CHAPTER 48 “MABUTI'T nakita ko po kayo. Balak niyo bang pumasok sa Tore ni Babel?” tanong ni Sabir sa kanila. “Kailangan namin puntahan si Heron. Kamusta ang anak ko?” pag-aalalang tugon ni Queen Hermonia. “Kasama ko siya kanina no’ng tumakas kami sa tore pero bumalik siya para iligtas si Miya.” Napakunot-noo si King Cadmus sa narinig niya. “Anong nangyari kay Miya?” tanong ng hari dito. “Kinuhang Prinsesa ng Kamatayan ni Thanatos si Miya. Sa totoo lang po, ang hirap itakas si Miya mula sa kamay ni Thanatos dahil sa dami ng kawal na nakapaligid sa kuwarto niya. Mas lalong hinigpitan ni Hades ngayon ang siguridad ng mga bihag,” salaysay ni Sabir pagkuwan ay nabaling ang tingin ng mag-asawa sa kasama ni Sabir. “Ah... Eh... Si ano po pala... Si...” Hindi alam ni Sabir ang pangalan ng b