CHAPTER 49 “MIYA! MIYA!” bigkas ni Heron sa pangalan ng kaibigan niya habang patuloy na binubuksan niya ang bawat pinto ng kuwarto. Ilang sandali pa ay bigla siyang nakasalubong ng tatlong kawal sa daan kaya napahinto siya nang matantuan niya ito. “Si Heron!” Agad na tumakbo si Heron sa ibang direksyon nang mabilis siyang hinabol ng mga ito. Hindi na alam ni Heron kung saan siya dinala ng kaniyang mga paa hanggang sa makita niya ang pamiliar na daan, at nang buksan niya ang pinto ay laking gulat na lamang na makitang nasa loob na pala siya ng arena. “Heron?” Napalingon si Heron nang marinig niya ang boses ng kaniyang kaibigan na si Jiyeon. Laking gulat niyang makita itong nakagapos sa upuan at sugatan ang mukha. Lumapit siya dito upang usisain kung bakit nagkagano’n ito. “Anong nan