CHAPTER 50 “A-ANO ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Heron dito kaya ngumiti lamang si Jiyeon pagkuwan ay sumagot ito. “Sa totoo lang, I still have powers. Gusto ko lang na makalaban si Thanatos kaya nagpanggap akong mahina,” pabulong na tugon ni Jiyeon kaya nanlaki ang mata ni Heron saka lihim na napangiti. Di kalaunan ay biglang nagsidatingan ang mga halimaw at pinalibutan sila pagkuwan ay tumawa nang malakas si Thanatos. “Sigurado kayong kaya niyo pa akong labanan? Mukhang wala na kayong maibubuga,” sarkastikong tanong ni Thanatos sa kanila. “Paano kung mero’n?” kumpyansang tanong ni Jiyeon kay Thanatos saka biglang nagliwanag ang katawan niya. Nanlaki ang mata ni Thanatos sa nakita niya saka siya napaatras dahil sa gulat. Paano ito nagkaro’n ng kapangyarihan? Dahil sa