CHAPTER 52 WALANG humpay na binalabag ni Miya ang pinto ng kuwarto niya para palabasin siya ng mga kawal. “Palayain niyo ako!” sigaw niya habang pinpukpok ng kaniyang kamao ang bakal na pinto na animo ay nasa mental hospital siya. Di na nakatiis ang isang kawal dahil sa sobrang ingay nito at pang-aabala ng trabaho. Lumapit ito sa pintuan ni Miya at mainam na tinitigan ito nang masama. “Isa pang ingay ay papatayin na kita,” ani ng lalaking kawal nang itutok ang matulis na espada sa harap nito. Napabuga ng hangin si Miya sa ginawa ng kawal sa kaniya. “Seryoso ka? Sa tingin mo bang mapapatay mo ako ng gano’n lang? Heh. Hindi mo ako kilala pero subukan mo!” paghamon ni Miya dito kaya napakuyom ng kamay ang lalaki saka pinakalma ang sarili. “Kung hindi ka lang Prinsesa ng Kamatayan ay ba