CHAPTER 40 NILAPIT ni Hades ang bibig niya dito sa tenga ni Heron saka niya binulungan ito. “Kaya bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon. Sumama ka sa akin at gagawin kitang pinuno ng mga kawal. O kung anong posisyon ang gusto mo basta’t sumunod ka lang sa gusto ko. Ibibigay ko sa’yo lahat ng mga tinatamasa mo sa buhay—babae, kayamanan at kapangyarihan. Igalang at sambahin mo akong bilang Panginoon, at ililigtas ko ang mga mahal mo sa buhay,” ngiting dagdag na wika niya dito saka humiwalay siya habang nakatitig kay Heron. Nangalit ang mga ngipin ni Heron habang pinapakinggan niya si Hades pagkuwan ay napalunok siya ng laway. “Kailanman ay hindi kita paglilingkuran at hindi ko magagawang lumuhod ako sa harap mo kahit ikamatay ko pa. Hindi pa tapos ang laban ko, Hades kaya h’wag kang