CHAPTER 10
WALANG malay si Heron nang idala ni Jiyeon ito sa condo. Hindi siya mapalagay nang dahil sa nangyari. Ano kaya ang dahilan kung bakit nawalan ito ng enerhiya? Panginoon si Heron at imposibleng mangyari ito sa kaniya.
“Heron? Gumising ka," pag-aalalang wika niya dito.
Nilagay niya si Heron sa kama at pinagmasdan ito nang mabuti. Nagpunta siya sa kusina at nagbasa ng towel upang ipahid sa mukha ng kaibigan niya at linisin ‘yon. Nagpaalam siya kay Chairman Ricardo na hindi muna siya papasok ngayong araw at ta-trabahuin niya na lang ang naiwan niyang trabaho sa bahay.
Habang inaantay ni Jiyeon gumising ito ay nagbukas siya ng telebisyon upang manuod ng action movie. Akisdenteng napindot niya ang news channel at laking gulat niyang makita sa tv ang mukha nilang dalawa ni Heron. Tantya niyang may isang netzines na nagbigay ng video sa broadcast company upang ibalita sila. Matapos ang balitang ‘yon at napahinto si Jiyeon nang marinig niya ang tungkol sa mga halimaw.
“Hindi makapaniwala ang ilang mga netzines sa pagbabago anyo ng ilang mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ayon kay Bishop Darwin, posibleng binenta ng mga taong iyon ang kaluluwa nila kay Hades. At ayon kay Mythologist Xavier Del Gado, ang itim na kapangyarihan ay nagbibigay ng kakaibang anyo at enerhiya upang tuluyang mawasak ang mundo. Sa imbistigasyong naganap tungkol dito ay nalaman ni Mythologist Xavier ang isang propesiyang magaganap na may isang tagapagtanggol ang makakapagpigil sa pagsakop ni Hades sa mga tao. Totoo ba kayang wawasakin ni Hades ang Planetang Earth?”
Napalunok ng laway si Jiyeon sa narinig niya. Nagsisimula na atang gumalaw si Hades upang maraming mga tao siyang mabihag bago mangyari ang pagsakop at pagwasak ng Earth.
“This can’t be real,” aniya sa sarili.
Makalipas ang ilang oras ay nakita niyang bumangon mula sa higaan si Heron. Agad siyang lumapit dito upang kamustahin.
“Are you alright?”
Napahawak ng ulo si Heron nang dahil sa hilo. Pinilit itong bumaba ng kama saka nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Habang ginawa ni Heron ‘yon ay nagsalita si Jiyeon at kinuwento niya ang narinig niyang balita mula sa telebisyon.
“Nabalita tayo sa buong bansa ang pakikipaglaban natin kay sa halimaw na kanina. At totoong may mga halimaw o mga nakatanggap ng itim na kapangyarihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.”
“Nauubos ang kapangyarihan ko kung hindi ako sumanib sa’yo, Jiyeon. Ramdam kong nagsisimula na si Hades wasakin ang Earth. Pero hindi ko alam kung paano natin magagawang ilabas ang tunay kong kapangyarihan.”
“What if... kausapin natin si Mythologist Xavier? Magaling siyang Mythologist at baka may maitulong siya sa atin?”
Napaisip nang malalim si Heron dahil ngayon lang niya narinig ang katagang Mythologist.
“Ang Mythologist ay sila ‘yong nag-aaral tungkol sa mga Mythic Gods, just like you. Baka may alam siya kung paano mapipigilan si Hades?”
“Parang hindi ako makapaniwalang alam niya ang bagay na ‘yon? Kung talagang Mythologist siya, dapat hinanap niya tayo ngayon. Hindi ba’t nabalita tayo sa telebisyon?”
Nang akmang sasagot na si Jiyeon ay biglang nag-ring ang cellphone niya sa bulsa. Agad naman niyang dinukot ‘yon at sinagot ang tawag.
“Is this Mr. Jiyeon?”
“Y-Yes po.”
“Ako si Mythologist Xavier. I’d like to meet you to ask something if you have time now?”
“Mythologist Xavier?”
Nanlaki ang mata ni Jiyeon sa narinig niya. Paanong nakuha nito ang numero niya?