagpakilala sakin. "Oo kilalang kilala nga siya dito sa buong campus, noon pa sana ko gustong makipagkilala kaso nahihiya lang talaga ako eh, ashton said while smiling and looking at her. "Ayiiiieh!! kilig kilig na ko bakla!! ikaw na talaga ang reyna ng? kagandahan! sabay padyak ni marky sa sobrang kilig! "Pwede ba marky umayos ka nga nakakahiya ka, "Okay lang saphire nakakatuwa nga siya eh.. Okay lang ba yayain kitang maglunch mamaya? "Pasensya ka na busy kase ako eh pupunta ko ng library mamayang lunch may kelangan akong tapusin, "hoy babae! tpos na mga projects natin at wala na? tayong ibang gagawin noh! nakapamewang namang sabi ni jennica, "Meron k-kaya!! akmang aalis na sana siya ng bigla siyang pigilan ni asher.. "Pleeease saphire kahit ngayon lang? gusto lang talaga kita maging kaibigan, ngsusumamong sabi ni asher… "sige pagiisipan ko, pagkasabi non ay tinalikuran na niya ang binata at sumunod naman ang dalawa niyang kaibigan… "Dude hindi ata umubra ang charm mo ngayon ah!! sabay lapit at akbay sa kanya ng kaibigan niyang si Walter, "Masungit pala talaga c saphire dude, iiling iling na sabi niya sa kaibigan habang papasok na sila. "Suko ka na ba? sabay tawa ni walter.. "Hindi ah!! gusto ko talaga c saphire! "Ready ka na bang mabasted ha? sinamaan lang ng tingin ni asher ang kanyang kaibigan. "joke lang dude ano ka ba!! Saphire Altamirano yun dude kilalang manhater.. –PLEASE WAIT THE NEXT EPISODE PO, UPDATE POH ULIT AKO BUKAS MEDYO INAANTOK NA KASI AKO HAHAHA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD