Chapter 11

691 Words
CHAPTER 11 "I WANT TO MEET HIM IN PERSON." Napalingon si Jiyeon kay Heron matapos niyang marinig sinabi ni Mythologist Xavier. Nagbigay ng address si Xavier dito kung sakaling pupuntahan siya Huminga nang malalim si Jiyeon habang pinagmamasdan ang walang malay niyang kamukha. Di nagtagal ay nakarinig siya ng malakas na kalabog sa pintuan ng kaniyang condo. Hindi normal ang tunog nito kaya napasilip siya sa maliit na butas. "Wala namang tao sa labas," aniya sa isip at nang akmang babalik siya sa kama ay muli siya nakarinig ng pagkalabog. Mabilis niyang sinilip ang butas ng pinto hanggang sa matantuan niya ang kakaibang hitsura ng isang halimaw na nag-aabang sa kaniya sa labas. Nanigas sa kinatatayuan si Jiyeon nang matuklasan niya 'yon. Bumilis ang t***k ng puso niya at tila bagang aatakihin siya dahil sa kaba. Kaagad siyang humiwalay sa pinto nang bumalik siya sa huwisyo. Tahimik siyang naglakad papuntang sala at maingat niyang binuksan ang tv. Bumungad sa kaniya ang balitang tumataas na ang bilang ng mga halimaw na kumakalat sa buong bansa. Napatakip ng bibig si Jiyeon nang malaman niya 'yon. "What the hell is going on? Bakit ganito kabilis ang paglaganap ng itim na kapangyarihan?" Hindi panatag si Jiyeon na matatalo ni Heron si Hades kung ganito karaming halimaw ang magiging kalaban nila. Paano na lang kung tuluyan nang masakop ni Hades ang Earth? Ano na lang kaya ang magiging kahihinatnan ng mga tao pag naging bihag na sila? Umiling si Jiyeon dahil sa mga hindi magagandang bagay na pumapasok sa isip niya. Ilang sandali pa ay di niya namalayang nakatulog na pala siya sa sala habang bukas ang tv. Kinabukasan ay maagang nagising si Heron nang naalimpungatan siya dahil sa lakas ng boses ng tv. Nahihilong bumangon siya sa kama at bumaba rito. "Nakakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako?" ani Heron sa sarili saka niya binaling ang tingin niya dito kay Jiyeon na nakahiga sa sofa. "Nakatulog siya na bukas ang telebisyon?" dagdag niyang wika pagkuwan ay napatingin siya sa tv nang bigla itong magsalita. "Sa ulo ng mga nagbabagang balita. Patuloy nang lumalaganap ang sinasabing itim na kapangyarihan nang matuklasan ng mga netizines ang iba't ibang anyo ng mga halimaw sa buong bansa. Marami ang nakakapagsabi na ito na nga ba ang End of the World? Maaaring bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas kung patuloy na tumaas ang bilang ng mga apektado sa itim na kapangyarihan." Napakunot-noo si Heron matapos niyang marinig ito mula sa babaeng nasa telebisyon. "Bakit ang bilis kumalat ng kapangyarihan ni Hades? Paano ko 'to mapipigilan?" seryosong tanong niya sa sarili habang nakatingin dito. May kung anong poot siyang naramdaman sa puso niya dahil hindi niya matuklasan kung anong paraan ang puwede niyan gawin upang masugpo ang pagtaas ng bilang ng mga halimaw. Di kalaunan ay nagising si Jiyeon kaya marahang bumangon ito at hinarap si Heron. "Ang aga mo pa lang nagising. Sorry kung nakadisturbo sa'yo ang tv." Napansin ni Jiyeon na malalim ang iniisip nito na tantya niya'y tungkol ito sa itim na kapangyarihan kaya muli siyang nagsalita. "Kailangan mo muna siguro magpahinga, Heron. I think you're not yet feeling well." "Hindi. Kailangan ko nang harapin si Hades para mapigilan ko ang itim na kapangyarihan," pagtutol ni Heron dito pagkuwan ay akmang lilipad siya sa bintana ngunit di niya nagawa. "Mahina pa ang katawan mo, Heron. Hayaan mong magpahinga ka muna bago ka sumabak sa gano'ng laban." "Hindi ko hahayaan ang bagay na 'yon, Jiyeon. Hindi ko hahayaang pati ang Earth mawasak din ni Hades." "P-pero..." Biglang naisip ni Jiyeon ang sinabi ni Mythologist Xavier kagabi. "Sandali! Nasulat ko sa papel ang address ni Mythologist Xavier. Nakita ka niya sa tv at gusto ka niyang makausap. Baka may alam siya sa itim na kapangyarihan at kung paano ito matatapos? Baka ito na rin ang daan para matalo mo si Hades?" salaysay ni Jiyeon saka binigay ang address na nakasulat sa papel kay Heron. Napataas ng dalawang kilay si Heron nang tanggapin niya ito. "Mythologist Xavier?" tanong ni Heron sa sarili saka niya binasa ang address.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD