CHAPTER 51 “DITO ka lang, Maribel, h’wag muna tayong papasok sa tore,” pagpigil ni Sabir dito habang sinusundan niya ang mga sundalo papasok. “Bakit?” tanong nito sa kaniya. “Antayin muna nating mga ilang minuto bago tayo pumasok. Hali po kayo... dito tayo sa likod dumaan,” ani Sabir sa Hari at Reyna saka nauna siyang yukong lumakad papunta sa kabila. Pagdating nila do’n ay di sila nagdalawang isip na pumasok na sa loob hanggang sa nakarating sila sa arena. Nanlaki ang mata ni Sabir nang makita si Jiyeon na nakagapos ito sa upuan samantalang si Hades ay nasa taas ng arena na nakaupo sa trono. Nagbukas ang kabilang pinto ng arena at nakita nila si Thanatos na naglalakad papasok. Di kalaunan ay biglang may nakikita si Sabir na sinag ng liwanag sa katawan ni Jiyeon. Napangiti si Sabir nan