CHAPTER 41 BINALING ni Miya ang tingin niya kay Heron sa arena matapos niyang makausap si Anghel Gabriel. Kailangan niyang umalis sa kinauupuan niya para tawagin si Goddess Tala. “Nahihilo ako, Thanatos,” pakunwang wika niya dito habang nakahawak siya sa ulo. Nag-alala si Thanatos nang matantuan niya ang kalagayan ni Miya. Baka napagod ito dahil sa nangyayari ngayon. Agad niyang tinawag si Pilato upang dalhin ang Mahal Na Prinsesa sa kuwarto at kailangan may bantay ito upang di na magtangkang tumakas. “Pilato, samahan mo ang Mahal Na Prinsesa sa kuwarto niya. Mukhang pagod na siya at kailangan niyang magpahinga. Ihanda niyo na rin siya ng makakakain,” utos ni Thanatos dito saka yumuko si Pilato huydat ng pagalang niya dito. “Masusunod po, Mahal na Prinsipe.” Inalalayan ng mga kawal n